Hanggang sa tuluyan nang di makapagpigil si Anghel...(Waaah?ANo daw?)
Lapit na ng mga mukha nila.. napapikit nalang si Zarren.. Naghintay..
Hanggang sa tuluyan ng dumikit ang labi ni Anghel sa kanya...
At di tulad ng una nilang magkiss sa resort, ngayon alam na nya ang gagawin..
Waaaah, anong gagawin?edi tumugon sa isang uhaw na anghel.. nyahaha
Plokkkk! ---tama na.. Ang lahat ng yan ay imagination lang ni Zarren.. Mula dun sa hinawakan ni ANghel ang pisngi nya...Di naman talaga hinawakan eh..Bwahaha, umambon. Eh bakit ba alang bubong sa duyan eh.. nyahaha. Tsk, hinayang mode lang.. Hay...kaya yun nagmadali silang pumasok..
Wahahahahaha.. Asaah..Sorry naman at nabasag ko ang trip nyo..nyahaha. Galing ko ba? Mangtrip??bwahaha!
Shet.
Ok back to reality...
Eto ang talagang nangyari...
Yun nga pumasok na sila sa bahay.. At gaya ng utos ni Zarren sa magiting nating aliping saguiguilid, nagshower muna si Anghel..Tas nun direchong kusina para magluto..
Inisip nya munang maigi kung anong lulutuin nya para naman magpaimpress kay Zarren..Dami nyang naisip nun ah pero ang kinabagsakan.. Hulaan nyo kung ano? Syempre itlog, yun naman lagi eh.. hehe. Pero syempre special yon kasi niluto ng may pagmamahal..Weh. At in fairness naman nagbukas sya ng century tuna.. para daw may omega 3 in 1 plus 1. Nyahaha. Corny alam ko, bwiset..may masulat lang.
Idetalye natin para masaya. Una, nagsuot ng apron ang ating si Anghel..
“Nu ba yan, itlog lang lulutuin mo nag apron ka pa talaga. “-Zarren, nangingielam lang.
“Anong itlog lang, ito na ata ang pinakamasarap na itlog na matitikman mo. Tawag dito, itlog ala anghel.”-Sabay kindat lang. hay..
“Bilisan mo na. Scrambled egg ha..”
“Ok, mahal na prinsesa. Narito na ang mga sangkap ng scrambled itlog ala anghel.
>tatlong pirasong sariwang itlog,
>cooking oil
>salt and pepper to taste” –Waaah, may paturo-turo pa ng ingredients amputek.
Napapailing nalang si Zarren sa pinaggagagawa ng adik na to. Pero syempre, deep inside sobrang natutuwa sya kasi diba akalain mong dadating ang araw na to na ipagluluto pa sya ni Anghel..hay.
“Una, iscramble na ang mga itlog.. ilagay ang salt at pepper.. Hmm, ambango (naku patay na) painitin ang mantika. .Then ilagay ang itlog.. antayin hanggang maluto..hmm mamamia”
Waah, havey na havey ah.. chef anghel ikaw na. Kahit itlog lang yan, pde na yang iexport sa ibang bansa. Nyahaha.
“Ayan luto na..Yehey! Kain na.” Zarren, natuwa kaya nagpakabibo..Ewan magsama kayo..Mga baliw.buset.
Yun nga. La na kong paki kung kanin o tinapay kinain ng mga ungas. Pero syempre concern parin ako kung ano ininom niIa. Hmm coffee nalang yun naman lagi sa umaga eh.. hehe.. ok tama na masyado ng mahaba ang moment na magkasama sila. Ako masusunod dito kaya i-fafast forward ko na..
Tapos nun.. Ayun. Umuwi na si Zarren. Syempre hinatid ni Anghel. Pareho silang lutang. At in fairness naman sa dalawang yun, mejo nabawasan naman ang tuksuhan nung hinatid na ni Anghel si Zarren. Ewan, hirap iexplain basta may konting level na ng pagkakaintindihan ganon...Pero bumalik ulit ang asaran kinabukasan.tsk.
Fast forward ulit to the highest level. Sabihin nalang nating mga ilang weeks na ang lumipas..Wala pa ring nagbabago sa sitwasyon. Bastusing amo at bastos na alipin parin ang set up nila..Ambilis lang ng araw tsk.. Yun, nung nagddrive si Anghel papuntang clinic nya..syempre dito na nya maiisip ang diary ni Zarren.. sakto kasing naispatan nya sa sulok ng kotse nya. Waaah, tagal na nun ah. Ngayon lang nya naalala.. Hay..
YOU ARE READING
It Started with a 'K' (from A to Z)
HumorMay crush ka ba? Eh pano kung pinahiran ka nya ng kulangot, nu gagawin mo?? Gaganti ka ba? Papahiram mo rin ba sya? Haha..eh pano kung after ilang years magkita kayo ulit? Tignan po natin kung ano ang magiging takbo ng story nila Anghel at Zarren...
Chapter7: pano kiligin ang isang anghel..ñ_ñ
Start from the beginning
