Ang weird.

"Too innocent and numb. Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo. Hindi lahat ng nalaman mo ay katotohanan. Hindi lahat ng kaibigan mo ay kaibigan din ang turing sa iyo. Sa huli, sarili pa rin nila ang iisipin nila."

Lumingon sya sa akin at hindi ko alam kung bakit napayuko ako. Tama sya, sa loob ng impyernong ito, hindi mo talaga alam kung sino ba ang dapat pagkatiwalaan sa dapat iwasan, kung sino ba ang dapat pakisamahan sa dapat layuan.

"Sa bawat inosenteng ngiti, may kinukubling lihim, huwag kang yayakap ng mahigpit sa kahit na sino dahil hindi mo alam kung sino ang may hawak ng kutsilyo. Mamamalayan mo na lang na may dugo ka na."

Gusto kong takpan ang aking tainga ngunit ayaw gumalaw ng aking kamay. Ayokong isipin na maaring may makagawa ng ganon sa aking mga kaibigan. Ayokong mag-isip ng kahit na masama sa kanila. Ayokong masira ang tiwala.

"Ikaw, Zein? Kaya mo bang talikuran ang mga kaibigan mo para mailigtas ang iyong sarili?"

Nangilabot ako sa tanong nya at namalayan ko na lang na tumayo na pala ako sa aking kinauupuan.

"Yes Ms. Shion?" Tanong sa akin ni Sir Alvarez.

"May I go out?" Ang tanging lumabas sa aking bibig. Hindi ko na sya hinintay na sumagot at lumabas na ako.

Hingal na hingal ako pagkarating sa CR. Itinukod ko ang aking kamay sa lababo dahil pakiramdam ko ay bibigay ang aking tuhod. Shit!

Hindi. Hindi ko magagawang talikuran ang mga kaibigan ko. Magkamatayan na, hindi ko sila ipagkakalulo.

Alam kong hindi rin nila ako tatalikuran.

Naghugas na lang ako ng kamay bago lumabas. Nawalan na ako ng ganang pumasok at ayoko ring makita si Celine. Kinikilabutan ako sa kanya.

Napagpasyahan ko na lang na pumunta sa gymnasium kung saan walang tao dahil oras ng klase. Papasok na sana ako nang may kumalbit sa akin.

Humarap ako sa tao sa likuran ko. Kumunot ang noo ko nang mapagtanto na ito ang babaeng nakabunggo namin ni Matt na takot na takot sa amin.

"B-Bakit?" Tanong ko.

Hindi ito nagsalita pero bigla na lang may lumabas na luha sa mata nya. Gulo-gulo ang kanyang buhok at gusot din ang kanyang blouse.

Umungol-ungol ito na hindi man lang binubuksan ang bibig. Halatang nanginginig ito sa takot at may gustong sabihin sa akin.

"Hey! Ayos ka lang?!" Alalang tanong ko habang hinahawakan ang kanyang braso para pakalmahin.

Umiling-iling ito.

"Bakit ayaw mong magsalita?! May humahabol ba sa'yo?" Tanong ko.

Pinunasan nya ang kanyang mata bago tumakbo palayo. Tumingin-tingin ito sa paligid na animo'y may pinagtataguan.

"Sandali!"

Tumakbo ako palapit sa kanya ngunit hindi pa man ako lubusang nakakalapit nang bumagsak na ito sa sahig. Nanlaki ang mata ko sa takot at gulat.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya kasabay ng panlalaki ng mata ko. Napatakip din ako sa aking bibig.

Nakalabas na ang dila nito na may tatak na pako. Katulad ng nangyari dati ay halatang pinaso din ito gamit ng mainit na bakal. Sumiritsit ang dugo sa leeg nya kung saan may nakatarak na pako.

"Tulong! Tulong!" Sumigaw ako ng sumigaw para may makarinig sa amin.

Nahihirapan na itong huminga at halos lumuwa na ang mata. Pinipilit nyang magsalita ngunit walang lumalabas na tinig sa kanyang bibig.

Hell University (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon