15. Stalking: Ikalawang bahagi

Start from the beginning
                                    

Binelatan ko na siya at muntik ko ng makalimutan si honeyDrew ko. Lumabas na ako at dumiretso na sa elevator. Pasara na ito pero iniharang ko ang paa ko sa pinto kaya hindi ito tuluyang sumara.

“Aaaawwweee.” Daing ko. Ang sakit pala. Pag-angat ko ng tingin, si honeyDrew ko ang nasa loob. What a bliss. Bumukas yung pinto tapos pumasok na ako. “Hi. Drew.” Bati ko sa kanya.

“Hello Sabrina. Nandito ka rin?”

“Ahhh…oo?” dahil sa kanya kaya ako nandito. “ahhh..may binisita kasi akong kaibigan dito eh.”

“Ganun ba? Ako rin eh.”

“alam ko.” bulong ko sa sarili ko.

“ha?”

“Ahhh..wala.” naku po, narinig niya pala.

I was just blankly staring at the metal door when something hits into my head. I have a bright idea. Binitawan ko yung cp ko at nahulog ito sa sahig. I have to make some sacrifices para sa honeyDrew ko. “HALA! MY PHONE!” sabay pulot sa phone ko pero pinulot rin pala iyon ni honeyDrew dahilan upang mag-abot ang kamay namin. He just held my hand. My plan is working.

“Heto.” Inabot niya ito sa akin at kinuha ko na ito galing sa kamay niya.

“hala! Baka may sira na to! huhuhu!” worried na sabi ko sa phone. “Patingin nga ng camera?” I went to camera section of the phone and I extend my arms for a picture. “Ahhhh…Drew, pwedeng picture tayo? Gusto ko lang kasing icheck kung okay pa ang camera ko eh. Ayoko namang magpapictue mag-isa.”

“Ah..sure?” at lumapit siya sa gilid ko at nagpose na kami. Naka peace sign ako.

*CLICK*

“hayan!” tiningnan ko na ang picture and aaawweee ang ganda ng photo. “hindi naman pala sira eh. Pero blurd.” Dahilan ko pero sa totoo lang di naman talaga blurd eh. Hihihi..nag aacting actingan lang ako. “Ahhh….Hon- ay este Drew.” SHOCKS! Muntik ko ng mabanggit ang honey. “Pwedeng papicture ulit tayo? Blurd kasi eh.”

He smiled at me and it’s like heaven. “Lumang technique nay an Sabrina. You could have asked. I am willing.”

BOOM! BASAG ang diskarte ko. Nakakahiya talaga. Yumuko ako ng bahagya at nagfacepalm ng patago. Tapos inilagay ko na sa pocket ang phone.

Nasa 10th floor na kami at dumumog ang sandamakmak na tao dahilan upang nagkadikit kami dahil siksikan plus pa sa laki ko. Ang lapit namin ni honeyDrew sa isa’t isa at amoy na amoy ko ang pabangong gamit niya. Dahil sa sikip nasandal ko ang ulo ko sa dibdib niya.

This is heaven. Pero unti unti rin namang lumuwag ang space hanggang sa kami nalang dalawa ang natira. Nakatayo lang kaming dalawa doon na parang tuod.

Biglang nagshake ang elevator tapos huminto ito. Pero di naman namatay ang ilaw. Nasira siguro ang elevator.

Pag ako pumayat.....SIGE KA! [COMPLETED]Where stories live. Discover now