Pinagmamalaki ako ng aking mga magulang dahil bukod sa gwapo ang kanilang anak eh, salutatorian lang naman ang lalaking ito. Ha! Yabang no? Nasa lahi na rin naming mga Reyes iyan. Matatalino.
Mas matalino sa akin ang aking kapatid na si Khyle dahil Valedictorian siya noong elementary at straight ang pagka first niya simula Kinder siya hanggang noong 3rd year siya.
Ako rin ang Mr. Campus Simula grade 7 hanggang grade 10. Gwapo ko kasi eh. Ngayon, ang kapatid ko nang si Khyle, nagmana sa kuya eh.
Pagkatapos kumain ay pumunta muna ako sa garden na alagang-alaga ni mama. Super hilig talaga ni mama sa halaman na dumating na sa point na hanggang sa loob ng bahay, sa banyo, sa kwarto nila ay mayroong halaman.
Napaisip ako bigla. Ano kayang magiging ugali ng bago naming mga kaibigan. Sana meron paring mga palatawa, mga joker, mga anak ni rizal, mga good-lookings, at mga gangster ang style ng mga bago naming kaibigan. Ganun kasi yung tropa naming dati. Halos gala nga kami ng gala noon eh.
Siyempre isa ako sa mga good-lookings kasama si Ford na may angking gwapo din. Napakayabang nga kaso.
Nakita ko yung mga roses. Dito ko kinuha yung mga ibinigay dati sa ex-girlfriend kong si Julia. Ngayon nga ay miss na miss ko na siya at sana balang araw ay magkita pa rin kami.
Pagkatapos kong maggpahangin ay pumasok na ako sa bahay. Nakita ko pa si Khyle na busy sa report niya sa laptop niya.
Umakyat na ako at naisipan ko munang matulog total wala pa rin akong masyadong ginagawa. Pagpasok pa lang ng kwaro ay sumalampak na ako sa kama ko na walang kasing lambot. Pagpikit pa lang ng mata ko ay nakatulog na ako agad.
---
Nagising ako sa katok sa pinto ng kwarto ko. Tiningnan ko ang ors sa phone ko. 8: 37 pm na pala. Tagal ko nakatulog ah.
Bumangon na ako at tumayo. Lumapit ako sa pinto at binuksan ito. Bumungad sa aking harapan si mama.
"Kakain na tayo anak. Halika na!" sabi nito sa akin. Agad ko naman itong sinunod. Tinungo naming ang dining area kung saan naghahapunan si papa at si Khyle.
"Tagal ng tulog mo kuya!" agad na sabi sa akin ni Khyle habang kumakain. "Oo nga eh. 'Di ko namalayan yung oras." Sagot ko naman ditto.
"Anak tapos mo na bang ligptin yung mga gamit o bukas?" tanong ni mama.
"Opo ma. Kanina pa po." Magalang ko namang sagot. "Magingat ka doon anak ah! Huwag mong kalilimutang dalawin kami dito pag may time ka" tumulo ang luha ni mama habang sinsabi niya iyon.
"Ma, hindi pa nga ako nakakaalis eh umiiyak na agad kayo" sabi ko naman. "Eh kasi naman eh aalis ka na." sabi nya habang nagpupunas ng luha.
Ganyan talaga si mama mababaw ang luha. Kaya pag may umaalis eh umiiyak agad. Nung pumunta ngang Singapore si papa dati eh halos hindi sya makakain.
"Heavy drama nanaman kayo diyan. Sige kumain na tayo." Sabi naman ni papa habang pinipigilan ang tawa. Pati si Khyle eh tumatawa na rin kaya napatawa narin ako. Si mama naman eh naiinis na sa amin.
---
"Anak magiingat ha!" bilin ni mama sa akin habang inilalagay ko ang aking mga gamit sa compartment ng bus.
"Hindi ko naman poi yon nakakalimutan ma. Kayo rin po ha! Always stay safe." Sabi ko naman. Tinapos ko naman ang paglalagay ng mga gamit ko sa compartment ng bus.
Aalis na kasi ako eh. Pupunta na akong Manila. Kailangan ko pa kasi humabol sa enrolment sa school na papasukan ko.
Nagsabi ang kundoktor ng bus na aalis na raw ito kaya nagmadali na akong nagpaalam kina mama at papa pati kay Khyle.
Umakyat na ako sa bus at umupo sa pinakadulong bahagi. Hinintay ko nang umalis ang bus. Pagkaandar nito ay nagfacebook muna ako. Free wifi kasi ang bus. Air conditioned eh.
Tiningnan ko ang ibang status ng friends ko. Meron ding mga nag friend requests kaya inaccept ko muna ito. May ilan ring nagmemessage sa akin kung saan ako nag aaral. Hindi koi to sinagot. Ayo ko ngang iistalk ng mga fans ko.
Nasa ganun akong kalagayan ng may umupo sa tabi ko. Two seater kasi ang inupuan ko pero ditto sa bandang likod. Hindi ko naming pinansin ang taong tumabi sa akin pero alam kong lalaki siya.
Narinig kong nagsalita ito ng mga kung anu-anong bagay. Hindi ko naman ito binigyang pansin bagkus sinalpak ko na lang ang earphones ko sa aking tenga para hindi na ito mapansin.
Naglagout muna ako sa aking facebook account saka pinasok sa aking bulsa ang aking cellphone. Pinikit ko ang mga mata ko at sinimulang matulog.
Nagising ako ng nakastop ang bus. Pagtingin ko sa labas ay nakastopover pala ito. Wala na rin sa tabi ko ang katabi ko na sadya namang napakdaldal.
Feeling ko sasabog na ang pantog ko kaya naman naisipan kong tumayo na at pumunta na sa CR. Tiningnan ko muna yung time bago umalis. 11:27 na pala ng tanghali.
Tatayo na sana ako ngunit nabunggo ko ang isang taong may dala-dalang juice. At pag dinapuan ka nga naman ng malas oh! Natapon sa akin yung juice! Sa damit ko pa!
Pagtingin ko sa taong iyon ay yung katabi kong napakadaldal. Lahat ng dugo ko napunta sa ulo ko. Nagiinit ako naiinis talaga ako at napahiya pa.
"Hoy! Tingnan mo nga ginawa mo! Natapunan na tuloy ako ng juice na dala mo! Tatanga tanga kasing maglalakad eh!" bulyaw ko sa kanya.
"Aba't ako pa ang may kasalanan ngayon ha! Eh ikaw nga diyan ang hindi nagiingat eh. Tatayo na nga lang eh alam niyang may tao. Bobo kasi eh!" sigaw naman nito sa akin.
Nagiinit na naman ako. Nagtangis ang aking mga bagang. Naikuyom ko ang aking mga palad. Tiningnan ko lang ito ng masama bago nagsalita.
"Tarantado ka ah!" ang sabi ko sa kanya. Tinapunan ko siya ng isang napakalakas na suntok galing sa kamao ko.
Napaupo siya. Dumudugo na ang labi niya ngunit gumanti rin ito. Sinikmuraan niya ako. Grabe! Nanigas tiyan ko don ah!
Pero hindi pwede hindi dapat ako magpatalo sa kanya. Nakaagaw na kami ng mga atensyon ng kapwa pasahero ngunit ang nagtangka lang na lumapit sa amin ay ang kunduktor.
"Hoy kayong dalawa ha! Pag hindi kayo tumigil, pabababain ko kayo ditto!" galit na sigaw sa amin ng kundoktor. Wala na kaming nagawa kundi ang sumunod.
Humiwalay ako ng upuan sa kanya. Ayokong makatabi ang isang iyon. Basing basa pa rin ang damit ko kaya kumuha na lang ako ng T-shirt sa bag ko at isinuot ito. Naiinis talaga ako kaya ang ginawa ko ay natulog na lang.
--------------
Hey hey hey! Thanks sa mga nagbabasa! woohh...clap clap!
Yung nasa multimedia po si Zarex...
ESTÁS LEYENDO
It Started In The Bus [BoyXBoy] (Updating)
HumorAng buhay ng tao ay parang byahe sa bus. Minsan payapa ang byahe, minsan may nadadaanang lubak, minsan may sumasakay sa iyong byahe, minsan may papara pero di naman pala tutuloy, minsan nasisiraan at kailangang ayusin sa daan, minsan kailangang mags...
1: Simula
Comenzar desde el principio
![It Started In The Bus [BoyXBoy] (Updating)](https://img.wattpad.com/cover/62201390-64-k434597.jpg)