Chapter 21: Trial Phase 6

Start from the beginning
                                    

Noong nasa tuktok na ako ng cab na sinasakyan ko sa ferris wheel, muling pumatak ang aking mga luha. Fuck!  Ba't ba wala silang tigil sa pagbagsak. "Caleb tang ina napakaduga mo," Napakagat ako sa ibabang parte ng aking labi at pinigilan kong maiyak.

"Nauna ka pang umalis dito sa lugar na 'to," Tumingin ako sa kalangitan at umaasang naririnig ako ni Caleb sa pagkakataong ito. "Akala ko ba... Akala ko ba sabay-sabay tayong aalis dito?" 

Sa totoo lang hindi ako sanay na may mga taong nagmamalasakit at tumutulong sa akin. Mas sanay at mas komportable akong gawin ang isang bagay na mag-isa, it's my first time to experienced that someone cares on me... And yet I lost him.

"Players the trial will about to start please gather at the trial court!”

Sa pagkasabi no'n ni Amanda ay agad kong pinahid ang aking mga luha... Sisiguraduhin kong magbabayad ang taong may kasalanan.

***
Raven

Masakit para sa akin na malaman ang nangyari kay Caleb, pero laging tumatakbo sa isip ko ang mga sinasabi sa akin ni Owen. Nasa laro kami, kaya mayroon at mayroon talagang taong mawawala.

Sa paglalakad ko papuntang trial court ay napadako ang tingin ko kay Owen. Hindi siya yung Owen na kilala ko, his eyes is full of hatreds. Kung tatanungin niyo ako kung ayos lang ba ang nakikita ko kay Owen, no. Baka dahil sa galit niya, kung ano-ano lang ang masabi niyang masasakit na salita.

Nakakapanibago, totoo namang feeling ko nasa demonyong lugar kami... Pero ngayon mas feeling ko tuluyan na kaming napunta impyerno dahil sa mga nangyayari.

Pumunta ako sa aking puwesto at kitang-kita ko ang mga namumugtong mata ni Mario, Crystal, at Owen. Lahat kami ay nawalan.

"Trial Start!" 

Naging tahimik ang mga sumunod na minuto. “Tatahimik na lang ba tayo rito?” Sabi ni Mario. "Kagaya niyo nasaktan din naman ako sa mga nangyari pero kung nais talaga natin ng katarungan para kay Caleb... Kailangan gumawa tayo ng paraan para malaman kung sino ang taong gumawa no'n."

Tama si Mario, pero paano? Paano namin sisimulan?

"Ano, naramdaman niyo na yung naramdaman namin ni June nung nawala sa amin si Kim, Terrence, at Jenny?" Biglang nagsalita si Nick. Mabuti na nga lang ay napili ng silencer na patahimikin si June dahil paniguradong maraming bagay itong isusumbat sa amin.

"Ang dali kasi para sa inyo na sabihin na 'Magiging okay din kayo' pero ngayong kayo naman ang nasa dati naming sitwasyon... ang hirap maging okay, 'diba?" Sabi ni Nick sa amin. Totoo ang mga sinabi niya.

"Pwede ba! Hindi ito ang panahon para magsumbatan kayo!" Biglang malakas na sumigaw si Stacy. "Ano naman kung namatay na si sina Kim at si Caleb? Mas mahalaga ang mga buhay natin ngayon. 'Wag kayong mag-focus sa pagsusumbatan niyo, iganti niyo ang mga kaibigan niyo by the means of finding the killers!"

Nagulat ang lahat nang biglang sumigaw si Owen. “Siguro kayo ang may kasalanan, Nick!? Gusto ninyong gumanti sa amin!” He’s really out of his mind.

Kinain na si Owen ng kanyang galit.

“Nagpapatawa ka ba? Bakit ko naman gagawin ang bagay na ‘yon? Sinasabi mo bang ako rin ang pumatay kay Kim?” Parehas ng nagtataas ng boses ang dalawa.

"Mukhang walang patutunguhan 'tong trial na 'to" Narinig kong mahinang bulong ni Stacy dahil magkatabi lamang kami. Walang nais magsalita at pinapakinggan lang namin ang pagpapalitan ni Owen at Nick ng masasakit na salita, walang ibig magsalita dahil walang may gustong madamay.

Ibang-iba 'to sa Owen na kilala ko, this time mukha siyang... miserable.

"Tumigil na kayo!" Biglang sumigaw si Crystal dahilan upang magkaroon ng panandaliang katahimikan kay Nick at Owen. Nabaling ang atensyon naming lahat kay Crystal at walang tigil ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mukha.

"Lahat naman tayo nasaktan, lahat naman tayo nawalan, lahat naman tayo nahihirapan. Pero bakit?" Saglit siyang huminga ng malalim, "Pero bakit kailangan niyo pang magsisihan? Hindi naman niyan maibabalik ang mga buhay ng mga kaibigan natin." 

"Palagpasin na lang muna na'tin ang trial na 'to. Hindi pa nakaka-get over ang lahat sa mga nangyayari." Biglang nagsalita si Tomy. He's right, we're not in the mood to solve who's the killer.

"Pero kailangan na na'tin agad malam—" 

"Let this pass," Pagpuputol ni Phil sa balak sanang sabihin ni Owen.

"So sino ang iiwan na'tin dito sa trial court?" Pagtatanong ni Stacy.

"Ako na lang." Pagpiprisinta ko sa aking sarili, maganda na rin na maiwan ako mag-isa rito. Gusto ko rin naman mapag-isa. Sa huli nga ay napagdesisyunan namin na ako na lang ang ilagay sa trial this time. 

Owen, ano bang nangyayari sa’yo?

~

Male Players:
1. Raven Alva (Police)
2. Coby Francisco (???)
3. Mario Reese (???)
4. Tomy Lawrence (Innocent)
5. Phil Hernandez (Innocent)
6. Nick Warner (???)
7. Caleb Jacobs (Innocent) [X]
8. Cedric Weaver (???)
9. June Blake (???)
10. Owen Garcia (Detective)
11. Ian Curtis (Innocent) [X]
12. Terrence Estrada (Assassin) [X]
13. Bryan Park(Innocent) [X]
14. Evan Wilkins(Innocent) [X]

FEMALE PLAYERS
1. Crystal Park (???)
2. Shane Rodriguez (???)
3. Jenny Ortiz (Innocent) [X]
4. Hannah Gutierrez (???)
5. Chelsea Summers (???)
6. April Morris (Innocent) [X]
7. Loren Martinez (???)
8. Stacy Wilkins (???)
9. Angel Dela Pena (Nurse) [X]
10. Kim Gomez (Innocent) [X]
11. Jessie Lopez (???)
12. Erica Hunter (Innocent) [X]

Survivors left: 16

Killer GameWhere stories live. Discover now