Wizard's Tale 2: Chapter 29

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ano pa ang ibang gamit ng kwintas?"

"Easy access sa Power of Lux."

"Tama ka uli, ngunit maipapakita mo ba sa akin? Magpalabas ka ngayon ng White Flames at dalhin ang sagradong apoy sa fire pit na nasa gilid natin."

Ginawa ko ang utos ng Hari. Inilagay ko sa aking palad ang Lux Amulet, then I started visualizing the White Flames coming out from it. In a few moments, lumiyab na ang apoy sa kamay ko at pinalipad ko ito papunta sa fire pit nang walang kahirap-hirap.

"Magaling! Sa nakikita ko, sinusunod ka ng White Flames ng walang pag-aalinlangan." Natutuwang saad niya. "Ngayon, ano ang pinakahuli at mahalagang kayang gawin ng kwintas para sayo?"

"Proteksyon ito from any types of Dark Sorcery."

"That is correct. 'Yun din mismo ang dahilan kung bakit ipinapamana agad ang kwintas sa sanggol na tagapagmana para maprotektahan siya nito. If someone wants to put a dark curse on the current owner of it, they will have to get rid of the Lux Amulet."

"Yun po ang ginawa ni Night Hollowick! Ninakaw niya ang kwintas sa akin kaya hindi ko na nagamit pa ang kapangyarihan ko."

Napabuntong hininga bigla ang Hari. Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha niya.

"Mukhang mayroon kang hindi naiintindihan. Nang mawala sayo ang Lux Amulet, nawalan ka lang ng direktang proteksyon laban sa dark spells. Ngunit hindi ibig sabihin nun na hindi mo na magagawang proteksyunan ang sarili mo. Sayo mismo nanggagaling ang kapangyarihan."


-CUT SCENE-


"Hindi ipinagkaloob sayo ang Lux Amulet para lang umasa ka rito. It doesn't teach you to be weak! Gusto nitong matuto ka na gamitin ang sarili mong kakayahan para kontrolin mismo ang Power of Lux. At kaya nga sumailalim ka na sa Awakening Ritual, hindi ba? May alam ka na sa paggamit ng tamang kapangyarihan, ngunit kinalimutan mo lamang ito."


-CUT SCENE-


"Sa ating pagsasanay, sisiguraduhin kong maiintindihan mo na ng lubusan ang taglay mong kapangyarihan. Ngunit sa pagkakataong din ito, maari na tayong magkasakitan, anak ko."

Iyon na ang hinihintay ko. Huminga ako ng malalim at, "Kung sa ganung paraan ako dapat matuto, handa po ako."

Napangiti ang Hari sa sinabi ko. "Ang iniisip ko lang, malalagot ako sa iyong ina pagkatapos nito."

"Mahaba-habang panahon niyo po akong sasanayin. Dapat naihanda niyo na ang sarili niyo dyan." Sabay kaming natawa.

But that would be enough for a short comic relief. Hindi pwedeng bawasan ang tensyon dahil oras na ng pinakahihintay kong pagsasanay. Nararamdaman ko na ang momentum sa eksenang ito.


* * *


Magkaharap kami ni King Hollace at may halos sampung talampakan ang layo namin sa isa't isa. Nagsimula siya sa pagbanggit ng isang spell at ilang sandali pa, nabalot ng hamog ang buong paligid.

Pakiramdam ko rin ay parang napadpad kami sa ibang lugar—sa isang pamilyar na lugar.

"Na—nasa Atrum Forest po ba tayo?"


-CUT SCENE-


Maya-maya pa ay nakarinig ako ng pamilyar na huni ng ibon. Pagtingala ko, nakakita ako ng isang Yosuzume. Pinilit ko itong patigilin ngunit ilang sandali pa, may humakbang na Warg mula sa dilim. At hindi lang 'yun nag-iisa, tatlo pa sila!

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon