Author's note:
Grabe ilang months bago ko mapost yung update hahahahaha. Wala ng patagal tagal. Eto na agad. Henjoyyyy.
-Handrough
--------
<Chester's POV>
*Krrriiiiiiiinnnnnnng*
"So don't forget your assignments next meeting. Class dismissed."
Finally, tapos na rin tong boring na class na to. Seriously, sinong nakaisip ng Trigonometry? Kukutusan ko lang pota. Pero legit, kanina pa ko nabo-bother sa gloomy ng aura ni Jaimie. I know na something's not right.
I wanna approach her.
"Jaimie!" With full smile sa mukha ko.
"Uy Ches. Ha-ha. Uhmmm. May class ka pa ba?"
"Uhhh, depende kung may class ka pa? Haha. I think we're in the same section?" Just tryna make a conversation here kasi feeling ko panis na laway nito.
"Ah! I'm sorry. I really need to rest na. Medyo hindi na rin maganda pakiramdam ko."
WTF. THERE. REALLY. IS. SOMETHING.
"Alright. Do you want me to send you home?"
"Ches, please. May boyfriend ako. And pinapunta ko na rin yung driver ko."
"I know. Wala naman akong balak agawin ka sa kanya. Just you know, I wanna show my dad na I'm following him."
"Huh?" Shookt. Yan yung best na pwedeng magdescribe sa kanya ngayon.
"Jaimie, listen." Lumapit ako para bumulong sa kanya.
"I know that someone is watching us. Just act normal, at kunwari natawa ka sa sinasabi ko. Please, I'll explain later." Sinunod naman nya yung sinabi ko. Tumawa naman sya.
"Haha! True!"
"Wait, alam ko na. Why don't we go somewhere na lang? I'll treat you na lang."
"uhh, I really need to go home na talaga. Saka gusto ko rin muna magpahinga."
"Alright. But please let me send you home na lang."
"Fine."
<Hiro's POV>
Nakapatong yung braso ko sa railings ng rooftop.
"Exact same spot nung una tayong nagkita." I know. At ngayon na lang ulit ako nakapunta dito. Ayokong ayokong pumupunta dito kasi si Kym ang lagi kong naaalala. This is the same spot na kung saan kami nagkakilala.
"I know."
"Will you listen to me?"
"I will. Pero sabi ko nga, don't expect something."
Ayoko na maalala. Sobrang ayoko na. Pero hindi ko alam kung bakit ko sya piangbigyan.
"Hiro..." Nagulat ako at naramdaman ko ang mahigpit nyang pagyakap sa akin habang ako'y nakatalikod.
"I still love you Hiro. I really do."
Tumayo ako ng derecho. Ayoko ng magpadala sa emotions ko. Magmamatigas na ako.
"Talaga?"
Tinanggal ko yung kamay nya sa pagkakayakap sa akin.
"Kym, 1 year. 1 FCKN YEAR! Isang taon akong naghintay, naghanap, tumawag, at kung anu-ano pa para lang makausap ulit kita. Pero ano? Ni isang hi or hello, wala man lang akong natanggap sayo."
"I'm sorry. I'm really really sorry."
"Puro sorry na lang? Ha? Pano naman ako? I tried my hardest para macontact ka, mahanap ka, pero hindi kita makita. Ni hindi ko alam kung anong gusto mong mangyari nung araw na huli tayong nagkita. Pano yung mga taong naghihintay? U-umaasa sa mga taong hindi nila alam kung kailan babalik ko kung babalik pa?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Opo. Naluha po ako.
"I don't even know kung bakit ako pumayag na makipag usap ulit sayo. I even hid it to my girlfriend para lang maging fair sayo. Pero ano? Instead na ikaw yung nag eexplain kung bakit hindi ka man lang nagparamdam, ako yung kumukuda dito dahil sorry lang ang nasabi mo sakin after a year!"
"Hiro... I'm so sorry..." Humahagulgol sya. Pero imbis na maawa ako, naiinis ako. Sobra.
"I'm outta here. I can't do this. We're done, okay? Please don't bother me. Masaya na ko sa girlfriend ko."
And I walked out the scene.
Habang pababa ako ng hagdan, pinupunasan ko yung mukha at luha sa mata ko. Guys legit. Ang sakit. Ang sakit na after ng isang taong walang paramdam, biglang pupunta dito. Kung kelan masaya na ko. Pota.
Puta. Saka anong bang sinasabi kong masaya? Kanina pa ko paulit ulit sa masaya ako sa girlfriend ko.
----
Naks. Legit yung Chapter 8. HAHAHAHA! See you sa next chapter!
YOU ARE READING
It Started When She Called Me 'BABE'
Teen FictionA cliche love story that will make you laugh, get annoyed, and will let you realize the real meaning of "The more you HATE, the more you LOVE." #LessThanThree
