16 **THE UNEXPECTED VISITORS/WARNING**

2.6K 86 0
                                    

Dumaan ang mga araw ay nananatili lamang si Wendy sa tabi ng kanyang ate. Mas lalo pa silang naging close. Si hunter naman ay pa-minsan minsang pumupunta sa kaharian ng Queen at King upang dalawin si Winter.

Habang nag kukwentuhan sia Wendy, Winter at Hunter ay biglang may sumabog sa labas ng kaharian.

"Hindi mo man lang ba kami papapasukin, sis?" nakangising sabi ng isang babae.

Binura man ni Wendy ang alaala ng kanyang ate sa pag stay sa Niger Kingdom ngunit hindi niya makakalimutan ang mga tao na naging kaibigan niya duon.

"Sis!!! Ano ginagawa niyo dito?" sabi ni Winter kina Ara, Tiffany at Lee.

"Dumadalaw. Hindi ba pwede?" Tiff na namamangha sa itsura ng kaharian ng Hari at Reyna ng Caelus Kingdom.

"EHEM!!" pagtitikhim ni Wendy habang nakatingin sa tatlong tao sa harapan niya kasama ang ate niya.

"Ah eh, guys siya si Wendy. Kapatid ko." Sabi ni Winter.

"Ate, hindi mo na sila kailangan ipaliwanag sa akin. Kilalang kilala ko sila. Bakit pa kayo bumalik? Anong pakay niyo sa amin ah?" galit ang mukhang sabi ni Wendy sabay hatak sa ate niya.

"Magpapaliwanag kami. Pwede ba kaming pumasok?" sabi ni Lee kay Wendy.

Pinapasok sila ni Wendy at Winter. Nung nakasigurong naka-kandado na ang malaking pintuan ng kaharian ay nagkuwento na si Ara.

"Isang gabi habang naglalakad kami pauwi papuntang dorm, narinig namin ang usapan ng nag alaga sa iyo, Winter at si Headmaster D. May balak silang lumusob dito sa inyo isang araw bago ang iyong kaarawan. Binabalaan na namin kayo sapagkat hindi maganda ang mangyayari." Paunang kuwento ni Ara.

"Kung kaya't napagdesisyunan namin pumunta dito. Hindi talaga kami masama, Winter at Wendy. Kami ang pinadalang espiya ng Lolo at Lola niyo. Nahiwalay ako kay Russel, akala niya patay na ako pero buhay na buhay pa ako. Kami." Kuwento pa ni Lee.

"Kung kaya't kailangan namin ang inyong cooperasyon. Magkakaroon ka ng secret practice habang wala pa ang mismong araw ng kaarawan mo, Winter. Pakisabi kay ate Ivory, miss na miss ko na siya." Sabi naman ni Tiffany.

"Iiwan na namin kayo. Dahil baka mahalata ang kilos namin sa Niger Kingdom." Sabi ni Lee.

"Mag iingat kayo.. Lalo ka na Lee."sabi ni Wendy sa hindi malamang reaksyon ngayon niya nalaman na isa sila.

Niyakap naman ni Winter ang kanyang mga kaibigan sabay bulong..

"Huwag kayong mag alala, matagal na kaming handa sa ganyang laban".

***************

WINTER: The Long Lost Ice Princess (Completed) Where stories live. Discover now