Chapter 1 In Between

350 11 2
                                    

Chapter 1 In Between

“BUTI PA ITONG babae sa nobela masaya na sa ending. May Prince charming na kasi.” Ibinaba ko na ang libro na hawak ko. Tinignan ko ang oras sa relo ko. 4:30 p.m. na. Mga dalawang oras na pala ako dito sa sulok ng library na ito. “Hay Lara bakit ang sipag mong magbasa ng libro kapag romance na ang pinaguusapan?  Pero kapag accounting books mo na, tamad na tamad ka?” Mahina kong pagkausap sa sarili ko. Hindi ako baliw.  Sa pananaw ko lang naman ‘yun. Matino naman ako, medyo madalas lang mag-salita mag-isa.

Gustong -gusto ko ang magbasa ng mga romance pocket book. May pagka loka-loka kasi ako kaya sobrang lakas ng imagination ko. Feeling ‘ko ako yung bida. I love happy endings. Gusto ko kapag nagka boyfriend ako, happy ending yung maging katapusan namin. NBSB ako, dala na rin siguro ng pagiging adik ko sa pocketbooks. Mahirap kasi bitawan ang bawat eksena. Feel na feel ko talaga na ako ‘yun hinahabol ng super pogi na bida.

Haaayyyy!!!

Ang sarap siguro ma-inlove.

Ako kaya kailan ma-i-inlove?

Sana malapit na…

Tumayo na ako mula sa sulok na iyon. Tambayan ko na kasi talaga ang sulok ng library na ito. Nakakahiya kasi na makita ng ibang estudyante ang reaksyon ko kapag kinikilig. Hindi ako friendly kaya mas madalas na mag-isa lang ako. May mga kaibigan ako kaya lang mas sanay lang siguro ako na mag-isa.

Hahakbang na sana ako palabas sa sulok na iyon ng makarinig ako ng mahinang pag-ring ng cellphone. Hinanap ko agad ang pinangalingan ng tunog na iyon. Nakita ko iyon sa may gitnang shelves sa bandang kanan ko. Nagdadalawang isip ako na sagutin iyon. Pero sa huli mas pinili ko na lang na sagutin na din ‘yun.

Mag-he-hello sana ako ng mauna ng magsalita ang nasa kabilang linya.

        “Pumunta kaagad dito sa likod ng engineering building kung gusto mo pang maabutan ‘tong prinsesa mo,” sabi ng isang boses lalaki. Nanginig kaagad ang kamay ko dahil na din sa takot at pagkagulat.

           Kanino ba itong cellphone na ito?

Patay!!! Mukhang gulo ito…

Ano ba itong napasok ko!?!

Haayy!!!!

Mag-sasalita na sana ako ng makarinig ako ng yabag papalapit sa akin. ‘Di na ako nakapag-isip ng matino kaya agad kong ibinaba ang telepono sa dati nitong kinalalagyan at nagtago. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ako makahinga sa sobrang kaba.

May matangkad na lalaking pumunta sa shelves kung nasaan ang cellphone na sinagot ko. Hindi ko gaanong nakita ang mukha nya kasi nagtago na ako kaagad. Yumuko ako para hindi nya ako mapansin. Maya-maya pa ay narinig ko na syang nag-salita.

“Hindi. Hindi ko ibinaba ang phone…” mahaba ang patlang kaya sa tingin ko ay may sinabi ang nasa kabilang linya.

“Darating ako. Just make sure you won’t hurt her or else I’ll make sure your going to pay for it.” Puno ng authority na sabi ng lalaki.

God… Ano na bang nangyayari… Bakit kasi narinig ko pa ‘tong usapan na ito, e.

Maya-maya pa ay nakarinig na ako ng yabag palayo sa pwesto ko. Tumayo ako kaagad. Nakakalito naman ang sitwasyon ko. Ano ba ang dapt kong gawin? Sundan ko ba? Tumawag kaya ako ng tulong? Pero baka may maka alam at makahalata. Ayoko na masali sa away. Simpleng estudyante lang naman ako. Ako lang naman si Lara.

Naglakad na ako palabas ng library. Hindi ko pa din maiisip kung ano ang dapat kong gawin. Malapit na ako sa elevator ng Makita ko ang limang matatangkad na lalaki na kasabay ko.

Sino kaya sa kanila yung lalaking ka-usap nung boses gangster na ‘yun?

Halos lahat kasi sila matatangkad. May isang nakasalamin kaya sigurado ako na hindi sya ‘yun.

Pero mahirap pa din isipin kung sino sa kanila.

Sa sobrang pag-iisip hindi ko na napansin na bumukas ang elevator at pumasok na ang mga lalaking iyon. Natauhan lang ako ng magsalita na yung lalaki na may salamin.

“Miss hindi kaba sasabay pababa?”

“H-ha?” Nagulat ko pang sabi. “Sasabay ako…” at sumakay na nga ako kasabay nila.

5th floor…

Ano bang dapat kong gawin?

4th floor…

Paano kung mapahamak yung babaeng hawak ng boses gangster na ‘yun?

3rd floor…

Pero wala naman akong alam na martial arts… Paano kung ako yung mapahamak?

2nd floor…

Pero hindi naman kaya ng konsensya ko na walang gawin…

Ground floor…

Bahala na nga…

Pinili kong lumiko pa punta sa Engineering Building.

Loving Gray (Happily Ever After)Where stories live. Discover now