Chapter 7: Start of A New Day

43 2 2
                                    

Chapter 7: Start Of A New Day

- - Jennifer's P.O.V - -

Another day... but a new day for me. Kung panaginip man 'to? Gugustuhin ko na lang magising. Para sana hindi ako nasasaktan.

I already suffered to much, hindi pa ba sapat 'yun? At para saan ang lahat na 'to? May naging kasalanan ba ako?

I'm on my way to their condominium. Doon na raw muna sila magpa-practice since my dance practice room naman 'yung condo nila. Hihitayin pa kasi nila ang pag-uwi ni Luis from hospital and Goo was assigned para sunduin siya kasama si Jin.

Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin sa pangalawang pagkakataon. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ngayon.

Jayson called me this morning, and nasabi niya na act naturally lang daw ako para walang mapansin si LuHan. Well he's right, wala rin namang mangyayari kung magpapa-apekto ako hindi ba?

Last night? I was really thankful to Jayson for being their at my side. Hindi ko inaasahan 'yun. Ibang-iba siya sa Jayson na nakilala ko, hindi siya 'yung Jayson na muntik na akong pasukuin sa pagiging manager nila. It's a different side of him. At nakita ko 'yun.

Kakarating ko lang rito sa Condominium nila, pinagbuksan din naman agad ako ng pintuan ni Kai.

Buti nga at hindi niya ako hinarang eh.

Nag-deretso kami sa Dining area kung saan doon ko nakita ang Forbidden.

"Good morning Miss Jennifer!" Masiglang bati sa akin ni Jake.

"Good morning everyone!"

"Come on, Eat with us." Saad naman ni Jayson na nakatingin ng deretso sa pagkain niya.

Bahagya akong napangiti bago lumakad papalapit doon sa bakanteng upuan. To be specific, pinagitnaan ni Kai at Jayson.

Lahat sila nakatingin sa akin na akala mo inuusisa ako.

"잠깐만... (Wait...) Did you cry?" Tanong sa akin ni Goo which is katapat ko lang.

Teka... Pansin ba??

"아-아니! (N-no!) I just slept late last night, that's why." I explained.

Tumango lang si Goo bago muling ibalik ang paningin sa pagkain. Mukha namang kuntento na siya roon.

Napansin kong nakatingin sa akin si Jayson kaya hindi ko maiwasang tingnan rin siya.

Nginitian niya ako bahagya bago ibinalik ang pansin sa pagkain.

That gives me shivers.

----------

Kakatapos lang naming kumain, at halos lahat kami, nandito sa sala. Nagpapababa ng kinain.

Wala kasi si Jayson at Kai dito. Sabi ni Jayson, may kukunin lang. Si Kai naman hindi nasabi kung saan pumunta.

Habang abala ang ibang members sa panunuod ng comedy ay naramdaman kong may humawak sa balikat ko kaya nilingon ko iyon.

Si Jayson lang pala... may hawak na mga papel.

Nag-gesture siya na 'tara..' kaya agad naman akong tumayo at sumunod sa kaniya.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta at kung bakit niya ako pinapasama, basta sumunod lang ako.

Umakyat lang kami ng umakyat hanggang sa may binuksan siyang pintuan.

Sumunod lang ako sa pagpasok sa kaniya. Bakanteng lugar 'yung pinuntahan namin, wala pang kapintu-pintura.

Bakit ba kami nandito?

Reaching You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon