Scene 20

2.7K 42 1
                                    

[ Scene 20 ]

**PAOLO'S POV**

"S-sorry.." Nasa backstage kami ni Hanna. Malapit na kami eh.

"Wala yun. Wag mong sisihin ang sarili mo."

"Kahit na! Nang dahil sa'kin, nasira ang plano. Nagalit pa sa'yo si Yna.."

"Maiintindihan naman niya yun.. Siguro.."

"Eh paano kung hindi? Tsk!! Kasalanan ko talaga! Ayos na sana kayo kung hindi lang ako umepal.."

"Don't blame your self.. Palagi ka namang nandyan para sa'kin eh, Tama lang na suklian ko yun."

"Pero sobra naman yata yan.. Don't worry.. Tutulungan kita.."

"Ha? Paano?"

"Basta! Ako na ang bahala.."

"Sasabihin mo sa kanya ang totoo?" Tanong ko sa kanya.

"Oo sana?"

"NO! Baka mabigla siya... Ako na ang bahala. Basta, i-cancel na lang siguro natin from now on yung unang plano. Masyado na ring madami ang mga anti's mo. It's time to clean your image up.."

"T-talaga? Thanks.. Alam kong after our performance.. Mas dadami sila."

"Sshhh.. Maayos natin 'to. I promise to get you out of this situation."

Pagka-tapos, tinawag na kami.

I'm ready to face the consequences of my actions. Hintay lang Yna.

-

**YNA'S POV**

Iwanan pala sa ere huh? Then I can do better.

"Yna! Ano? Kakausapin pa ba natin si Paolo?" Tanong ni Sandi, kumalma na kasi ako.

"Nah. I'll talk with Yuu instead. Siya naman yung nakakasama ko sa mga gantong pagkaka-taon eh." Ngumiti ako at lumabas ng gym.

Alam kong ang pangit tingnan kasi parang ginagamit ko lang si Yuu. Pero hindi, true friend siya at matatakbuhan ko talaga sa ganitong mga pagkakataon.

Nung nasa gate ako ng gym, saktong papasok pa lang siya.

"Yuu!!" Tinawag ko siya.

"Uy! You look good! Hindi ka pa magpe-perform?"

"Uhm.. Malapit na.."

"Oh, bakit lumabas ka pa?"

"Ah, ano kasi.. Nakapag-register ka na ba sa solo test?"

"Actually papunta na ako dun eh.."

"NO!! I'll be your partner instead ^____^"

"Ha? Eh 'di ba si-----"

"Wala, wala akong ka-partner. So please, ikaw na lang.." Pinutol ko na yung sasabihin niya.

I.JUST.DONT.WANT.TO.HEAR.HIS.NAME.

"HA? Eh akala ko----"

"Eeeeh basta! Haha! Partner tayo. Pwede naman DAW mag-palit kapag hindi pa turn eh." Hinila ko siya.

Ako na bitter. +__+

Pagka-upo namin sa seats namin, nasa stage na yung dalawa.

Nag-katinginan kami. Nagtitigan kami hanggang nag-simula na ang music nila.

Their moves and routines were great.

It was great because most of them were OUR steps. Yung mga steps namin ni Paolo. Iniba lang ng konti yung iba at dinagdagan. HAH!! Sabi nga niya 'di ba? Palagi silang nagpa-practice ni Hanna. Grabe. Practice makes perfect.

"Yuu. Remember the steps that we made?"

"Alin? Yung mga 'experiments' natin?"

"Yup?"

"We'll do it."

"HAH?? Are you sure? I mean.. Biruan lang natin yun di ba??"

"Basta gagawin natin.. Kita mo ba yung dalawang nasa stage? Halos kapareho ng routines na pina-practice natin! We have to spice it up."

"Ha? O-okay. Sabi mo eh."

Wala akong paki-alam kung masyado silang mabigatan sa ipapakita namin. Masama akong ini-imbyerna eh.

"Thank you po." Sabi ni Hanna sa mic.Maka-ngiti naman 'to???

"Awesome performance from our 13th contestant!! Now may we have on stage contestant number 14!!!" Tawag ng MC.

Malapit na kami.

"Yuu, tara na sa backstage."

"Planning for revenge, eh?" Tanong ni Yuu habang nagla-lakad kami papunta sa backstage.

"Ha?? Paano..."

"Obvious sa mukha mo.. Tsaka kung paano mo sila tingnan. Parang masusunog na lang sila bigla.."

"Haha!! You know me too well Yuu.. Salamat at kinonsinte mo pa rin ang kabaliwan ko.."

"Hindi naman sa kinokunsinte.. Hindi lang talaga fair ang ginawa ni Valenzuela sayo. Galingan natin partner. Nandito ako." Inakbayan niya ako.

Swerte ko sa kaibigang 'to. Buti pala nabato ko siya noon ^____^

Nataposna rin yung pair bago kami.mNarinig naming may mga nagpalakpakan na. Which means, kami na.

"Game??" Tanong niya.

"GAME!!!" Sigaw ko at hinila na siya sa stage.

--

Hulols.. May cut-off. XD

Love Team (EDITED)Where stories live. Discover now