"6:40 na Zein. Sigurado akong nasa dormitoryo na silang lahat. At isa pa ay nakapalibot na sila sa kabuuan ng HU, kailangan natin silang iwasan."

Gusto ko pa sanang magtanong kung sino ang tinutukoy niya ngunit wala ng lumabas na boses sa bibig ko.

Naglalakad kami ng walang tunog na nililikha. Nagtatago kami sa dilim kung saan hindi kami makikita. Tama nga siya, nakakalat na ang mga taong nakamaskara na itim.

"Ligtas tayo hanggat hindi pa tumutunog ang kampan-"

Natigilan kami nang marinig ang kampana na nagbabanta.

Tumaas lahat ng balahibo ko nang mapagtanto na bloody night na. Sunod na sunod na mura ang kumawala sa bibig ni Matt at mas humigpit ang hawak niya sa aking kamay.

"Kumapit ka Zein. Ako ang bahala sa'yo..."

Kahit papaano ay nawala ang kaba sa aking dibdib dahil sa sinabi ni Matt. Ngunit hindi pa rin sapat para patahanin ang pangangatog ng aking mga tuhod.

Hinila ako ni Matt papunta sa likod ng malaking trash can para magtago dahil sa parating na isang batalyon na mga lalaking nakamaskara, may hawak silang mga patalim gaya noong una.

Ngayon ay mas nakita ko sila ng malapitan. Ang maskara nila ay kalahati lang ng mukha ang natatakpan ngunit sapat para hindi namin sila makilala. Kulay itim ang maskara nila. Kapansin-pansin din ang kwintas nila na pako.

Napatakip ako sa aking bibig. Sila! Sila ang myembro ng Black Blood Gang, katulad ni Nicky, dahil sa simbolo nila ng pako.

Nakakatakot sila na palinga-linga sa paligid na animo'y may hinahanap. Naramdaman kong pinisil ni Matt ang aking kamay kaya napatingin ako sa kanya.

Ngumiti ako sa kanya para sabihin na ok lang ako.

Napansin ko rin na sa iisang direksyon lang din ang tinatahak nilang lahat. Kung bibilangin ay nasa 25+ silang lahat.

Tumayo na kami ni Matt nang wala ng natirang BBG(Black Blood Gang) member sa daan.

Hihilahin na sana ako ni Matt nang inalis ko ang pagkakahawak nya sa kamay ko. Kinunutan nya ako ng noo.

"Mauna ka na Matt, may kukumpirmahin lang ako." sambit ko sabay takbo sa daan na tinahak ng mga lalaki.

Hindi pa ako nakakalayo nang may humigit sa aking braso. "Mapapahamak ka! Kapag nakita ka nila, maari kang magaya kay Rouge Silvenia o mas malala pa. Zein, naman please." Ramdam ko ang alala sa tono ng pananalita niya.

Hindi ko maiwasang makonsensya na pinag-aalala ko siya. Hindi sana siya andito sa sitwasyon na ito kundi nya ako sinamahan.

"Sorry." Ang tanging lumabas sa aking bibig.

Hinaplos nya ang buhok ko bago hinawakan ang aking kamay. "Kailangan na nating makabalik, habang palalim ng palalim ang gabi ay mas delikado na." Aniya bago ako hinila palayo sa lugar na iyon.

Habang tumatakbo kami ay alam kong may nakamasid sa amin. Hindi lang sila dalawa o tatlo dahil parang nasa sampo sila.

"Kung impormasyon ang hanap mo Zein, handa akong ibigay lahat ng nalalaman ko. Huwag mo lang gagawin muli ang ginawa mo kanina."

Hindi ko maiwasang magtaka bakit andaming nalalaman ni Matt? Saan nya nakalap ang mga impormasyon? Sinong nagsabi sa kanya?

"Ahhh!" Napahinto ako sa paglalakad nang bumagsak si Matt sa lupa.

"Matt!" Lumuhod ako sa harapan nya para hanapin kung ano ang masakit sa kanya. Ngayon ko lang napagtanto na may nakatusok na pako sa binti niya.

Hell University (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon