Chap. 10 - Lost & Confused

11 0 0
                                    

- Keanston High School -

"Ugh-ugh..Ugh-ugh..(coughing).."

"Aish! Nasaan ba kasi ako?" naiinis na sabi ni Benedict sakanyang sarili habang lumilinga-linga sa kanyang paligid. Comfort room? Anong ginagawa ko dito?

Dahan-dahang tumayo si Benedict upang tumungo sa pintuan ng comfort room para buksan ito ngunit hindi niya ito mabuksan. It won't open, saisip niya.

*Tok! Tok! Tok!

"Hey! May tao ba dyan sa labas?" pasigaw na tanong nito ngunit tila walang tao sa labas. Patuloy lang siya sa kakakatok sa pintuan kasabay ang pagsisigaw at paghingi ng tulong.

 (Joshua's POV - Flashback)

“Sumunod ka na lang sakin, Josh.. Hindi siya mapapahamak. I assure you that.” Bulong sakin ni Glacy. She’s different now. Hindi na siya si Glacy na nagustuhan ko at yung minahal ko noon. But I have to choose now if gusto ko pang protektahan si Bidjie. Yes, I care for her. I want to protect her.

“Yung Bridgette pa kasi na yun ang pinili mo. Ikaw lang ang nagpapahirap sa sarili mo eh. And now, it’s your decision. She’s upstairs. Sa gym. Nakapag-usap na tayo sa plano. Hindi dapat makialam dito si Benedict. At kapag nalaman niya, sabit ka. It’s now up to you.” Sabay tapik niya sa balikat ko at nilagpasan lang ako. Kasama niya ang mga friends niyang malalandi. Sino pa ba. Yung ChisMax girls. Naimpluwensyahan na yata siya ng mga yun e.

Paakyat na sana ako ng stairs nang makita ko si Benedict. Lalapitan ko na sana siya para humingi ng advise kung matutulungan niya ako sa feelings ko for Bridgette nang bigla kong naalalang…

“Bro, lalapitan mo lang si Bidjie pag gusto mo ng love life pero hindi para SIYA ang syosyotain mo ha. I know you a lot. Kaya mo siyang saktan and as her bestfriend, ayokong masaktan siya.” Lokong advise niya sa akin. Pero nagbibiro lang naman siya nun hindi ba? At hindi ko kayang saktan si Bridgette. Masaktan na ako, wag lang siya. Naramdaman ko lang naman ito nung lagi kaming magkasama para lang mapasagot ko si Glacy noon.

I came back to my senses nang mapagtantong nagmamaktol si Benedict. Narinig kong may naiwan siya sa locker niya. So it means, papunta na din siya ng gym? Makikita niya ang gagawin ni Glacy ngayon. Kailangan ko siyang sundan at pigilan sa kung anumang malaman niya. Hindi niya dapat malamang kasabwat ako ni Glacy.

 Nagmamadali siyang umakyat sa stairs. Ganun din ako, pero hindi dapat ako magpahuling sinusundan ko siya. Nang makarating kami sa locker area, kinuha na niya sa loob ng locker niya ang bag nya. Nagtago ako sa malapad na pader dahil mukang pababa na siya ngunit nang napansin kong hindi pa siya bumababa, sumilip na ako’t napansing papasok na siya sa gym. Nakita kong bukas ang storage room ng sports department. Kinuha ko yung baseball bat at unti-unting lumapit kay Benedict.

Sorry, Benedict. Hinampas ko siya ng baseball bat at agad siyang nawalan ng malay. “Mangingialam pa kasi e. Bwisit.” Sabi ko nalang habang inaalalayan siyang makatayo at dinala ko siya sa loob ng comfort room malapit sa storage room. Samantalang ako naman, tumungo na ako sa kabilang storage room. Nandun na sina Glacy at hinihintay ako.

“Glad you’re here. She’s inside. Sige na pumasok ka na dyan. Masayang sabi sa akin ni Glacy.

“Do whatever you want. You want her right?” utos sa akin ni Glacy. “Rape her, much better.” Sabat naman ni Blake, yung isa sa mga Chismax Girls at nagtawanan silang apat. Agad din silang umalis sa paningin ko. Rape her? Disgusting. Hindi ko magagawa yun sakanya. Pero ito yung pagkakataon para mapasa akin si Bridgette, sabi ng utak ko. Pero mahal ko siya at ayoko siyang saktan, sabi naman ng puso ko. Kapag ginawa ko iyon, masasaktan ko si Bridgette, pati na din si Benedict. Hindi. Hindi ko kaya.

His Bridgette (On Hold)Where stories live. Discover now