"Kung personal ba kitang inimbita ay 'di mo ako tatanggihan? You still came anyway. Iyon lang ang importante sa akin," seryosong tanong niya.

"Hindi ko pumunta dito para sa'yo. Nandito ako para kay Nicky. Don't get the wrong idea. Ayaw ko na ginagamit mo si Nicky," I said firmly.

"Really? Aren't you that type of person who uses others just to get what she wants too? Like using Yeoji to get the apartment?" tumaas kaunti ang boses niya.

May nag-aanunsiyo na sa loob kaya't pareho kaming natigilan. Napatingin siya sa relo niya. Dahil ang pamilya ni Drake ang organizer ng event na ito, sigurado akong kailangan na siya sa loob.

"Let's talk again later." Nagmamadali siyang umalis at bumalik sa hotel. Tumungo ako sa gazebo at nagpahangin.

"Alam ko naman na ikaw ang gusto niya. Nakita ko agad sa mga mata niya. Sa tuwing binabanggit niya ang pangalan mo ay napapangiti siya." Tinabihan ako ni Nicky.

"So, why are we here then? Why are you so nice to me all of a sudden?" frustrated na tanong ko.

"I heard what you said. Yes, he used me pero ako ang nagdesisyon na magpagamit rin. Gusto ko lang subukan ulit. Ngayon na may paraan na ako para makita siya ng malapitan ulit. I had my chance but I was greedy that's why I lost him."

"You're enabling him. It's unhealthy to be codependent." Napabuntong-hininga ako.

"Thanks for trying to protect me, I guess. I will reflect on it." Pilit siyang ngumiti. Hindi na niya maitago na malungkot siya. Natakot ulit ako. Paano kung ayawan din ako ni Yeoji?

"Mukhang magsisimula na. Pumasok na tayo sa loob. Let's reserve the long talk for later." Nauna siyang naglakad.

Gusto kong mag-sorry sakanya na ganito ang nangyayari pero baka mas lalo pa siyang malungkot. Sinundan at sinabayan ko siyang naglakad.

Nang nasa may entrance na kami ay nakita ko si Yeoji na palabas ng kotse niya. Napahinto ako at napatitig lang.

"Bakit?" baling ni Nicky sa akin. Tiningnan niya ang direksyon ng titig ko.

Umikot agad ang sikmura ko nang  bumaba rin si Chloe sa sasakyan. Naka-abre siete si Chloe sa braso ni Yeoji habang naglalakad sila.

"Shit, madadaanan nila tayo," I clutched my bag.

"Oh, so it's the vice pres" komento ni Nicky bago niya hinawakan ang braso ko. Iginiya niya ako papasok sa loob ng hotel. Kapag sinusubukan kong lumingon ay pinipigilan ako ni Nicky.

"This time I'll save you," bulong niya sa akin.

"CR, please," desperadang sabi ko.

Doon nga kami tumungo. My chest feels heavy and prickly. Nagsalita lang ulit si Nicky nang kaming dalawa nalang ang nasa CR.

"Gusto mo na bang umuwi?" tanong niya sa akin.

"Nasa loob pa si Polly," rason ko. I need to confront Yeoji. Please, I didn't know it will hurt this bad.

"Okay, so, sa blog ko lang sinusubaybayan ang Anarchs sa ngayon pero alam ko na si Chloe ang kasama ni Yeoji Dale. She's his ex, 'di ba? Nagkabalikan sila?" tanong nanaman niya.

"I don't know, okay?" iritadong sagot ko.

"Jealous?" aniya. Kung puwede ko lang ilitanya sakanya ngayon ang tungkol kay Drake, Chloe at Yeoji!

Naglabas ako ng isang coin mula sa purse ko. "You flip it. Heads we go home, tails we stay and try our best," lakas loob na sabi ko. Kumunot ang noo niya.

HEARTSTRUCKWhere stories live. Discover now