Chapter 23:Edi Break na tayo!

329 12 0
                                    

Arianna's POV

"Bitawan mo ako!"sabi ko.

Hindi pa rin nya binitiwan ang kamay ko.

"Henry!diba sabi mo break na tayo!edi Break na tayo!"sabi ko.

"Joke lang!eto naman hindi mabiro"sabi nya

Aba loko to ah!kala nya ba lagi akong nakikipagbiruan? Sabi ko sa isip ko.

"Puro ka joke!joke!joke!joke!leche ka!"sabi ko.

"Im sorry"sabi nya.

Nawala na ang fireworks na kanina ay napaka ingay.

"Henry....hindi lahat ng joke nakakatuwa"sabi ko.

"Alam ko"sabi nya.

"Ano henry?break na ba tayo?"tanong ko.

"Ayokong maki pagbreak sa'yo"sabi ni henry.

"Nakakainis ka kasi ehhhh"sabi ko at tumalikod ako sa kanya.

"Wah ka ng magalit"sabi nya.

"Hindi na ako galit"pataray kong sabi.

Hinarap nya ako at niyakap.

Saktong pag yakap nya nag karoon ng fireworks ulit.

"Sorry"sabi nya at mas lalo nyang hinigpitan ang yakap nya.

Unti unting nawawala ang galit ko sa kanya.

Pagkatapos ng mahigpit na yakapan biglang umulan.

"Yah?bakit umulan?"sabi ko.

Napatingin ako sa langit.

"Dali na sumilong na tayo"sabi ni henry.

Hinila nya ako.

"Ang lakas ng ulan....may bagyo kaya?"tanong ko.

"Wala namang bagyo"sabi ni henry.

Nabasa ako sa ulan kaya naman nilalamig ako.

Hinawakan ni henry ang kamay ko at niyakap ako.

"Ang lamig...."sabi ko.

30 minutes ang lumipas bago tumigil ang ulan.

"Wala ng ulan dali na uwi na tayo"sabi ni henry.

Hihilain na sana nya ako ng bigla akong nag salita.

"Uwi agad?ang aga naman"sabi ko.

"Gabi na....baka mag alala pa sa'yo ang parents mo?"tanong nya.

"Konti lang kaya sinakyan nating rides"sabi ko.

"Umuwi na tayo"sabi ni henry.

Hindi ko sya pinansin,Tumakbo ako.

"Arianna!saan ka pupunta?"tanong nya at hinabol nya ako.

Binilisan ko pa ang takbo ko.

"Arianna!saglit!!!"sigaw nya.

"Nakakapagod ba?"tanong ko.

"Malamang!"sigaw nya.

"Edi wag mo akong habulin!para hindi ka mapagod!"sigaw ko.

Hindi na sya nagsalita.
Lumingon ako sa kanya.

"Ay!bakulaw!maaabutan nya na ako"sabi ko ng mahina.

Mas lalo ko pang binilisan ang takbo ko.

Lumabas na ako sa enchanted.

"Arianna!Wag ka ng tumakbo!"sigaw nya.

"Wag mo na kasi ako habulin"sabi ko.

"Baka mabangga ka dyan ng mga sasakyan!"sigaw nya.

"Hinde!"sigaw ko.

Lumingon ako sa kanya.

"Wag kang tumawid dyan!!!"sigaw nya.

"Bye Hen---------------"Naputol ang sasabihin ko.

"Arianna!!!!!"sigaw ni henry at tumakbo sya papalapit sa akin.

------------------------

"Arianna!gising na wala na yung ulan"sabi ni henry.

Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko.

"Niyakap lang kita nakatulog ka na agad"

"Ay sorry!"sabi ko.

"Uwi na tayo"sabi ni henry.

"Sige.....gusto ko na rin umuwi"sabi ko.

Pumunta na kami sa kotse at unuwi na.

Nakatulog ako sa kotse......

------------------

"Arianna!gising!Arianna!"sabi ni henry.

"Ano ba?!"tinatamad kong sabi.

"Nandito na tayo sa harap ng bahay nyo"sabi nya.

Dinilat ko ang mga mata ko.

"Bye!"sabi ko.

"Bye"sabi ni henry na natatawa.

"Bakit ka tumatawa?may nakakatawa ba?"tanong ko.

"Wala.....sige na bye na"sabi nya.
"Ay wait!"sabi nya sabay baba sa kotse.

Pumunta sya sa katabi kong pinto ng kotse at binuksan nya.

"Bye!"sabi ko.

Kiniss nya ako sa pisngi.

"Bye"sabi nya.

Pumasok na ako sa gate.

--------------------------------
A/N:Abangan ang next chapter^____^
Enjoy reading guys!

ARIANNA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon