Chapter 4 Unnoticed Feelings

Start from the beginning
                                    

            Malapit na ako sa gazeebo ng makita ko si Lara na naka-upo habang naka tingin sa field. Mukhang may napaka laking problema. Well, I can’t blame her. Ang masangkot sa gulo namin ay isang napakalaking problema nga. Hindi nya marahil ako napansin na palapit sa kanya. Hindi nya napansin na pinag-aaralan ko na sya.

            Hindi maputi, hindi ganun kaganda, hindi din matalino, wala sa sarili minsan, mababaw, lampa at walang talent. Tsk! Tsk! Tsk! Kawawa naman ang lalaking makakatuluyan ng babaeng ito.

            HINDI DAPAT ako maapektuhan ni Gray. Hindi katulad nya ang dapat na magustuhan ko. Dapat mabait, magalang, hindi sanggano at higit sa lahat dapat mahal ako. Yun! Yun dapat yung lalaking mamahalin ko. Hindi naman ako choosy, wala akong mataas na standard sa lalaki. Isa pa masyadong gwapo si Gray para mapansin ako. Sino lang ba ako? Nadamay lang ako sa gulo kaya nagkakilala kami.

            Wala katalagang K na mahalin sya.

            Hindi naman ako ilusyunada. Alam ko kung saan ko dapat ilagay ang sarili ko. Simple lang ako at simpleng lalaki lang din ang hinahanap ko. No-Boyfriend-Since-Birth man ako, wala akong balak mag-illusion ng mga sobrang gwapo.

            “My gosh! Look mukhang palapit sa atin yung isang cutey na guy!” natigil ako sa pag-iisip dahil sa kilig at lakas ng boses ng katabi kong babae.

            “My gosh! I think he’s going to get my number.” Kinikilig na sabi nung isa pa.

            Maka-foundation naman ‘tong mga ‘to. Hindi naman foundation day.

            Sobra naman kasi sila kung kiligin. Naiistorbo ang pag-iisip ko, e.

            “Wanna bet girls? I’m sure he likes me.” Sabi ng pinaka-leader ng grupo. Matangkad sya at sa lahat ng mga kasama nya sya lang ang binagayan ng make-up. Sya na ang may pinaka manipis na make-up sa lahat.

            Nilingon ko ang lalaking pinag-uusapan ng mga babaeng iyon.

            Gray…

            Ako kaya ang pupuntahan nya?

            Para akong naestatwa. Parang nag-slow motion ang lahat. He’s walking towards my direction. At katulad kanina, hindi ko napigilan ang mabilis na pagtibok ng puso ko. He’s really like a God from olympus.

            At ikaw dyosa?

            Napapailing na pinilit kong tanggalin ang mga mata ko sa pagkakapako ng tingin sa kanya. Dapat ma-control ko ang sarili ko. Wala kaming pagasa kaya dapat ngayon pa lang magising na ako.

            Ilang segundo pa ay nasa harapan na si Gray ng foundation girls.

            Parang may bumagsak na mabigat sa dibdib ko. Parang nakaramdam ako ng sobrang sakit. Hindi naman pala ako ang sinadya nya.

            Asa… puro kasi asa…

Ouch!

Ang loko nakipag ngitian pa sa mga babaeng iyon. Ng magsasalita na sana yung pinaka leader ng grupo ay bigla na lang sya nagpunta sa harap ko.

“Let’s go,” aya nya sa akin.

Nakapagsuot na sya ng contact lens. Hindi ko nanaman mabasa yung mga mata nya. Pero mukhang may sakit pa din sya. Halata sa kilos nya. Tumayo na ako. Hindi ko sya pinansin, na una na akong naglakad sa kanya.

“Lara,” tawag nya pero nagpangap na lang ako na hindi sya naririnig. Nakakita lang ng maganda parang wala  na ako sa paligid nya. Nakakaasar kaya.

“Lara.” May halong authority na ang boses nya.Hindi pa nga ako maka-recover sa pagpa-palpitate dahil sakanya. Mas dinagdagan naman nya ngayon yung kaba na nararamdaman ko.

Huminto ako. Nilingon ko sya. Nagulat ako na napaka lapit pala nya. Halos bumangga ako sa dibdib nya. And God knows where kung san ako tatama kung titingala ako.

“Ano ba bakit ba ang lapit mo?” Ito ang safest way para maitago ko ang nervousness ko. Ang magsungit.

“Tinatawag kita pero ayaw mo akong lingunin.” Mahinang sabi nya. Hindi man lang nag-effort na lumayo.

Please po ilayo nyo sya bago ko pa sya magawan ng masama.

Mahina kong dasal. Kailangan ko pa ng ilang segundo bago ko nagawang umatras. “Ano ba kasing sasabihin mo?”

“Mali kasi yung direksyon mo. Wala pa sila sa parking area, nandun pa sila sa building namin.” Paliwanag nya sabay ngiti.

Tama. Ngumiti sya. At huminto bigla ang pagikot ng mundo ko. Ngumit si Gray. As in, isang malambing na ngiti.

Magugunaw na ang mundo.

“Bakit? Ngayon ka lang nakakita ng sweet na ngiti?” Tanong nya. “Mas nagiging gwapo ba ako sa paningin mo?” Mayabang nyang tanong na nagpalapad ng ngiti nya lalo.

Halik talaga ang gusto ng lalaki na ‘to. Promise Lord, lumapit lang ito ng ilang inches pa hahalikan ko na sya.

Umiling na lang ako sabay sabing, “Yabang. Kala mo naman lahat ng babae makukuha mo.”

Lumayo pa ako ng mas malayo. Yung tamang layo para makapagisip ng tama.

“At isa ka sa mga hindi ko makukuha?” Wala talagang balak na tantanan ako ng loko na’to. Hindi nya ba alam kung saan nya dinadala nya ang sarili nya. Sa panganib. Panganib na mahalikan ko!

“Pwede ba,” Nag simula na lang ako maglakad.

“Pikon,” pahabol nyang sabi.

Napahinto ako ng may maalala. Humarap ako at may dinukot sa bulsa ko.

“‘Eto gamot.” Maikli kong sabi. Sabay abot sa kanya at tumalikod na ako para maglakad.

Parang sya naman ang natigilan. Parang alam ko na ang iniisip nya.

"Excuse me, kaya ko ginagawa ito dahil naniniwala ako sa good karma. Kaya kita binibigyan ng gamot dahil alam kong may sakit ka. 'Yun lang. Kaya 'wag mo iisipin na gusto kita. Malabong mangyari yun Mr. Sungit." Tumalikod na ako at naglakad palayo sa kanya.

---> examination week ko na,  4 major subjects ang dapat kong ipasa kaya baka next week na ko ulit makapag-update. :)           

Loving Gray (Happily Ever After)Where stories live. Discover now