Maya-maya lang ay may lumapit saming servant, tinuro nya kung saan kami uupo. Nung naihatid na kami sa table, may nakaupong apat na lalaki, mga nasa early 40's sila. Mga mukhang matataas na tao.

Mukang magiging sobrang boring ng araw na ito. Kung bakit kasi kailangan pa akong isama dito ni Kris. Nabababaan na naman tuloy ako sa sarili ko...

Hinila ni Kris ang upuan at pinaupo ako dun, si Kris ba talaga ang kasama ko? Bakit bigla ata syang naging gentle? Hmm? Oh pakitang tao sa iba?

"Dad." Narinig kong nagsalita si Kris habang nakatingin sa kasama namin sa table na may kausap. Sya ba ang daddy nya?! Medyo hawig sila! Ang gwapo din ng dad nya!

Nakita ko ang mumunting ngisi ni Kris sa ama nya. Napatingin naman saakin ang daddy nya. Parang natigilan. Teka, parang nakita ko na sya dati ah?

"Kris." Masamang tingin ang binigay ng dad nya kay Kris, parang may tensyon? Yung mga kausap naman ng daddy ni Kris ay umalis muna at binati ang iba pang dumadating.

"Dad, I want you to meet Stephanie Mae Sanchez." Biglang lumabas ang malademonyong ngiti ni Kris at pinagpatuloy ang sinasabi. "My girlfriend."

Nagulat ako sa mga pinagsasabi ni Kris, baliw ba sya? Hindi ako komportable sa sinasabi nya, pero I guess I have to deal with it since wala naman akong kakilala dito.

"Alam kong alam mo na--" Hindi na naituloy ng ama ni Kris ang sasabihin.

"Oo alam ko." Sabi lang ni Kris kasama ang ngisi na kanina pa nakalabas.

Huminga lang ng malalim ang ama nya at tumingin kung saan. Hindi ako makatiis, bakit ganun? Bakit iba ang tingin ni Kris sa ama nya? Oo may galit sya sa ama nya, dahil yung about sa mom nya, yung kniwento saakin ni manang. Pero iba eh. May something. Dahil hindi ko na nakayanan ang katahimikan..

"Uhm, washroom lang ako sandali Kris." Napatingin naman saakin ang dad nya. "Alis lang po ako." Magalang na sabi ko, tipid na ngumiti sya saakin. Alam kong may gustong sabihin yung dad nya kay Kris, hindi lang masabi dahil nandoon ako.

Habang papunta ako sa washroom, kung ano-ano na lang ang naririnig ko.

"Nandito silang Apat?!" Tili ng isang babae. Hindi naman ganun kalakas pero kasi, ipit yung boses nya.

"Yeah! Nakita ko nga si Stanley-mah-loves eh!"

"Right! Nakita ko nga si Kris! Kaso may kasamang babae?" Sabi nung isa pa.

"Oonga eh, balita ko dala nya e! kasama talaga nya sa party?"

Pagpasok ko ng CR, Isang mahabang salamin at mga babaeng nag-reretouch, nag-memake up. Nag CR lang ako at naglagay ng powder at lumabas na.

Naningin ningin lang ako, may kakilala kaya ako? Pero nagulat ako kasi..

Jeez! Bakit sya naandito?!

"Here! Max!" Tawag ng isang babae sa kanya. Lumapit naman sya doon. Pakiramdam ko ay parang nanikip ang puso ko nung nakita ko sila nag beso-beso. Damn!

Pero--teka?! Bakit ba sya naandito!? Patay ako kung makikita nya ako!

Urgh! Is Tito Lucio here as well?! Asar! His other relatives that I know might be here too. The world suddenly felt so small.

Kinakabahan talaga ako! Paano kung makita nya ako? Paano kung malaman nya kung sino ang kasama ko? SHT!! Hindi dapat nya malaman na nandito ako! Tama! Malaki ang place, hindi naman siguro nya ako makikita. Sana.

"You can't do that Kris. Tigilan mo na. Matagal nang tapos yan." Rinig kong sabi ng dad ni Kris. Papalapit palang ako sa kanila. Malumanay ang boses nya pero halatang nagbabanta.

Stephanie, The Devil's SlaveWhere stories live. Discover now