Chapter 13

2.2K 97 20
                                    

Chapter 13

PAPASOK sana si Marina sa opisina nila nang marinig niya ang dalawang boses na nag-uusap sa loob kaya napahawak siya sa doorknob, hindi niya makita pero pamilyar sa kanya ang boses na iyon, nakaawang at nakatigil siya sa loob tama lang na marinig niya kung anong pinag-uusapan sa dalawa. 

“It’s because of this tatapusin mo na ang relasyon natin? Paano naman ako? I’m always here for you, wag naman sa ganito…”

“Hindi na tama ‘tong relasyon natin, napapagod na rin ako marami akong inaasikaso at hindi ko na maasikaso ang relasyon natin.”

“Maghihintay ako, Hendrix, maghihintay ako pero wag naman sa ganito.”

“No, I don’t need you to wait, Catherine, in the first place tama naman ang sabi nila na ginagamit lang kita for fame sa campus. Hindi mo ba nahahalata?”

“Hindi ako naniniwala sayo.”

“Get out, Catherine, umalis ka na at marami pa akong gagawin.”

Almost mag-two years na ang relasyon nila Hendrix at ang kasintahan nitong si Catherine na isang tourism students. Hindi akalain ni Rina na hahantong sa ganito ang relasyon ng dalawa, almost favorite couple at hinahangaan ng lahat lalo na kung gaano ka-perfect ang pagsasama nila. Hindi akalain ni Rina na siya pa ang unang makakaalam sa tabi ng mga kakilala nito, hindi rin naman niya sinasadyang makinig sa dalawa.

Isang katahimikan sa dalawa mula sa loob, mabilis na nagtago si Amber para hindi siya mahalata. Nakita ni Rina na luhaang lumabas si Catherine at pinupunasan ang pisngi nito na nagmamadaling umalis sa department building nila.

Nagmadali naman si Marina na pumasok sa loob ng silid, at bahagya pa siyang nagulat nang makitang parang wala lang kay Hendrix ang lahat at abala sa pagtipa sa keyboard ng laptop nito pero halata sa mga mata nito na namumula, nagpipigil ng luha.

Nagkunwari na lamang si Rina na abala rin siya at wala siyang alam sa nangyari. “Good morning, Hendrix, may meeting ba tayo mamaya?”

Isang linggo na rin ang nakalipas at nag-aasikaso pa rin si Hendrix sa mga kailangan nito sa ama niyang nakakulong, hindi alam ni Rina kung kailan mag-uumpisa ang trial ang palagi lang niyang naririnig sa ama ay nagpapahinga pa raw si Filan bago sumabak sa first trial. Kaya alam ng ama ni Rina na abala rin ito sa kaso para matulungan ang mag-ama.

Hindi sumagot ang binata kaya hinayaan na lamang ito ni Rina at lumabas ng silid. Naiisip ni Rina na kailangan mapag-isa ang binata, malalim din ang pinaghuhugutan sa dami ng mga problema nagpatong-patong sa pamilya nila.

IN the next day, nagulat na lamang si Marina sa balitang biglang nagpatawag ng unang trial ang mga Sanchez.  Doon napagtanto ni Rina na nag-adjust ang lahat sa mga Sanchez, isang privilege na malakas sila na siyang kinaiinisan niya sa mga ito. Dahil alam ni Rina na free siya sa araw na iyon, bilang support sa kaibigan at pamilya nito sumama siya sa kanyang ama para manood, kung anong magiging resulta at kung anong mangyayari.

Bago pa man sila makapasok sa trial court hindi inaasahan ni Rina na makakasalubong nila ang pamilya Sanchez. Hindi na itago ni Rina ang gulat niya lalo na nang makita si Filan na nakatingin sa kanya gamit ang walang emosyong mga mata nito, pansin niya nong huli nilang pagkikita na okay na ito.

Bumati ang ama ni Rina sa pamilya ng mga Sanchez lalo na sa mayor na ama ni Filan, alam ni Marina na pagkukunwari lang naman ang mga ito at pakitang tao lalo na’t maraming media sa paligid nila. Naunang pumasok ang pamilya ni Filan saka sumunod sila Marina at ang kanyang ama.

Sa loob ng korte, nasa kaliwa sila Rina at nasa kanang parte naman sila Filan. Tahimik lang sa tabi ni Rina si Hendrix at ang ama nito. Hindi maintindihan ni Rina ang ibang terminologies nang mag-umpisa na, isa-isa nilabas ang mga ebidensya hanggang sa tumayo si Filan sa loob ng maliit na cubicle para magsalita.

Pagkatapos manumpa ni Filan bigla na lang itong nagsalita na kinagulat ng lahat. “He’s not guilty, your honor…”

Pati ang ama ni Filan ay nabigla sa narinig mula sa anak, namimilog ang mga mata ni Marina habang nakatingin kay Filan nagtataka kung anong nasa isip nito habang bumibilis ang pagtibok ng puso niya, iniisip kung saan patutungo ang mangyayari sa korte.

“Honestly speaking, may sariling investigation din kami ayon sa CCTV hindi si Mr. Reyes ang bumaril sa akin kundi ang hindi pa nakikilalang lalaki na bigla na lang sumali sa rally nong gabi na iyon sa harap ng bahay namin. Matagal bago ako nagsalita lalo na’t kailangan mag-undergo sa security ng pamilya namin at masigurong ligtas akong magsasalita rito,” lumingon si Filan sa puwesto ng mangiyak-ngiyak na mag-amang sila Hendrix.

“I want to tell sorry sa pamilyang nadamay at na prolong pa ang investigation, but I rest assured na makakalaya na po kayo. Tutulungan din po kayo ng pamilya namin sa pagdamay sa nangyari, gusto ko pong humingi ng tawad,” saka tumayo si Filan at yumuko sa direksyon nila Hendrix habang naka-bow bilang ipakita ang sincerity nito.

Gulat na gulat pa rin ang mayor at ang attorney na kinuha ng pamilya Sanchez dahil hindi ito ang pinag-usapan nila ng ilang araw.

Hindi maiwasang mapangiti si Marina, in other side may ibang ugali si Filan na hindi niya nakuha sa ama niya na siyang kina-proud naman. Nagpalakpakan ang side ng ama ni Marina at walang kahirap-hirap na natapos ang kaso.

*

Walang emosyon na pumasok ng kotse si Filan habang galit na galit na sumunod ang ama niya sa kanya.

“What did you sa loob ay isang kahihiyan sa pamilya natin? Anong bang nasa isip mo ng mga oras na iyon? Hindi ito ang napag-usapan natin.”

Filan is tired of everything na sasabihin sa kanya ng ama niya, alam ng ama niya na walang kasalanan sa nangyari ang pamilya ni Hendrix pero gustong ipagduldulan na may kasalanan ito sa pagbaril sa kanya dahil hindi nila malaman at mahanap kung sino ang totoong saralin. Naisip na lang niya na baka isa ito sa mga kalaban sa politika ng ama niya lalo na’t balak nitong lumaban sa pagka gobernador ng probinsya sa susunod na eleksyon.

“Ano bang nagpipigil sayo para sundin ang sinabi ko sayo?”

“Nothing, I just tired of this, gusto ko na rin na walang isipin bago ako bumalik sa trabaho.”

“Pinahiya mo ang pamilya natin, Filan.”

Humarap siya sa kanyang ama. “No, I didn’t, I just want to clear things up.”

Muli siyang napasilip sa bintana nakita niya sa labas kung gaano kasaya si Marina habang kausap nito ang ama papasok sa kotseng nakaparada sa malayo, all of a sudden he feel contented kung anong nagawa niyang desisyon sa araw na iyon and the way Marina smile at him.

“Hindi ko alam, Filan, kung anak pa ba kita. Unti-unti kang nagbabago.”

Dangerous LoveWhere stories live. Discover now