Scene 3

3.4K 65 21
                                    

Author's Note:

Salamat po sa lahat! Sana mag-tuloy tuloy ang suporta! Enjoy!

**************************************************************************************************************************

[ Scene 3 ]

**PAOLO'S POV**

"Mag-isa ka.. Mag-isa ka lang sa buhay ko.. ^__________________^"

A-anong sabi niya??! A-Ako lang??!

Bigla siyang ngumuso.. Yung parang may tinuturo sa likod niya..?

Nung tumingin ako..

May tao pala. Pantae oh.!! Akala ko pa naman.......

Psh. Palabas lang pala ulit. Na-dali ako dun ah! =______=

"A-ah!! I know! Ikaw rin naman Siomai eh, mag-isa ka lang para sa'kin. Tara na!" Tapos inakbayan ko siya pababa ng stage. Woo!!! Kala niya siya lang ha? Siopao siya nang Siopao. Siomai ka ngayon. Haha!!

Para bagay tayo. B'DD

Tuwang-tuwa yung mga naka-kita sa'min kanina.

Akala nila, okay kami.

Akala nila, gusto namin ang isa't-isa.

Kaso, yun nga.

AKALA LANG NILA YUN. Psh. =____=

Ano bang ka-ayaw-ayaw sa'kin at kahit kelan hindi ako na-gustuhan ng babaeng 'to?

Alam ko, wala sa itsura ko at HINDI BAGAY sa itsura ko ang mga ganitong kabaklaan.

Yun bang sinasabing 'Love at First Sight'? Akala ko rin hindi totoo eh.

Eh anong magagawa ko? Takteng mata 'to. Hindi marunong mamili ng tititigan. =___=

**flashback**

(Drama Club Auditions, Freshmen Year)

Tsk. =____=

Hindi ko alam kung bakit kailangan kong mag-punta rito. Ni wala nga akong hilig sa pag-arte. Pinilit lang ako nung teacher namin.

Anong gusto nilang gawin ko? Umiyak? Mag-lupasay? Magbaliw-baliwan? O yung walang kamatayang 'Inay! Inay! Bakit niyo po ako iniwan!?"

Putek. Kung ganyan lang, uuwi na 'ko. Wala namang magandang nangya-yari dito sa-------

"Sir! Sorry I'm *breathe* late!" May pumasok na babae, first year din. Hinihingal siya.

"It's okay. Take your seat." = Tumingin-tingin siya sa paligid. Tapos, tumingin siya sa direksyon ko.

Ngumiti siya habang nag-lalakad papalapit sa'kin.

Ano 'to? Nananaginip ba 'ko??

Bakit parang biglang nag-slowmo lahat? Tapos parang kumikinang ang buong paligid?

Love Team (EDITED)Where stories live. Discover now