"Ah..." yan lang yung sagot niya sakin.

Narinig ko rin naman na maraming mga nag hahagikgikan sa tabi naman. Paglingon ko ay nakita kong mga babae lang naman pala.

Eh sino bang hindi magiging ganun ang reaksyon kung katabi mo ay dalawang napakahot at napakagwagwapong lalaki.

Hindi ko rin naman binigyan ng pansin yung mga yun. Hinayaan ko nalang sila.

Pagdating sa Wilson University eh napahanga nanaman ako. Ang rami rin kasing estudyante. May seniors, juniors, sophomores, at mga freshmen katulad namin ni Ford.

Pumasok na kami sa gate ng school. Talaga ba namang head turner kami ni Ford.

Paano ba naman eh, halos lahat ng babae at kabaklaan eh humarap at nagtilian sa pagdating namin.

Tiningnan ko si Ford at nakitang nakangisi pa ang g*go! Aba at confident ang mokong.

Naisipan rin naming magtanong sa guard doon kung nasaan yung room na sinabi namin. Agad naman nyang tinuro yung building na iyon.

Agad naman naming tinungo yung room namin na sa second floor pa pala. Pagpasok sa room ay umikot nanaman ng 360 degrees ang mga ulo ng mga kaklase ko.

Ang mga babae at mga bakla, as usual, eh nagtilian nanaman. Ang mga lalake naman ay mga walang reaksyon pero ang iba ay parang naiirita sa presence namin.

Naghanap naman kami ni Ford ng mauupuan. Agad namang nakahanap ng upuan sa bandang harap si Ford habang ako ay nakahanap ng bakante sa bandang likod.

Lumipas ang ilang minuto ay dumating na ang professor namin.

"Okay class, before we start, ako nga pala si Ms. Angie Manzano, youre scince professor. Now introduce yourselves and write down your full name in a one-fourth sheet of paper." Agad naman naming sinunod ang utos ng prof. namin.

Nagintroduce na ang iba naming kaklase. Tinawag na rin ni maam si Ford.

"Ford Valderama, please go in front and introduce yourself." Sabi ni maam.

Tumayo naman si Ford at pumunta na sa harap. Agad namang nagtilian ang iba naming kaklase.

"Hello guys. I'm Ford Valderama,18, and I hope we can get well." Sabi nya at umupo na.

Tinawag na rin ang iba kong kaklase at ang panghuling tinawag ay ako.

"Hi classmates. I'm Khyron Mark Reyes, 18 na rin, sana maging magkaibigan tayong lahat." Pagiintroduce ko saka umupo na.

Nagsimula na ang klase ni maam. Kinuha ko naman ang notebook ko at nag take down ng notes.

Mga sampung minuto palang ang lumilipas ay napatigil si maam sa dumating naming kaklase. Nasa labas ito ng pinto kaya hindi ko makita.

"Good morning mister, can I help you?" tanong dito ni maam. Nagtitilian na naman ang iba kong kaklase. Sino ba kasi yan.

"Uhm...maam dito po ba ang room no. 165?" tanong naman ng lalaki sa prof. namin.

"Yes. Kung student ka sa class ko, late ka ng sampung minuto. Halika na at iintroduce mo na ang sarili mo sa mga kaklase mo." Mahabang litany ni maam.

"Yes ma'am" sagot naman nung lalake at pumasok na.

Ngunit laking gulat ko nalang kung sino iyon. Si kumag!

"Good morning everyone, I'm Zarex John Villafuerte, 18 na rin ako. I'm half Filipino, one-fourth Korean, and one-fourth Japanese. I hope we can get along." Nakngiting sabi nito.

"Okay you may take your seat." Pagsabi naman ni maam. Agad namang naghanap ng upuan si kumag, I mean Zarex. Pero umupo ito sa tabi ko.

"Oh, anong ginagawa mo ditong kumag ka. Maghanap ka nalang ng ibang upuan!" galit at pabulong kong singhal sa kaniya.

"Eh ito nalang ang bakante eh." Sabi naman nito at inilapag na ang bag sa upuan. "Whatever!" nasagot ko nalang.

Mabilis rin namang lumipas ang oras at ngayon nga ay lunch break na. Sabay naman kaming pumunta sa cafeteria ni Ford.

Pagkabili namin ng lunch ay naghanap agad kami ng puwesto. At nang makahanap na ay nagsimula na kaming kumain.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang tumabi si kumag sa amin. "Hoy, umalis ka nga rito, kumag!" pagsuway ko sa kanya.

"Oy, ang harsh naman nito!" sigaw sa akin ni Ford. "Okay, lang pre, Ford nga pala!" masayang hayag ni Ford kay Zarex.

"Salamat, Zarex tol." At inilahad din ni kumag ang kamay niya para kamayan si Ford. "Musta hambog! Khyron pala pangalan mo eh." Sabi pa niya.

"Grabe ka talaga!" at tumawa pa ito. "Pero okay lang, love naman kita eh." Pahabol pa niya.

0_0 <<== reaksyon ko nang sabihin niya yon.

Ò_Ó <<== reaksyon ko nung maabsorb nang utak ko lahat ng sinabi niya.

"KUUUMMAAAAGGGG!!!" sigaw ko sa kanya ng makitang patakbo na ito sa building namin. Hayst... nakakabadtrip talaga yung kumag na iyon.

Wala namang nangyari sa buong maghapon. Maganda naman ang mga naging klase namin.

Sumakay na kami ni Ford ng jeep papunta sa boarding house. Habang nasa jeep, nakita kong may sinesearch si Ford sa phone nya.

Facebook pala ang gamit nito. Tiningnan ko kung sino yung sinesearch niya at nagulat na lamang ako sa nakita.

Yung baklang nakita namin dati!

Tiningnan ko ang pangalan. Konan Lacsamana. Ah...siya pala yun. Tinanong ko si Ford kung bakit niya sinesearch yun.

"Oy brad, bakit mo sinesearch yung baklang nakita natin dati?" tanong ko dito. Agad naman niyang linock ang phone tsaka bumaling sa akin.

"Ah...eh...wala, napindot lang." at tumawa pa ito ng pilit pero mukhang namumula ang mukha. "Ah..." nasabi ko nalang.

Pagdating sa boarding house ay nagpaalam na rin si Ford na pupunta na rin daw sa room niya. Wala pa siyang room mate.

Ako naman pumunta na rin sa room ko. Bubuksan ko n asana ito nang may marinig akong parang bumagsak sa loob.

Agad kong binuksan ang pinto. Laking gulat ko ng nakita si kumag na nakahiga sa sahig at bugbog sarado.

"Oh, shit!!" nasabi ko nalang.

It Started In The Bus [BoyXBoy] (Updating)Where stories live. Discover now