Chapter 10: One More Chance

Magsimula sa umpisa
                                    

Anong klaseng acting ba yan Khalil. Sobrang obvious naman! Kulang ka pa sa acting workshop.

__________

-          Daniel’s POV –

“So, that means you two will be in a separate theather. Okay lang ba yun?” Tanong sa min ni Janella.

“Or we can have naman the tickets replaced.” Sabi naman ni Julia B.

Napatingin ako kay Kath at saktong napatingin din sya sa kin. And at that moment I know na pareho ang tumatakbo sa utak namin. Pinagkakaisahan kami ng mga kaibigan namin. At sobrang obvious naman!

No, okay lang sa kin na dito na lang sa Cinema 2. If that’s okay with Kath.” Sabi ko at ngumiti kay Kath.

“Yeah okay lang din sa kin.” Sagot naman nya sabay ngiti din.

Feeling ko parang scripted ang sagot nya. What’s weird is that parang nagkakasundo kami sa mga bagay bagay kahit hindi naman namin pinaguusapan. Isang tingin lang alam na namin ang gusto ng isa’t isa.

“ Ano bang palabas sa Cinema 2?” Narinig kong tinanong ni Kath.

“Hmm. Teka tingnan natin.” Sabi ni Julia M. habang nakatingin sa iPhone nya. Nagccheck ata ng Click The City.

“One More Chance.” Basa nya ng malakas habang pinapakita ang screen ng phone nya kay Kath.

Nakita kong sumimangot si Kath. Bakit? Anong meron? Napaka-clueless ko kasi sa movies. Matagal na nung huli akong nakapanood ng movie dahil sa sobrang busy ko sa trabaho.

“Hindi ba old movie na yun?” Tanong ni Janella habang nakatingin sa kin. Aba! Malay ko!

“Oo. Pinapalabas nila mga classics sa Cinema 2.” Sagot naman ni Khalil. Alam na alam mo ha. Planado talaga?

“Kung ano man yan, sana lang hindi yan love story.” Bulong ko kay Kath habang hinila ko na sya papalayo at naglakad na kami.

“You have no idea…” Rinig kong bulong nya. Huh? Bakit kaya?

__________

-          Kathryn’s POV –

Predictable talaga ng mga kaibigan namin. I cant wait til this is over. Gusto ko magalit sa kanila pero wala na kong magagawa. Naglalakad na kami ni DJ papunta sa Cinema 2.

Sinilip ko ang mga friends namin na naglalakad papunta sa kabilang cinema at nahuli ko silang sumisilip sa ming dalawa. I just rolled my eyes at patuloy nang naglakad.

“Gusto mo ng popcorn?” Narinig kong tanong ni DJ . Nagulat ako sa tanong nya pero hindi ko na lang pinahalata.

“Ayos lang.” Sabi ko sabay kibit balikat.

Wala na kong pakialam sa popcorn or even sa movie. I just want to get this over and done with.

What’s weird though is parang si DJ sobrang okay lang sa lahat ng nangyayari. Well, he doesn’t look too excited, but he doesn’t seem apathetic too. Oh well, papel. Andito na rin lang kami. Might as well make the most out of it diba?

“Tara bili tayo!” Excited na yaya ni DJ sa kin.

Weird. Very weird.

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon