CHAPTER 29: Baliw

2.5K 62 2
                                    

HAPPY VALENTINE'S DAYYYY~ s

CHAPTER 29

RAEJEN'S POV

Normal ang naging takbo ng araw. Malapit na ang midterms namin. Nararamdaman ko na ang hirap sa major subject! Nakaka-stress.

Hindi ko parin alam kung kailan ang birthday ni Axis. Nararamdaman ko na malapit na. Tatanungin ko na lang ang Mama niya para malaman ko.

Sinabi niya noon na pupunta siya sa Japan. Gusto kong sumama sa kanya kaso hindi pwede. Nakakainis! Sundan ko kaya siya doon? Hindi ko sasabihin sa kanya na pupunta ako? Pero sigurado ako na malalaman niya.

Haist.

Isang buwan ata siya doon. Ano naman ang gagawin niya doon? Baka ipag palit niya na ako sa isang japayuki. NOOOO!!!

Umiling iling ako at flinush na itong toilet. Umiihi kasi ako! Agad akong lumabas sa cubicle. Naabutan ko si Sharm na nakatitig sa salamin habang nagmemake-up.

"Ok lang ba?" tanong niya. Tinutukoy niya 'yung red niyang lipstick. Ngayon ko lang ata siya nakita na naglipstick ng pula.

"Mukha kang clown." Komento ni Mikee.

"Tsk. Ang ganda ko kaya. Try mo para di ka mukhang naka drugs. Haggard face mo. Mag ayos ayos ka naman."

"Ayoko nga."

"Ako, try ko." Kinuha ko sa kanya 'yung red na lipstick tsaka ako naglagay sa lips ko.

Hindi ako masyadong nagmemake up, powder at lip balm lang sapat na. Hindi ko kasi alam mag apply ng make up. Tsaka naiirita ako kapag may something sa mukha ko. Allergy?

"Bagay?" tanong ko habang nakapout.

"Pwede na. May hubby ka na kaya, matuto ka nang mag ayos ng sarili. Mas maiinlove 'yon sa iyo kapag nagpaganda ka." Nag smirk si Sharm.

"Ay weh?" Eh di magpapaganda na ako ng todo para hindi tumingin sa iba si Axis.

Sisimulan ko nang manuod ng make up tutorial sa YouTube!

"Oo. Gwapo siya dapat maganda ka rin! Para di halatang ginayuma mo!" binatukan ko siya sa ulo.

"Hindi ako kagaya mo!" sinamaan niya na lang ako ng tingin.

"Ewan ko sa inyo. Tara na nga malelate na ako. Maki-sit in na lang kayo sa klase ko kung wala pa kayong klase." Ani Mikee.

Lumabas na kami tapos dumeretso doon sa klase ni Mikee. Wala pa kasi akong klase kaya doon muna ako. Kesa naman pagala gala ako dito sa campus.

Umupo kaming dalawa ni Sharm sa likod. Iwas na iwas siya doon sa ex niya. Mukha nga siyang tanga eh. Wala na ata siyang balak na makipag balikan. Hindi siya pumasok sa isa niyang klase kanina.

Dumeretso na ako sa klase ko pagkatapos ng nakakaantok na klase ni Mikee. Kung pwede lang sanang umidlip sa klase niya kanina ginawa ko na.

"Rae, pupunta kami mamaya sa bahay niyo ng hubby mo. Maghanda ka ng maraming pagkain susugudin namin kayo." Biglaang sabi ni Sharm.

" Bawal. Kakasuhan ko kayo ng trespassing."

"Nasabi na namin sa Axis mo. Um-oo na siya. Kasama namin 'yung mga kaibigan niya."

"Bahala nga kayo!"

Ano naman ang gagawin nila doon? Mag iingay. Sabagay, simula nung tumira kami doon ni Axis wala pa atang bumibisita doon. Bahala nga sila.

Walang pumasok sa utak ko dahil tinatamad akong makinig sa dinadaldal ng prof. Basta tinatamad lang ako. Wala ako sa mood. Gusto ko na lang na umuwi kaagad. Tinatamad na ata akong mag aral?

Asawa ko ang Crush Niyo season 2 [completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon