Chapter 8: Anghel:new look, same taste. wahaha!

Começar do início
                                        

Setting: Sa bahay ni Zarren. Kadarating lang nya kasi galing CDO. Pahinga moment, nang biglang may sumingit sa isipan nya..Ang mahiwagang diary…nagbabalik lang. Mejo matagal kasing nawala yun sa paningin nya. Parang bigla kasing trip nyang magsulat at magkwento kay Mr. Diary ng mga nangyari sa kanya..Kung gaano ba nya namiss si Anghel. Ayaw nyang sarilinin ang feeling. Dapat lang na may mapagsabihan ng mga kinikimkim nya. Ayun. Hinanap nya sa lahat ng sulok ng bahay nya. Wala. Natural. Hehe. Binalikan nya kung san nya huling nailagay.. Ayun, nung mapagtanto nya kung san, sa bag nyang huling ginamit nya nung birthday ni Clark..

“Patay. Wala dito sa bag ko. Asan na yun??Isip Zarren. Isip... Teka, nung gabing yon..Waaaah, nung natulog ako kila Anghel.. ‘di kaya.. Baka nalaglag sa kanila..waaaaah, ibig sabihin… posibleng asa kanya??Hindeee!!!”

Ano pa nga ba ang gagawin nya, edi punta sa bahay ni Anghel. Sakto lang na Sunday nun. Kaya sigurado syang nasa bahay ang kumag.

Yun, Nung nandon na sya sa gate…Nadungawan sya agad ni Anghel. Pero syempre di muna nagpahalata ang ating bida. Kunwari walang nakita. Deadma lang. Aantayin nyang magdoorbell si Zarren..Kabado lang si Anghel sa muli nilang pagkikita. Hindi naman halata sa itsura nyang prepared sya eh.

(Zarren’s pov) Sino yun? Si James ba yun? Bakit parang may bisita ata tong ungas na to. Wag nalang kaya akong tumuloy. Parang nahihiya ako.

Tumalikod na si Zarren. Tipong aalis na. Syempre, hahayaan ba naman ni Anghel yun. Nevah. Dali-dali syang lumabas para harapan si Zarren.

“Miss!”-tawag ni Anghel mula sa likod ni Zarren. Eto naman si Zarren, pa slo-mo pang humarap. Lumaki ang mga mata kasi parang literal lang na nakakita ng anghel. Tulala ng 3 seconds.

Bakit?? Kasi ang Anghel nya, talagang mukha nang Anghel. Bagong gupit ang loko. Clean cut pa. Waaah. Bagong ahit din. Halatang nabawasan ang pagkabalbon look. Mabango look lang. Hehe. Naka white tshirt pa ang walanghiya. Anghel na anghel lang sa paningin ni Zarren.

(Zarrren’s pov) Yiii, ang gwapo ng Anghel ko..Parang artista lang. Pa autograph naman.

Tsaka lang narealize ni Zarren ang misyon nya kung bakit sya andun..”H—Hi.”-speechless ang walah..tsk

“Oh Zarren. Dumating ka na pala. Pasalubong ko?”

“Wala eh. Di ako nakabili.”—shock parin at di pa makarecover sa looks ni Anghel

“Tagal mo dun wala ka manlang nabili? “- nakasmile pa. tunaw na si Zarren eh.

“Di mo ba ko papapasukin? Ang init kaya dito.”- Bakit?Bakit parang may kakaiba kong nararamdaman. Nanlalamig ba sya o feeling ko lang yun. Parang may nag iba.

“Oo nga pala. Pasok ka. Sana manlang kasi nagsabi ka na dadating ka na pala para nasundo kita.”

Pagpasok sa bahay… Pagkaupo nya..”Bakit ko naman ipapaalam pang dadating ako. Mukha namang busy ka. Ni hindi mo nga ako tinitext eh.”—tampo effect kala nya uubra.

“Ah yun ba? Sorry ha. Kasi oo nga busy lang. Teka-teka, wala ka bang napapansin ha?”- umikot pang parang model ang walanghiya..

(Anghel’s pov) Oh Zarren, gwapong gwapo kana ba sakin ha? Nyahaha, laway mo tumutulo.. Nagpagupit talaga ko para lang sayo. Para sayo lang. Ano, will you marry me na ba? Ayayay.

“Oo na sige na. Gwapo ka na.”

“Alam ko na yan. Pero syempre iba pa rin pag manggagaling sayo.. Teka, bakit parang pumayat ka ata. Epekto ba yan ng pagkamiss mo sakin? Grabe.. kumain ka nga.”

“Hay,, yan nanaman po. Andito nga pala ko kasi may itatanong ako sayo.”

“Yes? Nu yun?”

“May nakita ka bang notebook na maliit, wala ba kong naiwan dito nung birthday ni Clark?”—naku please lng wag ka ng mangulit kung ano yung notebook na yun.

It Started with a 'K'  (from A to Z)Onde histórias criam vida. Descubra agora