Chapter 8: Anghel:new look, same taste. wahaha!

Mulai dari awal
                                        

 Samantala, sa kabilang panig na Pilipinas, bisitahin natin ang magaling na si Zarren sa CDO..

Mukhang napapaisip din sya sa kinalabasan ng mga pinagsasasabi nya. Nabigla lang naman talaga sya eh. Feeling nya kung di nya sasagutin si Anghel ng ganon ay talo sya. May hinala rin naman syang nangttrip lang si Anghel, pero nung mga oras na yon ay parang bigla syang napikon. First thing that came to her mind (waaah English), ay kung papano mapapagselos ang hinayupak. Kaso nga lang, naunahan sya eh. Gumanti lang sya.

Saktong nasa ganong mood sya nung naispatan sya ni Francis. Ayaw nya ng kausap nun, kaso nga lang syempre, pakitang tao lang kaya napilitan syang kausapin ito. (Tandaan, mabait si Francis kaya wag nyong aawayin. Hehe)

“Oh Zarren. Nung nangyari sayo? Bat anjan ka. Naglilibot sila sa labas”  

“Wala. May iniisip lang.”—weh, ano ka si B1?

“Nu ba yan, Baka matulungan kita jan.”- Francis bigla lang umupo sa tabi nya.

“Badtrip kasi si Sir Roger. Di ko naman kasi talaga client to diba. Parang gusto ko nang umuwi.” –ganun, hanep ang segwey ah.

“Ahh, bakit naman, may problema ba sa Manila?”

“Ewan ko nga eh.”

“Ano, bat ewan mo. Parang nalalabuan ata ako.”

Kibit-balikat lang si Zarren.

“Si Anghel ba?”  -eh chismoso rin pala tong si Francis bacon eh. tsk.

Napatingin sya kay Francis at..”Pano mo nalaman, kinausap ka ba nya?”

Francis, umiling at “Kahit naman hindi nya ko kausapin, halata sayo. Gusto mo sya diba?”

“Hindi ah. Yung lokong yun. Never.”-nag mamaang-maangan pa to. Pinapaasa pa ata si Francis.

Si Francis naman may pahawak-hawak pa ng kamay kay Zarren. Parang lamok sa tanghaling tapat. Hay.

“Zarren, lalake ako. Alam ko kung ang isang babae ay may gusto sakin o wala. Kung ako si Anghel, ang tanga ko kung di ko mapapansin na gusto mo ko..”— (Psst, Francis, minsan ka na nga lang magkalinya napakabigat pa ng mga binitiwan mo. Hehe.)

Ipagpatuloy ang line ni Francis. “Halata sa’yo na gusto mo sya. Gusto ka rin nya. Nung nasa restaurant tayo, kahit hindi ko nahuli ang mga tinginan nyo, ramdam ko. Gusto nyo ang isa’t isa.”

(Zarren’s pov) Waaah.. Bakit? Bakit mo sinasabi ang lahat ng to? Nahalata mong may gusto ako kay Anghel, pero sya.. sya ay hindi manlang nya mahalata..Lalake rin naman sya at may pakiramdam din ah. Sorry Francis. Alam kong nasasaktan kita..-filengara talaga to ah. tsk

“Pero. Sorry France. Hindi ko sinasadya.”—pano ba mangbasted?? Utang na loob pakituro nga.. Ika nga sa kanta, there’s no easy way to break somebody’s heart.

“Ok lang Zarren. Masaya ko para sa inyo”- weh? Di nga? Sa panahon ngayon bihira ang ganyan. Oo nga may mga ilang nagsasabi na masaya sila, pero bihira ang totoo diba. Binabati kita Francis. Tsk..

Yun. Putulin natin saglit ang moment na yan. Mejo boring lang sa panlasa ko. Hay.Atleast natigil na ang 'pagpapaasa' ni Zarren kay Francis diba. Yun lang naman ang gusto kong malaman nyo eh. hehe

Ayun. Lumipas ang mga araw. Buwan, taon. Biro lang hindi taon. Mga one month after nalang. As in. Isang buwan si Zarren sa CDO. Malay ko ba kung ano pinag gagagawa nun dun. Eh diba nga isa syang dakilang auditor. Edi inaudit nya yung client nila. Yun na yun. Hirap lang magdescribe ng mga pangyayari kaya after one month na.. Pero, basta taandaan natin na sa loob ng one month na yun ay naging madalang na ang communication nila ni Anghel. Pano kasi, natiis nilang wag itext o tawagan ang isa’t isa. Ganon sila katanga. Mga balbon talaga, ni hindi manlang nag attempt. Mga bobitz. Hay. Hirap lang ng sitwasyon.

It Started with a 'K'  (from A to Z)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang