CHAPTER 19: Pakipot

2.5K 55 1
                                    

  Hindi ako makapag isip ng matino. Hahabaan ko ang UD next time. Nag eenjoy akong isulat 'to kahit patae tae XD- s  

CHAPTER 19

RAEJEN'S POV


Maganda ang naging takbo ng bawat araw. Palagi akong nasa mood. Bwinibwisit lang minsan nina Sharm kapag kasama ko sila.

Naging busy din kami ni Axis sa paglilinis ng bahay at paglalaba. Nagpadala sila Mommy ng katulong kaya hindi kami gaanong nahirapan.

Sabado ngayong araw. Ang bilis ng araw. Parang lunes lang kahapon. Balak kong mag aral na magluto ngayong araw. Si Axis na lang palagi ang nagluluto, nahihiya na ako. Kababae kong tao hindi ko alam mag luto! Dapat ako ang gumagawa nun hindi siya.

Magpapaturo ako mamaya pagdating niya. Baka kasi pumalpak ang pagluluto kapag walang mag guguide.

May pinapagawa sa kanya 'yung Daddy niya kaya wala siya dito. Nagpapatayo kasi sila ng maraming restaurant sa iba't ibang lugar kaya kailangan niyang tulungan ang Daddy niya. Mag-isa lang ako dito sa bahay. Ayos lang naman. Okay lang. Psssh..

Maghanap kaya ako ng trabaho? Part time job ganon? Para naman may magawa akong matino. Ah sige maghahanap ako! Gusto kong magtrabaho sa isang restaurant. Gusto kong mag hugas ng pinggan.

Dapat maging dependent na ako kasi mayroon na akong asawa. Mas masarap sa pakiramdam kapag sarili mong pera ang ginagastos mo. Tsaka sayang din ang oras ko kasi half day ang pasok ko.

Magtatrabaho ako sa restaurant nila Axis.

***

Tanghali na nung umuwi siya. Kakatapos ko lang kumain ng lunch. Gutom na gutom na kasi ako kaya nagpadeliver na lang ako.

"Kumain ka na?" tanong ko sa kanya.

"Yep. Kumain na ako kanina. Ikaw? Bumili ako ng pizza.." tinuro niya 'yung pizza'ng nakalapag sa tabi.

"Kumain na ako. Nagpadeliver ako kanina. Turuan mo akong magluto para alam ko.." umupo kaming dalawa sa sofa.

"Later." Hinilig niya ang ulo niya sa sofa. Pagod ata siya? Bukas na lang kaya ako magpaturo?

"Axis.. uh.. gusto kong magtrabaho." Sabi ko. Napatingin siya sa akin.

"Saan?"

"Sa restaurant. Kahit saan."

"You don't need to work. Mahihirapan ka lang."

"No. Gusto ko kasi ng experience. Nasasayang ang oras ko.. doon na lang ako magtatrabaho sa restaurant niyo.. hehe."

Sa ukha niya pa lang halata na ayaw niya akong payagan. Kung ayaw niya eh di wag. Sawang sawa na ako sa pagiging prinsesa. Masyado na akong spoiled. Kailangan ko ring marasan ang maghirap.

"Tatanungin ko sila dad.." aniya.

"Yey! Gusto kong maghugas ng pinggan doon o kaya mag mop ng sahig."

"Papagalitan nila ako kapag nakita nilang pinapahirapan kita."

"Ako naman ang may gusto.. hindi naman ako mahihirapan." I pouted.

"Okay."

Kinurot niya ang pisngi ko. Parang gusto niya akong tirisin. Ang kulit kulit ko siguro tapos hindi siya makapag sabi ng 'NO' sa akin.

Tinuruan niya ako kung paano mag luto ng adobo. 'Yon daw kasi ang pinakamadaling lutuin. Kahit pagsabay sabayin mo lahat ng ingredients okay lang.

Sinabi niya sa akin ang dapat gawin tapos pumunta na siya sa living room at nanuod ng TV. Iju-judge niya na lang daw mamaya 'yung naluto ko.

Asawa ko ang Crush Niyo season 2 [completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon