"Oh, watch me." Ang tanging sagot lang ni Kris na parang wala lang sakanya ang banta ng ama. Umupo na lang din ako, na sana pala hindi muna. Mas lalo kasing naging awkward, para sakin nga lang ba?

Nakita kong bored na bored na si Kris. Jeez. Hindi talaga ako mapakali. Maya-maya lang ay nagsalita na rin ako.

"K-kris.. uwi na tayo." Bulong ko. Busy naman ang dad nya sa mga kausap nito. Alam kong hindi pa naman talaga ako dapat mag-aya dahil hindi pa kami nagtatagal dito ng isang oras.

Tinignan nya ako. "Why? Are you not feeling well?" Tanong nya. Hindi naman sya mukhang concern o ano, normal naman ang expression nya.

"Yeah-- I mean no-- I just feel out of place." I just said. Plus, natatakot na talaga ako, paano na lang kung connected si Tito Lucio sa dad ni Kris? Edi ipapakilala si Max kay Kris? At syempre-- dahil naandito ako, makikita nya ako?! Jeez!

Bigla na lang tumayo si Kris at hinawakan ang kamay ko-- Holding hands? EH!?

Hindi na ako nagtanong, mukha kasi syang hindi naman sasagot kasi straight face lang sya. Mukha may pupuntahan kami? Oo, hindi kami palabas, alam ko kasi yung way palabas.

Huminto kami sa isang napakagandang part ng napakalaking lugar na ito. May mga lights pero dim lang. Ang ganda, nagkalat ang ibat-ibang kulay ng mga bulaklak at ang ganda ng place ng moon mula dito. Sa isang banda ay may gazebo at nagkalat ang mga benches sa mga naggagandahang bulaklak. Sa malayong part naman ay ang isang pool.

Hindi ko namalayang wala na pala si Kris sa tabi ko. Nakaupo sya sa isang malapit na bench. Woah, this place is beautiful.

"Yo Kris." Lumapit saamin ang isang lalaking kasing tangkad lang ni Kris-- At hindi maipagkakailang gwapo. Kaibigan sya ni Kris, I saw him na dumalaw sa bahay ni Kris.

"King." Bati naman ni Kris. Ah yes. King nga ang pangalan nya. I look at him, he looks so manly. Beside him is a model-looking girl. What do I expect?

Napatingin naman saakin yung King at kumindat pagkatapos ay tumingin ulit kay Kris. "Dude, bumalik na pala si Steph? She looks so much more matured now. Hot." Narinig ko namang tumawa si King. Umupo siya with the girl sa tapat namin habang nagpi-flirtan.

Steph? Teka-- Kapangalan ko?

"Tss. I dont care about her." Sabi lang ni Kris. Sinong Steph kaya yun? Hm? Parang ang bitter ni Kris eh.

Maya-maya lang ay naglabas ng sigarliyo yung King at inalok si Kris na sya namang tinaggap nito.

Maya-maya ay may dumating na isa pang girl na mas maikli ang suot na parang kagagaling lang sa higaan, gulo gulo ang buhok pero hot parin at lumapit kay King at.. at.. SINAMPAL!?

Pumilantik ang kamay nya at narinig ko ang lakas ng pagtama ng kamay nya sa pisngi ni Kimg. Ang lakas ng sampal nya!

"That's for leaving me Mr. Sinclair!!" At umalis na yung babae. Ang akala ko ay magagalit si King at magkakaroon ng away.

Pagtingin ko kay Kris natatawa lang sya at nakatingin sa babae-- Sa legs nung babae habang papaalis! OMG! Pervert!

"That's hot," Natatawang sabi ni Kris. Bigla akong nakaramdam ng inis. Ah-- Ewan! Naiinis siguro ako kasi ang tagal naming umuwi!

"Well, she's good in bed." Umiling lang si King habang hinihimas ang pisngi nyang namumula. Parang sanay na sya sa mga sampal na natatanggap nya. "Too bad, I didn't like how she moaned." Humalakhak sya.

"Dude!" May tumawag kay Kris at King.

Tumango lang sila Kris.

"Haha! Kilala mo ba si Ella? Yung hot model na kaklase natin before?" Natatawang sabi nung King.

Kumunot lang ano noo ni Kris bilang sagot.

"Well, ang alam ko nagkita sila ngayon. Alam mo na yung kasunod nun." Pilyong sabi ni King. "Ella.." Bulong nya na parang inaalala si Ella sa bawat sulok ng maberdeng nyang utak.

Tumango tango si Kris. "Yung baliw na baliw kay Ethan?"

Nagtagal ang kwentuhan nila. Puro tungkol sa mga babae. At hello? May kasama po silang babae. At yung kasama nga pala ni King ay si Erica, She's beautiful, kaso tuwing nagkakatinginan kami, hindi lang sya namamansin, SNOB. Well, mukha naman talaga syang mataray.

Maya-maya ay tumayo si King at nagpaalam. "So alis na kami, may pupuntahan pa kami." Tumingin sya saakin at kumindat ulit. "See you around."

Tahimik lang kami ni Kris habang naniningin-ningin, nagulat ako ng tignan nya ako.

"May sasabihin ka ba?"

EH? Huh?

"W-wala.. meron ba dapat?" Takang tanong ko.

Tumango-tango lang sya na parang, wala yun.

"Stephanie, yung about sa.." Hindi nya naituloy ang sasabihin nya dahil meron na namang sumingit.

"HI KRIS!!!" Bati sakanya ng isang girly at may matinis na boses ng isang babae.

"Steph?" Medyo nagulat pa sya, pero mukha din naman syang naiinis, sabagay, lagi naman syang mukhang naiinis.

"YEAH! Hindi mo ba ko namiss?"

Oo, maganda sya, maliit lang sya saakin ng kaunti. She looks like a high school girl o dahil cute lang sya? Meron syang mahabang straight na buhok at maputing balat, mas maputi pa kay Kris at sakin. Sino ba sya?

Nagulat ako ng bigla nyang niyakap si Kris, at hinalikan sa Pisnge. "Sa bahay mo muna ako magi-stay... Pleaaase?"

Sht. Ang Flirt nya eh. Nakakainis. Okay. Sya na nga sexy. Ang laki ng hinaharap nya eh.

Agad din namang tinulak ni Kris yung Steph. Ngayon lang ako naging thankful na hindi sya gentle when it comes to girls. Lumayo naman yung Steph sa kanya, at napatingin saakin. Ngayon mo lang ako napansin?

"Sino sya?" Tanong nya. Nakakainis ang pagtatanong nya.

"She's Stephanie."

"Eh? Kapangalan ko?"

"Yeah." Sagot ni Kris.

"Paano yun? Tska ano mo sya?" Para syang bata, batang flirt. Ka-asar.

"A friend. Call her Mae, second name nya." Parang bigla akong nainis. Kasi kanina lang pinakilala nya akong girlfriend tapos may nakita lang syang mas maganda 'A friend?' na ako? Wow! At Mae? Nakakaasar! Feeling ko lang naapakan ako eh! Ayoko ng tinatawag na Mae! Tapos sya tatawagin kong Steph? Ah Ewan! Hindi ko alam kung bakit naiinis ako ng sobra. Bakit ako ang magaadjust?

"Lets go Steph." Sabi lang ni Kris.

At sa sinabi nyang yun, hindi ko alam kung sino ba talaga inaaya nya. Bago ko pa malaman, kumapit ng parang linta yung Steph kay Kris at ako?-- ako naiwan dito sa likod nila! Gustong gusto ko syang sabunutan!

At si KRIS? Ayun nagpatangay dun sa Steph na yun! Urgh! Feeling ko tuloy naging etchapwera ako e! Lumingon saakin yung Steph at nainis ako sa sinabi nya.

"Hey! Mae! Lets go na!"

Hello! Tinangay nya si Kris tapos papasunudin nya ako sa kanila! At-- Tinawag nya akong Mae?! ASAR! Hindi ko naman hate ang pangalang Mae eh! Pero kasi ang sakit sa ego na sa kanya napunta yung Steph na nickname ko naman talaga! Ah EWAN!

"You know what Mae? You look familiar." Ngumiti sya saakin, pero ewan. Naiinis talaga ako sa kanya. Ang plastic ng ngiti nya? Plastic nga ba o feeling ko lang?

Stephanie, The Devil's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon