Chuchi Marie Baruga

2.5K 105 17
                                    

Meet Chuchi.

Ang labi, Anne Curtis.

Ang mata, Kim Chiu.

Ang buhok, Angel Locsin.

Ang katawan, Sam pinto.

Ang hugis ng mukha, Angelica PANGAniban.

Ang ilong, Teddy ng Showtime.

Kapag pinagsama-sama. Hindi maganda.

Sa kabila ng hindi kagandahang hitsura ay naniniwala siya sa TRUE LOVE.

Naniniwala siya na ang kanyang love story ay kasalukuyang isinusulat pa lamang ng diyos.

Naniniwala siya na makakahanap din siya ng taong magmamahal sa kanya nang totoo.

Proud na proud siya sa pangalan niya kahit tunog aso ito.

Seventeen years old at kasalukuyang nag-aaral sa isang sikat na university. Pinag-aaral lang siya ng kanyang tiyuhin habang nasa probinsya ang mga magulang at pitong mga kapatid.

Mapagmahal na anak at kapatid. Lahat ay titiisin para makapagtapos ng pag-aaral. Walang bagay na hindi niya kayang gawin para sa pamilya.



Ang PinakaMAGANDANG PANGIT sa  Balat ng LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon