Chapter 8: Anghel:new look, same taste. wahaha!

Magsimula sa umpisa
                                        

“Talaga? Masarap ba syang kasama sa breakfast?”

“Oo naman.” Bakit wala akong masabi. Kelangan mapagselos kita.

“Yun. Naman pala eh. Edi enjoy ka jan? Ako rin naman dito enjoy. Nga pala, sayang may papakilala pa naman ako sayo kahapon. Hay..”

“Sino?”  -Zarren biglang kinabahan lang.

“Yung bago kong babes. Gustong-gusto ka na kasi nyang makilala eh. Nabanggit kasi kita sa kanya. Sayang talaga. Pero ok lang din. Atleast mas marami kaming time sa isa’t isa ngayon. “  -(Ano to? Kasama ba to sa script? Putek, Anghel pinapahirapan mo ko sa karog nito.. Hay. Ano ba kasing nasa isip mo ha. Kala ko ba ok na ang lahat.. Bat may ganto effect ka pa.. Adik ka lang. Pasalamat ka bida ka..tsk.)

(Zarren’s pov) Bagong babes? 24 hours palang akong nawawala may pinalit kana saken? Napakasama mo talaga. Bihasa ka talaga sa pananakit ng damdamin..Uwi na kaya ako jan?

Speechless si Zarren pero nag uunahan nanamang sa paggana ang kanyang mga brain cells. (me ganon?)

“Hello? Zarren? Naistroke ka na ata. Selos ka ba?”—hihihi, makaganti manlang sa mga banggitan mo sa Francis Bacon na yan. wahaha

“Ako? Hindi ah. Mabuti nga yon para naman hindi mo na ko inaasar. So may girlfriend kana ngayon?”—iiyak mo yan Zarren, wag mo pigilin. Hay.. kung alam mo lang ang trip nyang si Anghel..

“Naman. Ako pa. Tong gwapong lalake kong to. Wag kang mag alala, ipapakilala ko sya sayo pag uwi mo.”

“Sure. Sige, asahan mo rin pag uwi kong ipapakilala ko rin sayo ang bagong boyfriend ko. Marami rin naman kaming time dito sa isa’t isa. Have to go. Maglilibot pa kami ng Francis ko.”

BoOoMm!!! Nu yun? parang may bombang sumabog sa mukha ni Anghel dun ah.. waaaaah, napaka sadista nitong si Zarren. Pano na ang feelings ni Anghel? Naku naman. Ano bang nangyayari sa mga bida natin ah. Kahit ako, di ko to kinakaya. Kasi naman eh, bakit ba hindi muna nila pinag iisipan ang mga sasabihin nila? Badtrip na si karu. Sa mga misunderstanding na ganyan kasi nagsisimula ang pagkalabo ng relasyon eh..Hay, kung pag aaralan lang ba ng dalawang ito kung pano magpakatotoo, edi tapos.

Ayun.Tulala si Anghel..Di parin nya maalis ang cellphone nya mula sa tenga nya. Maidescribe lang ang itsura nya.. Ayun, laki mata habang pigil ang hininga.. Napasuntok sya sa pinakamalapit na pader. Sakit nga daw eh. Mahirap na talaga yung nabibigla ka sa mga pinagsasasabi mo. Kasalanan nya, sya nauna eh. Kundi ba naman sya tanga eh sabihan ba naman nya si Zarren na may girlfriend na sya. Diba, nakakainis naman talaga. Eh tong si Zarren naman talagang napakabilis gumana ng utak. Akalain mo, naisip nya agad ang isasagot.. Badtrip. Laboan session. The end na. Putek asar na ko.

(Anghel’s pov) Patay. Pano kung seryosohin nya ang pagsagot dun kay ungas. Pano na?At anong tawag nya dun, Francis nya??Kadiri naman.Hindi ako papayag jan.  Hay, Di na ba sya nasanay sa ugali kong mapang asar. Eh ni hindi manlang nya nagets na pinapaselos ko lang sya. Wala na. Yari na ko nito. Pano na ang pangarap kong maging girl friend ka Zarren. Waaaah. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo. (ano daw?). Bwiset na buhay to. At tong diary mo pasulat sulat ka pa dito na crush mo ko, hanggang sulat ka lang pala eh. bakit hindi mo patunayan..tsk, ngayon, anong gagawin ko dito ha.. masulatan na nga lang..”

Ayun. Kuha ballpen at sulat sa diary ng may diary habang nag eemote.

August 30, 2011

Dear Diary ni Zarren, (Mejo pangit ang pagkakasulat nya dito hehe)

Hindi ko talaga maintindihan yang amo mong si Zarren. Kung may gusto sya sakin, bakit nya ko ginaganito? Hindi ba nya napapansin na gusto ko rin sya? Magtya tyaga ba kong sunduin sya araw-araw kung wala akong nararamdaman para sa kanya? Matapos kong ialay ang mga itlog kong nananahimik…sa ref para lang sa kanya. Hay,manhid talaga sya. Tapos ngayon umalis pa sya nang di nagpapaalam. Ang masakit nyan kasama pa nya yung Francis. Badtrip talaga..Pano ko pa masasabi sa kanyang mahal ko sya??

It Started with a 'K'  (from A to Z)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon