Chapter 9: this is it..♥♥♥

Start from the beginning
                                        

Work, work, work. Tas after work, sya na mismo ang nagtext kay Anghel. Landi talaga.

"Ey, susunduin mo ba ko?"—tagal mu ah

Hindi na nakapagreply si Anghel kasi andun na mismo sya sa parking lot nung nabasa nya. Tanaw na rin nya si Zarren. Syempre lapit agad ang bruha. Kunwari pang natural na lakad lang, di naman nakatulog kagabi.

“Hi..Kanina ka pa?”-Anghel.

“Mejo. K-kmusta?”- waaah, nauutal ang bida natin ah. Kumusta daw, eh kahapon lang sila nagkita.

“Ok lang. Sorry ha. May humabol pa kasi kong pasyente eh. Tara,”- Weh, pasweet effect pa si Anghel, pinagbukas pa sya ng pinto ng kotse nya.

(Zarren’s pov) Nu ba to, bakit ambango bango nya ngayon. Naligo ba to ng pabango? Hihi, sarap lang sa ilong ah.

“Direcho na ba tayo sa bahay mo?-Anghel, habang nagddrive.

“Bakit?”- may balak ka bang yayain akong magdate??

“Ahm, la lang. Natanong lang.”- bakit ba wala akong masabi. Hay, badtrip, dami ko pa namang pinractice kanina. Bakit ba natotorpe ako?

Katahimikan ng mga 5 mins.

“Bakit ka ngumingiti jan ha? Para kang sira.”- Zarren, hindi nakatiis pansinin si Anghel, nakangiti kasi eh. Parang tanga.

“Wala bakit, masama? Bawal ba?”

“Wuuu, masaya ka lang kasi umuwi na ko eh. Aminin!”- Nakana Zarren, gumaganon ka na ngayon ah. Ganti ka Anghel.

“Bat ikaw di ka masayang makita ulit ako ha?”-ay ampangit ng ganti. Di nakakapikon.

“Mejo lang.”

“Weh? Mejo daw oh.. Excited ka pa nga jan eh. Dumirecho ka agad sa bahay. Siguro natakot ka no.”

“At bakit naman ako matatakot aber??”-Zarren pabeautiful eyes pa.

“Natakot ka na baka makahanap ako ng iba sa loob ng isang buwan na wala ka.”

“Nyeee!! Ang kapal ah. Sige nga, ano, may nahanap ka ba?”

Napangiti si Anghel bago sumagot..”Wala.”

“Hehe, see? Kasi di mo ko makalimutan tama ba?”- yumayabang na si Zarren ah. Tsk

“Sort of. Ikaw, sabi mo kahapon namiss mo ko. Sa bagay sinanay ko kasi ang mga mata mong makakita ng gwapo eh..”

“Yabang mo talaga. Kaw nga jan, nag effort ka pang magbago ng looks eh. Oh kitams, iba na hair mo. Ikaw ang excited eh.-Zarren

“Hindi ah. Nainitan lang ako kaya nagpagupit ako. Gwapo noh. Lalong gumwapo.”

“O sige na. lagi mo nalang bukambibig yang kagwapuhan mo. Hindi naman ako tumitingin sa looks ah.”- weh, sinong niloko mo, balbon? haha

Sabay nagsalita ulit si Zarren. “ Itigil mo nga jan sa goldilocks, parang gusto ko ng cake.” –kapal, magpapabili pa ata. Hehe

“Takaw mo talaga. Yan ang namiss ko sayo eh.”

“Che!”

Mga ungas na to, kung anu-ano lang naman pinag uusapan. Hay nonsense. Pero wag ka, sa mga nonsense na pag uusap na yun, parang, alam mo yun, kinikilig sila pareho. Kahit na walang sweet words, or physical contact between them, parang ang saya saya lang daw sa pakiramdam na magkasama sila..

After bumili ng cake..

“Mahilig ka pala sa sweets.”-Anghel.

“Oo naman. Wag kang hihingi ah.”

It Started with a 'K'  (from A to Z)Where stories live. Discover now