Chapter 03 - Stray cat (July 28, 2013)

Start from the beginning
                                    

Hanggang ngayon, yun pa rin ang nakatatak sa isip niya. Ang crown prince. Prince Ice.

Tinignan niya na lang ang telepono habang at pinipigilan ang eagerness para tumawag sa kaibigan. Kay Fire. Pero kailangan niya ito. Kailangan niya ng mapaglalabasan ng mga bumabagabag sa kanya.

***

"Aray naman!!" sigaw ni Dew Lia matapos siyang itulak ni Ice pagka-lampas nila sa street kung saan nandoon ang restaurant na pinanggalingan nila.

Tinignan lang siya nito at naglakad palayo. Nagsabi pa yata ito ng mahinang pasasalamat pero hindi alam ni Dew Lia kung guni-guni niya lang 'yun dahil sobrang hina talaga. 

"Aba!!" Ang totoo, medyo naiinis siya. Hindi naman talaga siya nito tinulak ng malakas. Nakaakbay kasi sa kanya ito simula sa loob ng restaurant at nawalan siya ng balance nang bigla siyang bitiwan nito pagka-lagpas ng unang kanto.

Dew Lia being Dew Lia, hinabol niya ito. Medyo hirap siya kahit mabilis ang paglakad niya dahil sadyang malalaki ang hakbang ng prinsipe. Kumpara naman sa maliliit na hakbang ng midget niyang biyas.

"Excuse me lang prinsipe, ha."

Tumigil ang lalaki. Tinignan siya sumadali at hinila sa kalapit na eskinita.

"Anong gagawin mo sa'kin?" Niyakap pa ni Dew Lia ang sarili niya.

"Mukha kang tanga."

"Wow." Napabalik sa realidad si Dew Lia. "Nagmumura din pala ang mga prinsipe."

"Mura ba ang tanga? Pero teka... Akala ko ba hindi mo ako kilala." Magkalapit na magkalapit ang mga mukha nila para mapansin ni Dew Lia ang kulay ng mga mata nito. Gray. Dark gray na parang ordinaryong itim lang kung di tititigan. Pansamantala siyang nadistract.

"A—ahh. Oo nga hindi kita kilala kanina. Kanina 'yun."

"Pinaglololoko mo ba ako."

"Hindi nga kasi! Yung mukha mo di ko kilala. Pero yung pangalan mo, syempre, di naman ako nakatira sa kweba. Narinig ko na ang pangalan mo. So ikaw pala 'yun. Kilala na kita." Nakatingin pa rin siya sa mata nito.

Halatang hindi pa rin naniniwala sa Ice. Naningkit ang mga mata nito.

Nainis naman lalo si Dew Lia dahil sa tingin niya ay kasalanan ang pagtitig dito.

"Ako ang niloloko mo eh!" Tinulak niya ng kaunti ang lalaki. "Ang lagay eh... sasabihin mo dun sa babae na girlfriend mo ako tapos bigla mo na lang akong itatapon ng ganun-ganun na lang?" tinapangan niya ang boses. Kailangan hindi siya masindak dito.

"Bakit?" Nilapit pa ni Ice ang mukha niya sapat na para maamoy ni Dew ang hininga niya. "Hwag mong sabihing umasa ka 'don?" Napapikit siya dahil sa awkward na sitwasyon. Parang gusto niyang kagatin ang unang parte ng katawan nitong nakaexpose sa sobrang tensed niya. "'Ni hindi nga tayo magkakilala."

Kagatin ko kaya siya sa ilong? No Dew Lia. Pigilan mo yang sarili mo. Magyosi ka na lang pagkatapos.

"HOY! Kayo diyan! Anong ginagawa niyo diyan!" maya-maya ay may sumigaw sa 'di kalayuan.

Nagulat si Dew Lia at tinulak palayo ang prinsipe. Si Ice naman ay kalmadong isinuot lang muli ang sumbrero at wayfarers. Isang nagro-rondang Royal Guard ang nakapansin sa kanila sa eskinita. Mukha nga naman silang may ginagawang kung ano.

"Nahihilo kasi..." iginiya siya ni Ice palabas. "... itong buntis kong asawa."

"Bunti—" Hindi na naituloy ni Dew Lia ang sasabihin ng niyakap siya ng mahigpit ng prinsipe. 

"Malapit na tayo honey. Ang hirap talaga ng morning sickness..." Inakay pa siya nito ng mabilis hanggang makalayo sila sa guard.

Morning sickness? Ayan na naman siya! Ginagamit na naman niya ako.

Fire and Ice (Revamping)Where stories live. Discover now