Chapter 10: One More Chance

Start from the beginning
                                    

“Ah Sir, sabi po ni Sir Khalil dalawa daw po kasi akala daw po nila hindi kayo makakasama nung isa nyo pong kaibigan. Yung Miss Kath po ata. Tapos bigla daw pong pwede pala kayo e di nya daw kayo nabilhan ng tickets. So, ibili ko na lang din daw po.” Paliwanag nito.

Haynako. Sabi ko na nga ba! Nagpapaliwanag pa tong si Khalil e alam ko naman na planado ang lahat ng ito. I’m sure there’s more to that innocent reason. Malamang gusto nilang makasigurado na magkatabi kami ni Kath mamaya.

Just the thought that I would have to seat beside Kath for 2 hours makes me quiver. Thinking about it is enough to “stimulate” me. Napailing na lang ako. Ano ba yan, DJ! Tanghaling tapat mga naiisip mo!

Pero sa totoo lang kagabi, narealize ko na kailangan ko ng dumistansya kay Kath. Siguro kung hindi man physically kasi medyo imposible yun dahil sa mga plano ng friends namin, at least emotionally kailangan ko ng lumayo.

“Kung ano man ang pinaplano ng mga kaibigan namin. Kaya namin to.” Bulong ko sa sarili ko bago ko pumasok sa loob ng opisina ko.

__________

-          Kathryn’s POV –

Kasama ko na ang buong barkada dito sa labas ng Cinema dito sa Rockwell. Malapit na mag 9pm at magsisimula na ang movie.

“I’m so glad na nakasama ka today, Kath.” Masayang bati sa kin ni Julia B.

“Ako rin. I’m thankful na niyaya nyo kong sumama ngayon. I was afraid na manonood na naman ako ng TV sa hotel room ko all night. Buti you saved me.” Biro ko sa kanya.

“DJ, buti naman at hindi ka natali sa work mo today.” Sabi naman ni Janella kay DJ.

Khalil harassed me para sumama ngayon. Not like I have any other choice.” Sagot nito habang nakatingin ng masama kay Khalil na natatawa sa reaction ni DJ.

“Guys, 5 mins na lang magsstart na yung movie. Kailangan na natin pumasok.” Singit ni Jerome sa usapan.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa cinema. Ano ba to, nakakailang naman. Lahat sila magkaholding hands or magkayakap habang naglalakad. Pero buti na lang alam ng mga friends namin na wala pa kami sa “dating stage” so we don’t have to act lovey dovey.

Pero napapansin ko merong mga subtle gestures din si DJ towards me. Bumabalik ang pagiging gentleman nya at inaalalayan nya ko kanina. Napatingin na lang ako sa kanya at ngumiti.

Nagulat ako ng biglang magstop maglakad si DJ. Dahil ba sa smile ko?

“Bakit dito tayo papunta?” Tanong nito. At huminto na rin sa paglalakad ang barkada.

“Ito yung way papuntang Cinema 1. Diba? Pacific Rim?” Sagot ni Khalil.

Nakita kong kumunot ang noo ni DJ at tiningnan ang ticket na hawak nya.

“Yung ticket ko ay hindi for cinema 1. It’s for Cinema 2.” Paliwanag nito.

Napatingin ako sa hawak kong ticket at tama si DJ. Cinema 2 rin ang nakalagay sa ticket ko. Juskolerd. Parang alam ko na kung anong nangyayari dito ha!

“Sigurado ka, Bro?” Sabi ni Quen sabay tingin sa ticket na hawak ni DJ.

“Oooops. Mali ata ako ng nabigay na Cinema number sa secretary mo.” Inosenteng sabi ni Khalil. If I know!

After AllWhere stories live. Discover now