Chapter7: pano kiligin ang isang anghel..ñ_ñ

Start from the beginning
                                        

"Tara na nga. Oo nga pala alipin pa rin kita.. Going stronger sila Fate at James kaya may karapatan pa pala akong utusan ka. Ipagluto mo na ko ng breakfast."- Zarren, ang kapal lang.

"Sige ba yun lang pala eh. Weh baka naman paraan mo lang yan para subukan ako kung papasa ba ko sa standards mo na magaling magluto?"

Naalala pa nya yun??

“Pasado na ko sa standards mong mayaman, eto naba ang next na pagsubok, ang pagluluto??Hmm, eh pano kaya yung huli,,, yung, yung kelangan virgin??Waaaaah, di na kaya diba.. kagabi lang—“

Biglang binatukan ni Zarren..”Aww!”

"Tumigil ka na nga! Whatever. Go na.. Pero maligo ka muna at magbihis nang maayos ah."

"Nyahaha! Bakit naman dahil ba naaalala mo na ang nangyari kagabi dahil sa suot ko,eh wala naman akong suot nun."

"Shaaaattapp!"

Sa puntong to, hinila ni Anghel si Zarren.. Ayun, napaupo narin sa duyan..Waah, tabi na sila... Pumalag ng konti si Zarren, pero feeling ko kunwari lang yon. Ayaw lang ipahalata na gusto rin nyang makatabi si Anghel sa duyan..Tumawa ng malakas si Anghel...

"Bwahahaha! Chill muna sa aking duyan..Chill."

Pumikit si Zarren na para bang walang naririnig. Namnam moment muna na magkatabi sila sa duyan. Tumahimik narin si Anghel at nagenjoy muna sa amoy ng bagong ligo nating bida.. nyahaha.

Bakit ganon, kahit di sila mag-usap ay parang nagkakaintindihan ang mga puso nila? (lalim, di ako sanay, tsk) Kapwa nila dinama ang isa't isa...(weh me ganon?)

1

2

3 minutes.Wala paring nagsasalita..tagal ha. totoo ba to?

3 minutes and 2 sec.  "Anghel?"-Zarren, serious mode

"Hmmm?"

"Hinalikan ba talaga kita kagabi??"-seryoso parin.. Habang napapalunok si Anghel sa tanong nya..

(Anghel's pov)Si Zarren ba talaga tong katabi ko? Sinasaniban ata to eh.. Bakit parang ang seryoso nya. Ngayon lang to nagseryoso ng ganito sakin ah..Bakit kaya? Iniisip ba nya na talagang may nangyari?Anong sasabihin ko? Magseseryoso na ba ko? Pano ba?

"Ano? Hinalikan ba kita"-Zarren

"O-Oo."-Anghel ninenerbyos lang

"Di nga? Eh sino nauna?"-Zarren mukhang binabago ang tactics ah. Bumabait, tsk, mahirap yan..40 degrees na ang lagnat nyan.. tsk.

"Ikaw."---waaaah syempre ako. di ko lng maamin pero hinalikan kita nung tulog ka..waaaah.. kahit madilim natansya ko parin ang lips mo.. hihi, wag kang magagalit ah. tulog ka naman nun eh. lasing pa..kaya sinamantala ko na ang pagkakataon.. sorry Zarren.. peace!

(Zarren's pov)-kawawa naman tong si Anghel, di nya alam na hinalikan ko sya habang tulog sya.. Hay...ang galing ko talaga.. haha wagi.. super! buti nalang di sya nagising kanina.. tsk tsk..

"Sira. Ako ba talaga? Baka naman ikaw. Nadala lang ako"-Zarren talagang bumabait na ata.. nakasmile lang..

"Ikaw nga talaga.."- sa puntong to nagkatinginan silang dalawa...Nagkangitian.. tapos...Yun..Hinawakan ni ANghel ang pisngi ni Zarren..

Hanggang sa.....maramdaman nila ang....

paghinga ng isa't isa...kasi sobrang lapit lang ng mga mukha nila...

Pikit moment..

Nilipad pa buhok ni Zarren kasi biglang humangin. Syempre may hawi moves si Anghel. Lalong napapikit si Zarren.. Chill lang talaga. hehe.

It Started with a 'K'  (from A to Z)Where stories live. Discover now