Nasa clinic sya nung binasa nya mula first page..Wala pa naman kasing pasyente..Hmm, balikan natin ang chapter 3..
July 22, 1997
Dear Diary,
Tumabi sakin kanina ang Anghel ko.. Ang saya ko kasi nanghiram sya sakin ng ballpen..Natuwa ako nung kinagat nya yung dulo ng ballpen ko..kasi kinagat ko rin yun kanina eh bago nya hiniram..hehe
July 23, 1998
Dear Diary,
Ang hirap ng test kanina halatang hindi nag-aral ang Anghel ko. pero ok lang pinakopya ko naman sya..Cute parin sya kahit nalista nanaman syang noisy.
Hindi na kelangan ng pov dahil nagsasalita na syang mag-isa dito..Tuluyan ng nabaliw.
“Ano daw?? Tawag niya sakin? Anghel ko?? Wahaha! Joy to the world!! Crush ako ni Zarren dati pa??Magpapainom talaga ko neto! Waaaah, Tama si Fate kala ko nagbibiro lang sya. Bwahaha! Ayos, parang di ko na matandaang nanghiram ako ng ballpen sa kanya ah.. at kinagat ko pa pala? Hehe, astig tong diary na to ah. Mwah mwah!”-hinalikan pa talaga yung diary. Amoy baul na kaya yun. Tsk.
Septmber 3, 1998
Dear Diary,
Nakakainis kasi nadapa ako sa PE. Nakita ako ni Anghel. Pinagtawanan nya ko. Ayoko na sa kanya.
“Waaah Zarren di ako yung tumawa nun. Nabahing lang ako. Ang sensitive mo naman. Hay. Bati na tayo, please? Kiss na kita oh…Muwaaah”- langhiya, ayoko na. Sira na ang katinuan ng mga characters ko.. tsk.
Laktaw ng pages.
September 24, 1998
Eto na siguro ang huling sulat ko sa diary ko. Galit ako kay Anghel kasi pinahiya niya ko sa buong school. Walang awa nya kong pinahiran ng nakakadiri nyang kulangot. Nakakadiri sya. Ayoko na sa kanya. Hinding hindi ko na sya crush kahit kelan. Ayoko na rin magdiary. Goodbye.
"Waaah, hindi ko naman talaga yun sinasadya Zarren eh. Napag-utusan lang ako nun. Pinagsisisihan ko na yun.. waaaah. Wag kana magalit sakin please. Pero kung iisipin nating mabuti, kung wala ang magic 'k' ko, hindi tayo ulit magkakalapit diba? kaya salamat parin sa 'k' ko. nyahaha!"
Hanggang sa ilipat ni Anghel sa last 3 pages.
Waaaaaah, may nakita siyang kakaiba.. bakit?Ano? Sasabihin ko na ba? Eh kasi ahm..Putek lang.
Ano kasi ganto yun..Maayos na ang pagkakasulat..Parang sulat na ng isang kasalukuyang Zarren.. Waaah, ibig sabihin may karog pa pala ang diary.. Oo, tama mga balbon. Dinugtungan ni Zarren ang diary na yun mula nung nagkita ulit sila. Ibig sabihin, mula chapter 1 andun.. Waaah, shet to the highest level..Pero syempre, di naman kasing detalye ng iniisip nyo noh. Pahapyaw lang.. Oh eto basa..
July 27, 2011
Dear Diary,
Sobrang yabang talaga ng Anghel na yan (Anghel nakasimangot dito). Feeling pogi. Feeling nya maiinlove ako sa kanya. Waaah, Hinalikan pa nya ko kagabi. Siya ang first kiss ko..Buti nalang…buti nalang nakapikit sya kaya di nya nakita reaction ko. Buti nalang rin nakita kita ulit diary kaya ikaw ang witness na.. na.. nabuhay ang pagka crush ko sa kanya . hehe. Napakasarap nyang humalik. Sana maulit yun. Kaso nga lang, nasampal ko sya. Nabigla kasi ako eh. Hay, gusto kong magsorry kaso nakakahiya..
“Ano ba to, bakit parang kinikilig ako. Patay na patay pala sakin tong si Zarren. Ahihi. Pakasal na tayo para matapos na ang paghihirap mo. Bwahaha!”
July 28, 2011
Dear Diary,
Sinundo ako ng Anghel ko kanina sa office. Hay, masyado syang pacute sa mga officemates ko. Nakakanis sya. Gusto ko sakin lang sya pacute. Pero buti nga sa kanya nung makita nya si Francis parang nainis sya. Nagselos ata. Sa bagay, gwapo naman talaga si Francis—
“Selos talaga dun sa panget na yon. Tinawag mo pang gwapo dito. Naku, nadungisan tuloy ang diary ng Zarren ko .. Hmp!”—ang arte lang. naaartehan na ko sa dalawang to ah.
Continuation ng diary: Tagal na rin nyang nanliligaw sakin. Bigyan ko kaya sya ng chance kawawa naman eh.--
“Hah, talagang kawawa yan sakin pag binigyan mo ng chance. Akin ka lang Zarren. Period no erase!.”
Continuation ulit: Pero syempre, mas gwapo pa rin ang Anghel ko.. Hehe, ang kulit nya nga eh, sabi nya kagabi ginamit daw nya toothbrush ko. Nagkapalit kasi kame.. hehe, ewan ko dun kung talagang ginamit nga nya. Ako kasi, talagang nagamit ko ang toothbrush nya. Di ko naman sinasadya eh, di ko alam. Pero syempre di ko sinabi, nakakahiya eh.
“Ooh Kupido! Bakit parang tinadtad mo ng pana ang puso ko? Waaah, hindi na ko makahinga sa mga nalalaman ko.. Putek, bakeeet? Why oh why? Isa na ba kong ganap na malanding balbon?? Mahal na mahal na talaga kita Zarren..mwah mwah!”—patay na talaga. Tsk.. bakit ba kasi napakapakielamero ng gamit tong si Anghel eh. Yan tuloy.. hay.
Yun. Natigil lang sya ng pagbabasa nung may pasyenteng dumating. As in, Ganado syang magtrabaho nun. May pasipol-sipol pa sya. Excited na nga siyang sunduin si Zarren eh. Gustong gusto na nyang makita.. Hay ang pag ibig nga naman..
YUn nga nung labasan na ni Zarren..Punta agad si Anghel sa office nya..Kaso nga lang 30 mins na sya dun ay wala pang Zarren na lumalabas..Tinawagan nya, cannot be reach naman. Saktong naispatan nya si Scarlet na palabas..Syempre nilapitan niya at tinanong. “HI Scarlet, matagal pa ba si Zarren?”
“Huh? Ok ka lang? Wala naman si Zarren ngayon eh. Di ba nagpaalam sayo?”
“Ano, bakit? Asan sya?”
“CDO. Matagal sya dun. Mga ilang weeks din.”
“Weh? Di nga? Di sya nagsabi. Nung Friday lang sinundo ko sya ah. Wala syang nabanggit. Kelan pa sya dun? Sinong kasama nya?”—yan na, iyak, iyak.. kasi.. tsk.
“Kahapon lang. Kasama niya si Francis. Sige alis na ko. May lakad pa ko eh.”-sabay alis.
Yun. At tuluyan na syang naiwan sa kawalan.. Hehe. Sobrang nabadtrip sya.
Si Francis? Putek bakit naman nya kasama ang ungas na yun? Nakakainis naman. Naku Zarren, makakatikim kana talaga sakin..Kung kelan ba naman narealize kong mahal na kita..ganto lang.. huhu, wag mo namang saktan ang puso ko..Kaya ba hindi mo sinabi ay dahil kasama mo yung Francis na yun? Badtrip talaga sarap maglasing ah..
1sa, dalawa, tatlo, apat, lima, hanggang anim na boteng beer..at tuluyan ng na K.O si Anghel kakaisip kay Zarren..
Waaah, badtrip lang talaga tong si Zarren, pinapahaba ang storya. Ano kayang drama nya? Ni hindi manlang nagsabi diba, tsk. Kainis lang talaga. Feeling ba nya susundan sya ni Anghel sa Cagayan? Nu ba yan antagal maging sila ah. Hay…
Kawawa tuloy si Anghel. Saksi tayong lahat kung pano sya naghirap magluto ng itlog ala anghel tas eto lang mapapala nya.. Oh cmon mamon, this is unfair! tsk.
ČTEŠ
It Started with a 'K' (from A to Z)
HumorMay crush ka ba? Eh pano kung pinahiran ka nya ng kulangot, nu gagawin mo?? Gaganti ka ba? Papahiram mo rin ba sya? Haha..eh pano kung after ilang years magkita kayo ulit? Tignan po natin kung ano ang magiging takbo ng story nila Anghel at Zarren...
Chapter7: pano kiligin ang isang anghel..ñ_ñ
Začít od začátku
