20 **SUNNY**

2.5K 76 0
                                    

SUNNY POV

Hindi naman talaga ako galit kay Stella nung una. Siyempre naiintindihan ko lahat ngunit isang gabi ng dalawang araw bago ako lumisan sa kaharian namin ay aksidenteng narinig ko ang kanilang pag uusap.

"Malapit na ang kapanganakan ni Stella. Pagkatapos ng araw na iyon ay gagawin natin siyang reyna." Sabi ng aming ama.

"Ngunit si Sunny muna dapat alam mo iyon. Siya ang panganay kaya nararapat lamang iyon sa kanya." Sabi naman ng aming Ina.

Naisip ko tuloy nung gabing iyon, hindi ba nila ako mahal? Bakit laging si Stella? Sa grades, di man lang nila napapansin na mataas din naman yung akin. Masyado silang masaya kay Stella hindi nila napapansin na may anak pa silang isa.

Kaya umalis ako saktong paglabas ni Stella kay Winter at Wendy at sinama ko si Winter.

Umayon naman lahat sa plano ko. Tinulungan ako ni Iris. Ngunit ang hindi ko alam ay may plano siya. Kukunin niya sa akin si Winter. Kaya nagalit aako nung nawala si Winter sa Niger Kingdom.

Sa sobrang pag aalala ko kay Winter ay hindi ko na hinayaang magalit na naman ako sa aking mga magulang. Alam ko, may rason sila. Kaya tutulungan ko sila ng palihim. Kung kinakailangan kong mamatay para sa kaligtasan ng aming lugar ay gagawin ko. Hinding hindi ko na hahayaan na may mamamatay pa. 

Kaya naman isang gabi, naisipan kong pumunta sa aming bahay. Pinapasok naman nila ako. Ipinaliwanag ko na ang lahat sa kanila. Hanggang sa humingi na rin ako ng tawad sa aking kapatid dahil sa anaging mapusok at nagpatangay ako sa aking galit. 

Kinalimutan ko na ang mga galit na naging dahilan ng pagkawalay ko sa aking kapatid. 

*******************


WINTER: The Long Lost Ice Princess (Completed) Where stories live. Discover now