CHAPTER 1

83.4K 1.2K 183
                                    

MGA KWENTO KO NGA PALA NA NASA WATTPAD.

Ang Not So Boy Next Door ay tapos na. Ang Runaway Asia ay Ongoing pa pero malapit na matapos, Sci-fi siya.

And Please, pakiunang basahin ang HELLO, NEIGHBOR bago itong JUST BETWEEN ME AND YOU.

ENJOY READING!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ENJOY READING!

_____________________________________________________________

CHAPTER 1

Pagkamulat ko nang mga mata ko ay ang kisame agad ang nakita ko. Panaginip. Hanggang sa panaginip ko ba naman ay lumilitaw siya? Umupo ako nang maayos at nag inat-inat. Sa sofa na naman ako nakatulog at napabayaan ko na naman ang TV na naka-on.

Paano ko nga naman kasi makakalimutan kung lagi siyang nasa TV? Kahit pa balita ang gusto kong panoorin hindi ko naman maiwasan dahil lagi naman siyang laman ng balita, sila ng ka-loveteam niya.

Ang sabi niya noon ay gabi-gabi niya akong tatawagan pero isang taon na ang lumipas ay wala akong nakuhang tawag sa kanya kahit isa. Kahit e-mail ay wala rin. Kahit text. Idagdag pa ang pangde-deny niya na may minamahal siya noon.

That's how Brent and I broke up. Mas pinili niya ang career niya. Naiintindihan ko naman dahil ilang taon pa lang din naman kami. I'm freaking 18 and he's 19.

Umayos ako nang upo bago ko pinatay ang TV. Ito ang dahilan kung bakit ko na naman siya naalala. I should get rid of my TV soon! Tumayo ako at humarap sa salamin. Tinitigan ko talaga ang sarili ko.

"Ano ba kasing hindi katanggap-tanggap sa akin?" Hinawakan ko ang magkabila kong pisngi saka tinapik-tapik ang mga ito nang bahagya.

"Maganda naman ako, ah. Wala naman magiging problema ang management nila sa image ni Brent. Matino naman akong tao. Sexy naman ako. Saka loveteam lang naman sila! Hindi naman sila real lovers ni Micah!" Umirap ako dahil nagmumukha na akong tanga na kinakausap ang sarili ko.

Dapat hindi na ako apektado sa career ni Brent. Dapat hindi na ako bitter sa pagiging artista niya. Dapat nga nakalimutan ko na siya.

Pero paano ko siya makakalimutan kung hanggang ngayon ay pinapanood ko pa rin ang mga palabas niya? Idagdag pa na ini-stalk ko pa siya sa social media. Naaawa na rin ako sa sarili ko dahil sa mga ginagawa ko. Nagmumukha akong isang fan dahil sinusundan ko siya sa shows niya minsan. Pero kahit siguro balikan niya ako, aayaw pa rin ako. Masakit kasi na baka ako lang ulit ang mag-effort.s

Lumabas na ako ng unit ko nang nakaligo at bihis na ako dahil pakiramdam ko ay sasabunin na ako ng groupmates ko. May tatapusin pa kaming project na ipapasa bukas.

"Papunta ka pa lang?" Tanong ni Ravince na sa kabilang unit lang nakatira. Classmate ko siya sa ilang subjects at kagrupo rin siya ngayon.

"Yeah, why?" Umiling ito bago pinihit ang seradura ng pinto ng unit niya.

Just Between Me and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon