21 **WAR PART I**

2.6K 71 0
                                    

Umaga ng araw na iyon ay nakaramdam si Ina na parang may masamang mangyayari sa araw na iyon. Ang mga ulap na tila nagtatago sa isang itim na itim na ulap ay nagiging dark red. Ito ang senyales na may paparating na kalaban o may magaganap na isang malagim na laban. 

Naghanda na ang lahat. Kinausap ni Ina at Ama ang lahat ng taga Caelus Kingdom magmula sa mga batang pinanganak ng malakas hanggang sa mga matatandang hindi nila aakalaing matanda na dahil sa kapangyarihang taglay nila. 

Gumawa sina Ina at Tita Sunny ng isang bilog at pinalibutan naman namin ni Wendy ito ng isa pang mas malaking bilog. Ito ang mananatiling shield o barrier namin sa lahat ng tao na taga Caelus Kingdom. 

Naisip na ito ni Tita Sunny dahil wala pang nakakagawa niyon sa buong Caelus. Kami pa lamang. Walang mamamatay. Masusugatan ka, kami, pero hindi mamamatay. 

At iyon ang purpose ng shield/barrier na ginawa namin. 

Nakarinig kami ng pagsabog. At mula sa isang usok na pinagsamang puti at itim ay lumabas si Tito Iris, na ikinagulat ng lahat mas lalo ni Ina at Ama. 

"Paanong.." sambit ni Ama na gulat pa rin sa mga nangyayari. 

"Wala ka na bang natatandaan, mahal kong kaibigan?" patanong na sabi ni Iris kay Ama na may ngisi sa mukha. 

"Anong ibig mong sabihin?" sabi naman ni Ina. 

Hindi na nagsalita si Tito Iris bagkus ay mula sa isang puting usok ay pinakita ang isang larawan ng masayang magkakaibigan. Sina ama, ina at tito iris, hanggang sa lihim na pagbibigay ni Tito Iris kay Mama ng tsokolate at bulaklak, at sa naging sina Ina at Ama ngunit huli na nang malaman ni Tito Iris iyon dahil buntis na si Ina sa senaryong iyon. Mas lalo akong nagkaroon ng takot ng makita ko ang galit sa mga mata ni Tito Iris. 

Ang mga matang iyon. Bakit di ko man lamang nalaman? Na siya at si Headmaster D ng Niger Kingdom ay iisa?

Pagkatapos ng eksenang iyon ay lumabas sina Ara, Tiffanny at Lee sa likod ni Tito Iris. Kulay pula ang mga mata at minamanipula sila ni Headmaster D o mas kilala sa tawag na Tito Iris. 

Makapangyarihan nga siya sa kung ano lamang ang pagkakakilala ko sa kanya. 

Hindi nagtagal ay naglalaban laban na sila. Kinausap ko nman sila gamit ang aking isip. 

"Gamitin niyo na ang buong lakas niyo, wag niyong labanan sina Caralene, Tiffanny at Lee. Hindi sila ang kalaban dito. Si Tito Iris lang.." sambit ko sa kanila habang ako ay nakapikit. 

********************

WINTER: The Long Lost Ice Princess (Completed) Where stories live. Discover now