CHAPTER 4: RED ALERT

2.1K 62 11
                                    

Jaja's Note: Hi! Jaja here! We revised everything here.. So enjoy!

<Jaimie's POV>

Masunuring bata naman sya... kaso ang sungit! kung wala lang yang kontrata na yan, edi sana nasisigawan ko din sya! I love war between us you know!

"Hoy, Jaimie! ano? tutunganga ka nalang diyan? Ayaw mo pumunta sa canteen? Sige bahala ka.. Kakain na ako.."

"Sige! maging ganyan ka FAKE-Boyfriend! Baka nakakalimutan mo na yung kontratang pinirmahan mo?!"

"Bagal bagal kasi!"

"Dami mong alam! Tara na nga!" Nauna akong maglakad sa kanya...

[cafeteria..]

"Anong bibilhin mo?"

"Natural pagkain! Alanganaman MARTILYO AT PAKO ANG BILHIN KO DITO!?"

"Okay sige try mo kung makakabili ka nun dito! Hay naku! Natural pagkain ang tinatanong ko! Nasa CAFETERIA tayo right?!"

"Psh! Anong gusto mo?"

"Kahit ano basta makakain."

"Psh!"

Edi ayun, bumili sya ng spaghetti.. Pareho kami..

Magkaharap kaming kumain. Actually, hindi na kami siguro mahihirapan sa setting na to kasi diba nga, ang alam sa buong campus eh kami? So hindi na talaga kami mahihirapan..

Napatingin ako kay Hiro.

...


Bakit feeling ko habang kumakain sya, para syang model ng spaghetti? O.O Erase erase! Ano ba yan Jaimie! Kadiri ka!

Eh kasi naman! Ang gwapo netong lalaking to!

Dugdug. Dugdug.

VAS HAPPENIN' TO ME?!

But in all seriousness, legit, gwapo talaga sya. I mean, hindi naman nakakapagtaka yun dito sa school na to pero DUH, para mapansin ko yung kagwapuhan nya? Well that's something. And first time ko kasi tong maka face-to-face. As in table lang ang namamagitan samin. At pakinhel, oo na. Fine. Gwapo na. 🙄🙄🙄

"Why are you staring at me? May dumi ba ko sa mukha?" Nabalik lang ako sa wisho ko nung nagsalita sya...

"A-aah.. Wala... Thanks nga pala at pumayag ka dun sa contract."

"Tss.. Pasalamat ka may mabait akong puso!"

ALAM MO YUN?! OKAY NA EH! NAGYABANG NANAMAN EH!

"Alam mo pwede namang hindi magyabang kahit sandali lang eh!"

"Haha! Ang cute ko talaga!" then inurot nya yung pisngi ko!

"YABANG! Ewan ko sayo! hmmppff." Then tumayo na ako at umalis na sa pwesto namin.. Walk out! Aba! Sobra na sya!

"Babe!" tapos bigla syang umakbay sa akin. Pagtingin ko sa kaliwa ko,

"MEDYO MAKAPAL PO TAYO! Hoy!! Bakit mo ako inaakbayan haaa?! Siguro talagang may gusto ka sa akin noh?! Kapal mo!! Barbero ka!! Akala ko ba hindi mo magugustuhan ang mga kagaya ko?"

"Medyo mas makapal po tayo! Ako magkakagusto sayo?! Spell ASA?" Pabulong nyang sabi sakin.

"Eh ano tawag mo diyan? Nakaakbay ka nga ohh.. "

"Gusto mo ba talaga malaman kung bakit kita inakbayan?"

"Jaimie, may flag ng Japan yang palda mo!"

Japan flag?

O.O

RED ALERT! RED ALERT! RED ALERT!

Oh lupa, kainin mo na ako! utang na loob! Ohmygulaaaaaaaaaay?! Why is this happenning to me? Nakakahiya men!! >____________< Lalaki pa nakakita niyan ah.. at ang matindi, si Hiro pa.. Gosh!! =_______=

"W-What?"

Halos lahat ng dugo ko, umakyat sa ulo ko sa sobrang hiya.. O////////////O Kung pwede lang kainin na ako ng lupa, ngayon na please kumunoy nasaan ka? Kainin mo na ako.. Ajujuju.. Bakit dito pa nangyare.. =_____=

"So ngayon, wag po tayong makapal at baka mas lalong kumapal yang red dots! Sa susunod kasi wag kang mag-susuot ng flag ng ibat ibang bansa! lalo na ang flag ng Japan!" habang sinasabi niya yun eh, nakaakbay parin talaga siya sa akin.. ang itsura namin ay parang siya na nasa likod ko ng konti para matakpan yung Red ko sa palda ko, then nakaakbay siya sa akin..

"So ganto yung gagawin mo... Nabasa mo na yung 'Ang Boyfriend Kong Artista' ni ModernongMariaClara?"

"OH MY G! Nagbabasa ka ng Love Stories!?" I Cant believe It!

"Pakshet Jaimie! Bahala ka nga jan!" Akmang bibitawan nya ako pero hinila ko yung kamay nya at iniakbay ng mas mahigpit sa akin..

"Oo na! Sorry! Nagbabasa ako! Yun ba yung may tagos si Eya? Tapos kunwari ikaw si Bryan! Tapos mahihimatay ako kunwari at dadalhin mo ako sa clinic?"

"Exactly.. So Are you ready?"

"Oo na.." Yan nalang nasabi ko.. Remember, walang arte-arte ngayon.. I'm in emergency!.. So this is me swallowing my pride.. >___________<

"One

Two

Three!"

<Hiro's POV>

"One, Two, Three!"

*Booogshh!*

Bigala siyang nahimatay.. Hahaha! Magaling din na actress itong si Jaimie noh?

So yun na, nung pagkahimatay niya, binuhat ko na siya.. Yung pang bridal style.. Tinignan ko yung mukha ni Jaimie.. Aba.. Talagang halata mong walang malay.. hahaha..

Dinala ko siya sa Clinic.. Bahala na siya mag-reason dun noh.. Binuhat ko na nga siya ng pagkabigat-bigat tapos hanggang clinic ako parin?! Swerte niya noh!

"Ah Ma'am, ano po---"

Hindi ko na natuloy yung sinabi ko.. Bigal ba namang tumayo? Srsly? Baka isipin ng Nurse dito na nag-jojoke jokan lang kami..

Aishhhh! Pero bahala na siya diyan.. Wala na akong paki..

"Ma'am, ano po kasi.. May, ano.. Uhh.."

"May Tagos po siya.." Inunahan ko na.. Bagal eh.. "

*WAPPPAAAKK!!!*

Sinapak ba naman ako bigla?!

"Be careful with what you're saying! Nakakahiya kaya!"

"psh! Ang arte! Dun din naman yun hahantong!"

"Ang sweet nyong mag-on. hay naku... Sorry ah, wala kasi akong extra napkin dito eh.. Magpabili ka na lang dyan sa bf mo.." Oo nga naman par--- WHAT THE FUCK???!!!! SERIOUSLY?!!! GODDAMNIT! SHIT! AYOKO NGA!!!

"Hiro.. Babe.."

Waaaa? Wag niya sabihin pabibilhin niya talaga ako? Luuuuuuh?! ASA! Lalaki ako tapos ako pabibilhin niya?! No Way!! Ginawa ko na ang part ko!! And this time, masyado na siyang sumusobra...

"No!!"

"Babe, Please?"

"I said No!!" *cross arms*

"Please? ano bang gusto mong kapalit? Please, ngayon lang please?"

Kapalit daw..

"Kahit ano?"

"Oo promise.."

I have a good idea..

It Started When She Called Me 'BABE'Where stories live. Discover now