PRELUDE

13 0 0
                                        

(Hindi lahat ng makikita mo dito ay totoo, ang iba ay gawa gawa ko lamang upang maaliw ang aking sarili. 70% ang gawa gawa 30% naman ang totoo)

(.p.s ang ganda ko)

Min Yoongi/ Suga as Clyde
Chaeyoung as Liz

------------------

Liz's POV

Paano kung mainlove ka sa isang lalake na di mo kapantay, na sa tingin mo ay hinding hindi sya mag kakagusto sayo, but oneday nag open ka ng fb account mo at nakita mong nag pop up ang sa message ang crush mo, di mo alam kung anong irereply sa chat nya.

BTW I'm Liz, 16, simpleng babae, sakto lang ang ganda ko (hehe!), chubby, pandak, kayumangi ang balat ko. Sa circle of friends namin ako lang ang mataba, pang apat ako sa maliit na babae sa classroom namin, at sa pakabugan hindi ako magpapatalo dyan, uhm pak pak!

It was a hot afternoon, pang hapon ang pasok namin araw araw and syempre ang grupo namin ay may daily routine na ang pagpasok ng classroom, baba ng bag and then pak LARGA!

Syempre hanap hanap din ng gwapo hihihi. Until may nakita akong isang lalakeng maliit, maputi, longhairada, at higit sa lahat ang ganda ng mata nya.

"Ay sht ang gwapo" nasabi ko nalang sa isip ko, ano kayang pangalan nito? Cute sya, kaso mukang masungit, baka di naman ako mapansin nito. Na- love at first sight ata ako.

Di ako makagalaw at feeling ko namumula na ko.

"Hoy!" Paggugulat sakin ni Ronalda (pag umaga ronaldo hahaha) "ano ba yan muka ka nang kamatis dyan" Patawa nyang sinabi saakin , "be ang gwapo" masaya kong sinabi sa kanila "nasaan, nasaan, nasaan?" Masaya din namang sabi ni Loreta. Ninguso ko nalang yung pag turo para di gaanong mapansin ng iba. "Ay! Kaibigan yan ng kaibigan ko, gusto mo pakilala kita?" Pataas- taas pang kilay na pag sabi nya saakin, "enebe weg ne, shy type pe kese eke eh, hihihihi" pabiro kong sabi sa kanila.

KRRRRRRRRRIIIING!

"Osya- osya, bahala na, istalkin ko nalang". Nag bell na yung ring (baguhin naman natin) kaya umalis na kami sa lugar na yon, aral muna bago landi nuh.

Last subject na namin, and ilang minutes nalang, uwian na. Katapat ko ng upuan si loreta habang sa Rhea naman katabi ko lang.

At dahil epal tong teacher ko, nag over time nanaman kami. Nag bell na't lahat-lahat di parin kami pinapatayo sa upuan namin at pinapakopya parin ang sandamakmak na lessons sa projector.

At syempre ako tong si bagot na bagot na, tinigil ko ang pagsusulat ko at tumingin nalang sa bintana (katabi kasi ako ng bintana) sigh.... madami dami nang dumaan na studyante, pero bigla akong nagulat nung umistop sya sa tapat ng room namin at sumilip sa loob, may tinuro pa nga sya, ewan k kung sino yun. At eto nanaman ako, umaarangkada nanaman ang maharot side ko, sinipa ko yung upuan ni loreta para sabihin na nandito sya. Nairita na nga sakin dahil sa kakasipa ko sa harap (sorry be).

Sabado na ngayon at niyaya ko ang pwends ko sa bahay para may magawa-gawa naman. "Frieeeend!!! Alam ko na pangalan nung kras mo!" Pagsabi nya nun, biglang sumaya yung paningin ko "search mo sa fb, Clyde Cole" at syempre ako naman search agad, pagkakita ko napa omg nalang ako dahil sya nga talaga yun. " omg be tenkyuuuuu!!!!" I huged her then smack sa mataba nyang cheeks.

Nasa labas lang kami ng bahay namin, naka upo, nag so-sound trip at kumakain, lagi naming gawain yan pag nakatambay lang kami.

But then may dumaan na maliit, maputi at longhairadang lalake biglang nanlaki mga mata ko "omg" pabulong kong sinabi.

"girl si clyde!"
Sabi ko kay denice, best friend ko din"hala oo nga, baka malapit lang sya nakatira" sana nga sana nga sana nga, "tara sundan natin" sabi naman ni valerie "wag na, grabe sya oh, stalker ang peg?"

Inabot na kami ng gabi dun sa labas ng bahay, hanggang sa umuwi na sila ako naman ito, nagkulong nanaman sa kwarto at nakababad sa computer, nanonood ng anime.

Binuksan ko naman yung facebook ko, haays kelan kaya ako iaaccept nung clyde na yun. Pagka open ko ng notif. bumungad agad sakin yung pangalan nya

" Clyde Cole accepted your friend request. Write on Clyde's timeline" omg!!! totoo na ba ito?!

At biglang may nag pop up sa chat, "Hi :)" at ang nag chat na iyon ay walang iba kundi si Clyde Cole.

Just ChatBağımlısı olacağınız hikayeler. Şimdi keşfedin