(Anghel’s pov) Ahh, so hinahanap mo pala ang diary mo..
“Ah yun ba? Yung kulay pink?”
“Oo!
“Yung hello kitty?”
“Oo yun, tama! Andito ba?”- Naku, alam nya. Ibig sabihin andito nga .. Nabasa nya kaya? Waaah. Anong gagawin ko??
“Hindi ko na maalala kung san ko nilagay eh..Pambata naman kasi kaya parang di ko masyadong pinansin. Bakit, nu ba yon?”
“Ah, wala naman. Notebook lang ng pamangkin ko. Kasi hinahanap nya sakin yon. Kinukulit nya ko nung nasa Cagayan pa ko. Kaya nga pinuntahan agad kita para itanong.”
(Anghel’s pov)Nyahaha, kung alam mo lang Zarren. Oh ayan, namumula ka na. Hihi, kinikilig ka na oh. Uyy, si Zarren, dalaga na.. waaah.
“Ahm, sigurado andito lang yun sa bahay mo. Pwede ko bang hanapin ngayon? SIge na, kasi ahm, ang kulit talaga ng pamangkin kong yun eh. “-waaah. di ko hahayaang mabasa mo yun. Hindi ko kaya. Buti nalang akala mo pambata lang.. hehe. Di ako aalis dito hangga’t di ko nahahanap yun. Mahirap na.
Hay, kung alam lang nitong si Zarren na kabisado na ni Anghel ang mga pangyayari dun sa bawat dates. Hehe. Kung gusto nya magparecite pa sya eh. tsk,
“Sure sige. Tara simulan na natin.” –hihi, buti nalang naitago kong maigi. Siguradong hindi mo mahahanap yun. Nyahaha.
Yun. Sinimulan na nila maghanap. Sa ilalim ng sofa, wala. Sa kung ano-anong ilalaim, wala din.. Kusina, wala.. Hay kahit san wala. Grabe. Hanggang sa pareho na silang mapagod kakahanap.
“Wala talaga. Asan kaya yun?”- Anghel.
“Hay, di bale na nga lang. Uwi na lang ako. Nakakapagod.”
“Sure ka? Hanapin pa kaya natin. Baka anjan lang yan. Sige ka, kawawa naman yung pamangkin mo.” nyahaha. pinagpawisan ka tuloy ng di oras
“Di ok lang. Baka lalabas din yun pag di hinahanap. Thank you ah..Oo nga pala-“-Zarren.
“What?”
“Na-namiss kita.”- waaaah, Zarren, kaw ba to?? First move sayo ah. Waah, di ka na ba makapag tiis ha.. Narealize mo ba na andami ng pangyayari ha tapos mukha pa rin kayong tangang naghihintayan?? Hay, buti naman kung ganon..Double time, eh chapter 8 na wala parin nangyayari. Tsk..
Nauutal na sumagot si Anghel “H-ha? Namiss mo ko?”
“Uhm uhm. Masama ba?”
“Hindi. Hindi.. O-okay yan..”-hindi na makahinga si Anghel. Di ko masabi kung namumula o namumutla eh. tsk.
“Sige, alis na ko. Kelangan ko ng magpahinga. Nakakapagod ang byahe eh. “-nu kayang drama nitong si Zarren. Bumabait eh. Nakalanghap lang ng hanging probinsya bumait na. hay. Buhay.
Yun. Nung palabas na sya ng pinto. Tsaka lang natauhan si Anghel..Tinawag nya si Zarren. “Zarren!”
“Po?”
“Ah, ano eh. Ahm Namiss din kita..Sobra.” –Yun oh.. Tumira rin sa wakas. Tsk. Pasok. Three points.
Ayos ah. Dapat dito kay Zarren bigyan ng talk show eh. Ang title, Kilig moment with Zarren. Hihi
“Sige. Alis na ko.” -sige na umalis kana, pumaparaan ka nanaman para ihatid eh noh.
“Ahm, hatid na kita. Wait lang lalabas ko lang yung kotse..”-tamo.. edi nakalibre ka naman..
Waaah.. this is it na ba? Ano, sagot? Magiging sila na ba? Putek, sa hinaba haba ng storyang to, akalain mo, magkakasundo din pala ang dalawang ungas na to.. yiii.
Habang kotse, wala na masyadong pag uusap na naganap. Pakiramdaman nalang.
(Zarren’s pov) ano ba to, bakit parang kinakabahan ako. Eh si Anghel lang naman to eh. Grabe. Tubig nga.
(Anghel’s pov)- Lord, help me! Mag iilove you na ba ko? Pano kung bastedin nya ko. Hindi ko ata kaya ang mareject lalo na ni Zarren. Tsk.
Yun. Sad to say, alang nangyari sa byahe nila. Walang nagsalita. Ngitian lang ang nangyari sa mga bwiset na to.. yun.
Pero wag ka. Pag uwi ni Zarren. Syempre humalakhak muna sya ng bonggang bonga bago nahiga. Kinilig eh. Ewan ko ba dun kung ano ang trip. Baka nagsawa na sya sa pagsusungit, di kya Oh baka narealize nyang eto na ang tamang timing para magseryoso. Tutal mutual naman ang feelings diba.
Nahiga na sya sa kama. Dumapa, at kinuha ang bag niya..Ininspect ang laman..
Hanggang sa tuluyan na syang mapangiti kasi successful ang misyon niya..
Kasi, nagbabalik.
Ang mahiwagang diary niya..Nyahaha!
YOU ARE READING
It Started with a 'K' (from A to Z)
HumorMay crush ka ba? Eh pano kung pinahiran ka nya ng kulangot, nu gagawin mo?? Gaganti ka ba? Papahiram mo rin ba sya? Haha..eh pano kung after ilang years magkita kayo ulit? Tignan po natin kung ano ang magiging takbo ng story nila Anghel at Zarren...
Chapter 8: Anghel:new look, same taste. wahaha!
Start from the beginning
