“Hehe, isang slice lang pwede? Tataba ka nyan sige.”
“I don’t care. “
Putek, makasingit lang ulit noh. Bakit pakiramdam ko ay mga highschool tong dalawang to. Nilaktawan ba nila ang puberty period dati, at ngayon lang nila binabalikan? Waaaah, kayo na. Kayo ng dalawa ang hari at reyna ng crushan. Period no erase..
“I don’t care din. Basta engeng isa.”-Anghel
“Yoko!”
“Damot!”
“Basta ayoko. Akin to.”
Tinabi ni Anghel ang kotse tsaka pinatay ang makina. Parang bigla syang tinamad mag drive. Mas gusto nyang makipagkulitan kay Zarren. Isa pa, pag nagdrive pa sya, feeling nya babangga na sila. Dahilan-sobrang kilig. Akalain mo, nakakamatay pala ang sobrang kilig. Hehe
“Oh, bakit mo hininto?”
“Napagod ako eh. Gutom na ko. Kainin na natin yang cake mo.”
“Bakit ba pinag iinitan mo tong cake ko ha?”- yiiiih. Subuan kita gusto mo? ahaha
“Sige na, buksan na natin yan..”- biglang inagaw at binuksan ni ANghel.
“Waaaaah. Akin yan eh. “- arte talaga eh noh. Eh di naman sya nagbayad nun.
“Buti nalang naiwan dito yung tirang plastic spoon and fork na ginamit naming sa family outing last week.” –Anghel, nag explain lang kung bakit biglang may tinidor. Haha, kulet.
Ayun. Kumuha na si Anghel ng cake. Tas nagloko-lokohang isusubo kay Zarren. Si Zarren naman ngumanga pa. Tas sa huli, si Anghel din pala ang susubo. Classic pero pumapatok pa rin. hehe
“Hmm, sarap!”- Anghel habang ngumunguya. May pahampas-hampas pa tong si Zarren sa braso niya.Hehe. Syempre, highschool nga sila ngayon diba. Intindihin.
“Bad ka!” sabay kuha ng piraso ng cake at sinubo din. Nakangiting nagkatinginan sila. Ginaya ni Zarren si Anghel, umarteng isusubo kay Anghel ang cake..Ayun, bilis lang ni Anghel sumubo. Nakain tuloy nya.
“Bat mo kinain?” -acting na naiinis lang.
“Eh sinubo mo sakin eh. Uyy, sinubuan ako ni Zarren. Crush nya ko!! Yiih.”
“Weh. Nakakatawa. Yoko na nitong tinidor, sinubo mo na eh..”- acting pikon. Pero deep inside tuwang tuwa. Hay mga kabataan ngayon, plastik,
“Haha, weh. Ok lang yan. Yung ballpen mo nga dati natuwa ka nung kinagat ko eh.”—patay. Nadulas ako. Shit.
Nagkatinginan sila. “Pano mo nalaman yan?”-Zarren. Kunwaring di alam.
“Ahm, naalala ko lang. Biglang nagflash sa utak ko eh.”—palusot ng ungas.
“Ah. Kala ko..”-Zarren
“Ano?”-Anghel
“Wala. ”- naaala mo kasi binasa mo diary ko. Waaaah! Makaganti nga..”Teka lang, diba nagpromise kang di mo na ko aasarin at magpapakabait ka na ah.”
“Huh? Panong..Wala naman akong sinabing ganon ah.”—pano mo nalaman yun? Dapat si diary lang at ako ang nakakaalam nun ah.
“Wala ba? Ah, baka guni-guni ko lang. Hehe. Kain pa tayo ng cake.”- mga baliw. Lakas lang ng trip nyong dalawa. Bigla lang humirit si Anghel..”Lilinawin ko lang ha, hindi kita pinagtawanan nung nadapa ka nung PE ah. Baka iba yung nakita mong tumatawa nun. Nabahing lang ako nun.”
Waaaaaah! Ano to? Bakit sinabi ni Anghel yun? Kaya ba nya yun panindigan na nagflash lang ulit sa utak nya? Mga balbon talaga. Tsk.
“What?? Sino naman nagsabi sayo nyan ah?..Well, para sabihin ko rin sayo, hindi naman kita pinilit na ialay mo sakin ang …ang mga itlog mong nananahimik sa ref ha.” –patay na.Zarren, anong ginagawa mo sa tingin mo ah.. waaaah
YOU ARE READING
It Started with a 'K' (from A to Z)
HumorMay crush ka ba? Eh pano kung pinahiran ka nya ng kulangot, nu gagawin mo?? Gaganti ka ba? Papahiram mo rin ba sya? Haha..eh pano kung after ilang years magkita kayo ulit? Tignan po natin kung ano ang magiging takbo ng story nila Anghel at Zarren...
Chapter 9: this is it..♥♥♥
Start from the beginning
