Chapter Ten

9.4K 168 16
                                    

Margaux' POV

I felt like all of my organs stopped on functioning because of what I've heard.

"Ano? Anong nagyari?" I asked over the phone, my voice slightly quiver because of the fear and poisonous conclusions that were playing in my head. I could feel Kenneth's attention on me, I looked at him and he was looking at me questioningly.

"Ate si Maddie po kasi hindi ko makita. Kanina po nasa taas lang siya, natutulog pagkatapos po bumaba ako para magluto ng tanghalian niya nung matapos naman po ako ay wala na po siya sa kwarto niya nung pinuntahan ko siya! Hinanap ko na po siya sa buong bahay, pati sa labas ma'am wala po talaga!" Humahagulgol na si Ruby sa kabilang linya. Halatang takot na takot ito at nag-aalala.

Lalo lang lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa eksplenasyon niya at agad akong napatayo. Nangilid na rin ang mga luha sa mata ko. "Tinanong mo na ba sa guard ng village kung napansin nila si Maddie? Diyos ko, Ruby! Bakit hindi mo man lang napansin na lumabas ang anak ko?!" Nagsimula na akong magpanic at napasabunot ako sa aking buhok, may umalpas na luha na din sa aking mga mata. Si Kenneth naman ay nakatayo na din sa harap ako at hinihimas ang braso ko.

"Ate so-sorry po, nagluluto po kasi ako. Natanong ko na din po sa guard pero wala naman daw po silang nakitang bata na lumabas." Hagulgol ni Ruby sa kabilang linya.

Napapikit ako ng mariin at agad na hinalungkat ang ang bag ko para makuha ang susi ng kotse ko. "Nasaan ka ngayon?" Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko ngunit napakahirap gawin n'on.

"Kasama ko po yung isang guard, hinahanap po namin si Maddie sa buong village, ate." Humikbi pa din si Ruby.

"Don't stop searching, Ruby. Paalis na ako dito sa opisina." With that, I ended the call. All of the cells in my body were running wild. Parang nagbubuhol-buhol na ang utak dahil sa labis na pag-aalala.

"Margaux, what happened?" Nag-aalalang tanong ni Kenneth na sinundan ako palabas. I have nothing with me but my phone and keys. Nangangatog ang kamay ko habang hinahanap ang number ni Greg sa phone ko at idinial ito.

"Maddieson is missing, stay here." Maawtoridad kong sabi kay Kenneth, nakita ko ang pagtutol sa reaksyon niya pero agad din namang sumarado ang elevator na sinasakyan ko kaya hindi na siya nakaangal pa.

"Sweetheart?" My heart tightened when I heard Greg's voice and used his endearment for me.

"Greg.." I cried. Hindi ko kinaya ang kaba at pressure na nararamdaman ko. I was overwhelmed. Parang susi ang boses ni Greg para mailabas ko ang mga emosyon na hindi makawala sa aking dibdib.

"What happened, sweetheart? Are you okay?" Rinig na rinig ko ang pag-aalala sa boses niya.

"Nawawala si Maddieson!" I sobbed and then elevator stopped at the basement. Tumakbo ako patungo sa aking kotse at agad na sumakay.

"What?! Shit, anong nangyari? Si Ruby?" Nadama ko ang pagkarataranta sa boses ni Greg.

I started my car with shaking hands, I put my Bluetooth earpiece and connected it on my phone.

"She's searching with the guard, Greg. I'm worried. Nasan ka ba?" Halos sumabog na ang puso ko dahil sa sobrang kaba. That was the first time that Maddie went missing and it was killing me. Pinaandar ko ang sasakyan at nagmaneho kung patungo sa kung saan-saan para hanapin ang anak ko.

Third Person's POV

Panandaliang natahimik si Greg dahil sa tanong ng kanyang asawa. He looked at Elizabeth beside him inside his car. He picked her up, dahil kakausapin niya nga ito. Elizabeth was looking at him worriedly and caressing his arm to calm him down.

Connected CordsDär berättelser lever. Upptäck nu