Anu nanaman tong pinagiiisip ko!

Sinalubong naman ako. Magaan naman ang loob ko sa dalawa. Kaso anddun pa rin talaga yung pagka 'out-of-place' ko sa ibang pinaguusapan nila.

Sumakay kami ng jeep. Mabilis naman ang byahe kasi wala pang traffic.

Pagpasok sa gate ng Wilson University ay pinagtitilian nanaman kami. Yung dalawa kong kasama, todo ngiti. Samantalang ako, hiyang hiya.

Paano ba naman eh sa dati kong school hindi naman ganto yung mga bakla at babae duon. Mga manhid ata yung mga yun!

Dumiretso kami sa Engineering Department. Agad kaming pumasok sa room namin.

Pagkaupo pa lang sa upuan ko ay napaisip ako agad. Nasan na kaya yung kakambal ko. Anu kaya yung course niya.

Sabi niya kasi architecture daw ang gusto niya pero sabi niya rin gusto rin daw niya ang civil engineering.

Hindi rin niya sinabi kung saan siya mageenroll na school.

Nawala ang pagiisip ko ng dumating ang prof namin.

"Okay class, bago tayo magsimula. I like you to meet your new classmate." Pagbungad ni maam sa amin."Iha, pasok ka na." pahabol niya pa.

Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Speaking of the devil.

"Hello. Goodmorning sa inyong lahat! Ako nga pala si Zarah Jane Villafuerte. 18 na rin. I hope we can be friends." Yan lang yung sinabi niya.

Yung ibang kaklase ko namang lalaki ay nakanganga na. Hindi ko naman sila masisisi. Maganda rin naman kasi sya eh.

"How are you related to mister Zarex Villafuerte, miss Zarah?" tanong pa naman ni maam dito. Tss, tsismosa talaga si maam.

"Uhm...actually he is my twin brother!" masayang pagkakasabi niya sa aming mga kaklase.

Nakita ko naman yung iba naming classmates parang hindi makapaniwala sa narinig. Yung iba napatingin pa sa akin pati narin si Khyron at Ford.

"Okay. You may take your seat miss." Agad naman siya nakakita ng bakante sa tabi ni Khyron.

So bale ako yung nasa right side, sa gitna ay si Khyron, at si Zarah ay sa left side ni Khyron.

Ayun nga, nagsimula na ang klase namin hindi na ako nakapagfocus sa klase. Tumingin ako kay Zarah.

Tiningnan rin niya ako at ngumiti. "Maguusap tayo mamaya!" pabulong kong sigaw sa kanya. Nagthumbs up lang naman ito.

Nagpatuloy ang klase at nakinig na rin ako sa lecture ni maam.

---

Mabilis na lumipas ang mga oras at ngayon nga ay lunchbreak na namin. Kasabay kong pumunta sa cafeteria si Khyron, si Ford, at si Zarah.

Umorder na kami agad ng lunch namin sakanaghanap na ng puwesto namin.

Pagkaupo pa lang ay inenterrogate ko na agad ang kakambal ko.

"Anung ginagawa mo dito!?" tanong ko sa kaniya.

"Wow interrogation agad. Hindi mo pa nga ako pinapakilala dito sa mga gwapo mong friends oh!" sabi niya sa akin saka ngumiti.

Agad ko naman pinakilala sila Khyron at Ford kay Zarah. Nakipagkamayan naman agad ang mga ito.

"Sagutin mo na ang tanong ko." Sabi ko sa kanya. "Gusto ko kasi magkasama tayo. Miss na kita eh so pinilit ko si Mama na papuntahin na ako dito. Nung una ayaw niya pa kasi daw wala daw siyang kasama until nung Monday eh dumating si Renjie, yung pinsan nating bakla kasi daw magaaral daw siya doon sa Clark. Wala naman daw siyang matutuluyan kaya naisip ni mama na doon na lang tumira sa atin. Diba siya rin naman yung katulong ni mama dati sa resto niya. Tsaka mabait naman yun. So yun nga, pumayag na si mama na dito ako magaaral unless kasama daw kita kaya pinili ko na rin tong civil engineering." Mahabang litany nito.

"Eh bakit ngayon ka lang pumasok? Tsaka san ka nakatira ngayon?" tanong ko ulit dito. Sila Ford at Khyron naman ay mataman lang na nakikinig sa usapan naming dalawa.

"Mlaman bumyahe pa ako then naghanap ng boarding house. Buti nga nakahanap ako ng boarding house diyan lang malapit sa tinitirhan mo. Tsaka nagenroll pa ako. Buti nga pwede pang magenroll kahit pasukan na eh." Sabi pa nito habang kumakain kami.

"Okay last na. Paano mo nalaman kung saan ako nakatira at siguraduhin mong all girls yung pinasukan mong boarding house ha!" pinakahuling tanong ko sa kanya.

"Uso na ngayon ang magresearch, bro. oo, all girls yun kaya wala pang makakuha ng virginity ko noh!" sabi nito sabay tawa.

"Ahh..." nasabi ko nalang.

"Wow, overprotective na kuya." Sa wakas nagsalita na rin si Khyron. "Actually mas matanda ako sa kanya ng 5 minutes." Sabi pa ulit ni Zarah.

Ayun nga. Nakipagkulitan pa si Zarah kila Khyron at Ford. Likas naman kasing madaldal itong kapatid ko.

Ako naman dito ou of place nanaman. Kaya ang ginawa ko, kinain ko nalang yung lunch ko.

It Started In The Bus [BoyXBoy] (Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon