I thanked the nurse and tumayo na din si Century. Pinakita niya sakin ang tab.


"thank you sa pag-alaga sakin. Magkano lahat ang babayaran ko? Wala pa akong pera ngayon pero maghahanap ako ng trabaho bukas. Pasensya na baka hindi ko agad maibigay yong bayad sa isang bigayan lang pero promise ko na mababayaran ko lahat. Salamat din sa parents mo. Kukunin ko number mo para kung sakaling naka-ipon ako, ibibigay ko ang bayad sayo."


I looked at her. She scratched her neck and bit her lower lip.


"Sira ulo ka. Anong maghahanap ng trabaho? Hindi ka pa nga magaling. At saan ka pupunta? Babalik ka dun sa tita at tito mong pinaglihi kay Hitler?"


She gave me a look.


"Ano? Oo?"


She shrugged.


I rolled my eyes. Isa lang bilin ng magulang ko sakin at wala akong planong suwayin 'yun.


Binuksan ko ang trunk ng sasakyan at pinasok lahat ng gamit namin. Next, binuksan ko ang passenger's seat at tiningnan si Century.


"Pasok"


She frowned and raised her brows.


"Uuwi ka samin, shunga"

She pointed at herself.


"Hoy Century, pumasok ka na at nagugutom na ako. Andun na din siguro si papa kaya sakay na nang maka-uwi na tayo."


Nilagay ko ang tab niya sa dashboard at dahan dahan ko siyang tinulak sa loob ng sasakyan. Hindi na din niya nagawang magprotesta dahil sinara ko na ang pinto sabay pwesto sa harap ng manibela. Lumarga kaming nakatingin lang siya sakin.



*************



Century's POV

"It's good to finally see you here, Century"


Tumingin ako sa mama na nakatayo sa may arch door ng sala. I remember him. Siya 'yong nadukutan sa bakery malapit sa tambayan ko.


"Hi dad. Akyat lang ako at kailangan ko pang maligo. Babu" paalam ni Luke sabay akyat sa spiral na staircase nila.


Tiningnan ko ang tatay ni Luke at wala sa sariling nag-wave sa kanya. Medyo alam ko na kung bakit nila ako pinagmalasakitan.


"I know you remember me. My name's Jin. Jin Aragon."


Hinablot ko ang tab na nasa tabi ko sabay sulat ng "hi po"


He smiled then sat down across me. "Gusto kitang pasalamatan sa nagawa mo. 'Yong pagbalik mo sa wallet ko. Ni hindi ko alam kung paano mo nabawi pero nonetheless, salamat." He pulled some brown envelope sa briefcase niya. "Sinadya kitang pinahanap sa anak ko, well you know, si Luke para man lang sana makabawi ako sa'yo and I never expected na aabot sa ganito. Pero masaya ako na nahanap ka ni Luke."


I slowly nod my head. Hindi ko alam kung anong pinupunto niya dahil may pakiramdam akong hindi lang simpleng pasasalamat ang gusto niyang sabihin.


"I heard about your aunt and her husband..."

I took a deep breath.


"...the way they're treating you. Hindi mo sana masamain pero pina-imbestiga ko sila and I plan on filing a case against them. Nakipag-ugnayan ako sa isang organization about women and children and they're helping me with your case."


I gulped. Hindi ko maisip kong anong mangyayari sa'kin kapag nakulong sila. Gusto ko lang naman na may bahay akong uuwian, 'yong may makasama akong matatawag kong pamilya.


"Hindi pa kumpleto ang imbestigasyon but I promise to give you justice and right. Century, maybe this is hard for you but I'm willing to help you in any way I can. My family and home is open for you."


Hindi ko alam kung anong sasabihin kaya nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko naman inaasahan na ang pagbalik ko ng wallet niya ang magbibigay sa'kin ng tulong.


"Don't worry about your bills, sweetie..."


Tumingin ako sa nagsalita. I guess, nanay ni Luke. She's tall and sophisticated. Siya 'yong tipong approachable and she has this colorful aura.


"I heard na nag-aalala ka sa bills mo sa hospital and Luke mentioned na maghahanap ka ng trabaho bukas para lang mabayaran 'yon. Hindi mo na kailangang bayaran, Century. It's all paid on the night you returned what my husband has lost." She smiled. Nakasandal siya sa TV stand pero maya-maya pa'y tumabi siya sa'kin.


"Stay with us, Century. You're welcome here. Hindi kita pababalikin sa tita mo, ayoko." She stated firmly.


"pero nakakahiya po---" Hindi pa ako tapos magsulat eh nagsalita uli siya.


"Anong nakakahiya doon? Don't feel that way, honey. Gusto namin na andito ka and well, medyo wala ka ng magagawa dahil binilhan na kita ng mga gamit at may sarili ka ng kwarto sa taas. So you better fix yourself at kakain na tayo." She pulled me close to her and kissed my forehead. "Welcome home, Century."






"Luke, I think your friends are coming over later."


Tumingin si Luke sa tatay niya. "Really?!"


Bored na tumango lang si Uncle Jin. Sabi niya tawagin ko daw siyang Dad pero naiilang ako kaya that way ko na lang siya tinatawag. Hindi naman nila ako naririnig kaya safe ako.


Luke stopped eating. "You allowed them huh?" naka-ngising tanong pa rin ni Luke.


"Yeaaaaah." He looked at Luke. "Yuck, wag mo akong tingnan ng ganyan."


Luke laughed.


"tupid..." sabi naman ni Galaxy. I now know na dalawa pala silang magkapatid at nagtataka ako kung bakit ang layo ng agwat nila. Pero magkamukha silang dalawa. Parang girl version ni Luke si Galaxy.


Luke gasped and his mom gave him a sharp look. "Anong tinuro mo sa kapatid mo Luke?"


"N-nothing... I dunno. Her sitter maybe? Or some TV shows? Who knows..."


Natawa ako. Kabisado ko ang mga sinungaling at halatang pinagtatakpan lang ni Luke ang sarili niya.


Napatingin na lang kaming lahat kay Galaxy nang ituro niya si Luke sabay sabi uli ng "stupid"

The Delinquent and The SilentWhere stories live. Discover now