“OO na sige na! Panalo ka na. Mahal na kita!!! Naku naman..”
Yiii, sila na ba?? Todo ngiti lang nitong si Anghel. Let's face it salon, wala ng kawala, mahal nila ang isa't isa. Yiiiii..Kala mo nanalo sa lotto eh..
“Waaaah, naiiyak naman ako. Paakap nga.” –Anghel kaw ba yan, drama ah. Higpit lang ng pagkakaakap nya. Parang may aagaw kay Zarren ah. Yun oh. Damahan portion. Feel na feel lang nila ang isa’t isa. Mejo naninibago pa nga lang si Zarren kasi nga diba maiksi na buhok ni Anghel..wala na ang mahabang buhok na gustong gusto nyang sabunutan sa pantasya nya. Hehe, yun, kusang bumaba ang mga labi ni Anghel sa mga labi nya. Tamis lang. Lasang lasa daw kasi ang cake. Nakagat tuloy sya ni ANghel. Nyahaha.
“Aww!”-Zarren.napahawak pa sa lips nya
“Sorry, kala ko cake eh. Hehe, isa pa po mahal. “-Anghel
“Anong sabi mo? Mahal ka jan..”
“Waaah, eh bakit ba, mahal kita eh. Ano bang gusto mong tawagan natin?”
“Bakit tayo na ba?”-Zarren paepal pa.
“Weh, joke yun? Kanina pa tayo ah. Mahal kita, mahal mo ko. Di tayo na. Isa pa nagpa halik ka na nga eh. Acting virgin lips ka pa rin jan.”-kulit lang talaga netong Anghel na to. hehe
“Teka lang. Kung tayo na bakit ganyan ka magsalita sakin. Hay nako, wala ka talagang ka sweet-sweet sa katawan. Di mo na nga ako niligawan, ganyan ka pa”
“Nung hindi, eh ilang buwan mo rin akong inalipin ah. Ok na yun. Katumbas na rin yun ng panliligaw. “
“Bahala ka nga.”
“At oo nga pala, anong sinasabi mong walang ka sweet sweet ha. Kanina ka pa nga kinikilig jan eh.”-Anghel
“Ang yabang mo pa rin talaga no.”
“Naman. Mahal ko, hindi ako mayabang. Ano na, di mo sinagot tanong kong, ano ang tawagan natin”
“Nu ba yan. Kelangan pa ba nun? Arte naman.”-Zarren
“Oh kitams, sino sa aten ang hindi sweet? Nag eeffort na nga akong magtanong eh. Ganyan ka ha. Kala mo jan. Iiyak ako sa harap mo sige. “- hay, parang mga tanga talaga ang dalawang to.
“Sige na nga, ano.. ahmm. Diba babes tawag mo sakin date?”-Zarren
“Waaaah, gustong gusto mo naman. Hehe.”
“Ano ba, umayos ka nga.”
“Sige, babes kong mahal nalang.”-Anghel parang sinisilihan sa sobrang kilig.
“Haba naman nun..”
“Haba nga..Hmm, ano ba?Mahal ko na nga lang. Yun na pinakamagandang naiisip ko eh. Pwera nalang kung gusto mo ng mga sweet terms tulad ng baby? O wako?”
“Anong wako?”-dami pang nalalaman eh.
“Asawa ko. Yun nalang kaya?”
“Sira. Sige na nga yung mahal ko nalang.”
“Uyyy, sige nga practice.”-Anghel
“Nu bah! Kainis to.”- yiiiih, nu ba tong boyfriend ko. Pakilig much! hihihi
“Sige na mahal ko. Please..”
“O sige na nga mahal ko, magdrive kana, at umuwi na tayo.” Zarren- Pikit mata lang
“Nyahaha, sarap naman kahit tunog siga parin. Tsk, halatang halata naman na pag kinasal tayo, under ako. Hahaha.”
“Talagang under ka. Nga pala, mula ngayon, bawal ka ng titingin sa ibang babae ah. Ayokong nakikita kang may kasamang iba. Maliwanag ba?”
“AHihi, may nakalimutan kang term. Nyehehe”- kulit ng lahi talaga netong si Anghel eh noh.
“Maliwanag ba mahal ko?”- inulit lang nang may pagmamahal. hehe
“Nyahaha. Selosa pala ang mahal ko eh. Promise yan. Ako pa. Ikaw lang kaya ang nag iisang babae sa buhay ko. Promise. Ikaw din ah. Yokong may umaaligid sayo ah.Talagang sasamain sakin yun.”
“Promise.”
“Nakalimutan nanama po ng mahal ko..”-Anghel umaapaw na sa ka cornihan
“Promise mahal ko.”-Zarren, corny na rin
Waaaah.. Kinikilig naman ako sa mga batuhan ng linyang yan. Syet! Hmp! Kainggit ang mga ungas na to ah. Hehe.
“Mahal ko, maalala ko lang. Yung babae sa clinic mo dati. Paki explain nga kung bakit mo kandong kandong yun. Mahal ko?!”- Galit na tono pero may mahal ko parin. Hihihi. ANg cute .
“Ah yun ba mahal ko. Nadulas kasi Sya mahal ko.”-putek na Anghel yan.
“Nadulas sa kandungan mo mahal ko? Gusto mo bang samain ka sakin ha mahal ko?”- inambahan lang ni Zarren ng suntok. Galit na tono pa rin. hehe
“Di naman po yun sadya mahal ko eh. Sya naman po ang nadulas talaga. Buti nga po sa kandungan ko nadulas . Nasalo ko lang po. Kundi baka napilayan sya mahal ko.” waaah leche!!! di ko na kaya. putek.
“Aba mahal ko, Ulitin mo pang gawing charity yang kandungan mo, at talagang makakatikim ka sakin. Ha mahal ko. Tandaan mo yun ah..”
“Opo mahal ko sorry na po.”- sabay kiss lang sa cheek ni Zarren.
“May isa pa. Case no. 2 mahal ko, Yung babae sa bar nung birthday ni Clark. Sino yun at akbay akbay mo pa ha, mahal ko?”- part 2 ng galit na tono.
“Mahal ko sino yun. Di ko matandaan.” -my amnesia boy. hihi
“Nakita kita, wag kang sinungaling mahal ko. Sino yun?”
“Ah, naalala ko na mahal ko, pinakilala lang yun nu Clark. Yun lang yun. Sorry po ulit mahal ko. Last na yun. “- kiss ulit sa kabilang cheek naman. Mga moves eh noh.
“Sige na nga. Pinapatawad na kita. Subukan mo lang talagang mambabae mahal ko at makikita mo talaga ang hinahanap mo ha, mahal ko..”
“Di na po talaga wa-ko hihi. Asawa ko.. Hmm, sarap lang sa tenga.”
“Hay naku,,,Pwede ka na po bang magdrive mahal?”- wala na talo talo na. Yun oh, pinanindigan na, tsk.
“Kiss muna?”
Mwuah!!! Inabot talaga ni Zarren lips nya nun. Smack lang. Di manlang pinagbigyan ang orasan para tumiktak . Hehe.
At tuluyan na pong nag drive si Anghel..Pero habang nag ddrive ay tuloy parin ang kwentuhan nila ng mga kung anu-ano. At habang nagkkwentuhan, sinusubuan pa ng cake ni Zarren si Anghel. At sa pagitang ng subuan, ayun, kiss. Waaaah. Bwiset naman tong dalawang to..
Nung marating nila ang bahay ni Zarren..
"Sige na. Dito na ko. Bye.. Ingat!"-Zarren..akmang bababa na ng kotse..
"Opppsss! Yun na yoon ganon? Kiss ko?"--paawa effect pa.
"Naman. Nakakarame kana ah."... paganyan ganyan pa, eh kikiss din naman. Waaaaah. Sya na mismo talaga ang nagkusang ikiss si Anghel. adik lang. Sabay kagat. hihi
"Araaayy!Gumaganti ang mahal ko ah.."
"Hehe, sige na. Umuwi kana mahal ko. Ingat ka ah."
Waaaaah..Yun. Bumaba na sya. Papasok na sana sya ng gate yung biglang bumaba rin si Anghel..
"Oh?"- Zarren.
"Paakap muna." Hmmm, yun oh. Akapan portion pa bago umuwi. Tas smack ulit. waaaah ..kayo na...
"I love you!"-Anghel
"Sige na. I love you too."-- putek..
Parting moment. Sumakay na si Anghel matapos ang makabagbag damdamin nilang pagpapaalam. Kala mo mag aabroad eh. hay....
End of chapter 9.
YOU ARE READING
It Started with a 'K' (from A to Z)
HumorMay crush ka ba? Eh pano kung pinahiran ka nya ng kulangot, nu gagawin mo?? Gaganti ka ba? Papahiram mo rin ba sya? Haha..eh pano kung after ilang years magkita kayo ulit? Tignan po natin kung ano ang magiging takbo ng story nila Anghel at Zarren...
Chapter 9: this is it..♥♥♥
Start from the beginning
