Chapter 9: Of Tricky Questions and Compromising Positions

Începe de la început
                                    

Tita Kath, gaano ka na katagal nakatira sa California?” Tanong nya sa kin.

“About 6 years na.” simpleng sagot ko.

“Bakit ka umalis?” Muling tanog ni Alexa.

Napatingin ako ng saglit kay DJ, at mukhang pareho natigilan din sya. Simple at inosenteng tanong ng isang bata na gumising sa lahat ng memories na pilit kong kinalimutan.

Naka-move on na ko. Alam ko nakamove on na ko. Dapat nakamove on na ko.

Pilit kong inipon ang lahat ng will power ko na sagutin ang tanong ni Alexa.

“Dahil wala na kong reason para magstay.” Sabi ko sa bata sabay pilit na ngumiti dito.

__________

-          Daniel’s POV –

Napatindi ang kapit ko sa manibela pagkatapos ko marinig ang sagot ni Kath. I have to regain my composure at pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko na dapat nararamdaman ang mga bagay na to.

Naka-move on na ko. Alam ko nakamove on na ko. Dapat nakamove on na ko.

“Do you have a boyfriend in California?” Narinig kong sunod na tanong ni Alexa kay Kath.

Naramdaman kong nagpanting ang tenga ko sa tanong na yun. Bakit ba kasi kailangan pa nyang malaman yun, ang bata bata pa nya! Pero bakit ba ko interesado sa isasagot ni Kath?

“You’re so curious, baby girl!” Pabirong sagot ni Kath sabay kurot sa pisngi ni Alexa.

“So meron ba, Tita? Dahil alam ko si Ninong walang girlfriend.” Nakangiting sambit ng bata.

Natawa ko ng bahagya sa sinabi ni Alexa pero hindi ko pa rin makakalimutan na hindi sinagot ni Kath ang tanong sa kanya.

“Ano ka ba, baby girl. Laging may girlfriend si Ninong DJ mo.” Natatawang sagot ni Kath.

Natahimik na lang ako at kunwari hindi ako ang pinaguusapan nila.

“Yes, Tita. Pero wala syang real girlfriend.” Sabi naman ni Alexa.

“A real one? Anong ibig mong sabihin?” Singit ko naman sa usapan nila.

Yung mga girlfriends mo, Ninong, they don’t last long. 5 days lang. Tapos you have a new one every week pa.” Paliwanag nya sa kin. Wow ha! Are you really just 7?!

“And that makes them fake?” Natatawang sagot ko. Napakatalino talaga ng inaanak ko.

“Medyo.” Sabi nya at patuloy sa paglilipat ng kanta sa car stereo ko.

“Tita Kath, nagseselos ka ba kapag may bagong girlfriend si Ninong?” Tanong ulit ni Alexa. This I’ve got to hear!

Nakita kong nagulat si Kath sa tanong pero muli itong nakabawi nang makitang napatingin ako sa kanya.

“Bakit naman ako magseselos?” Mataray na sagot nito. Defensive much?

“Di ko po alam. Bakit ka nga ba magseselos?” Tanong sa kanya pabalik ng bata. Gusto ko matawa ng malakas sa usapan nila.

“Wala akong reason para magselos.” Sagot ulit ni Kath.

“So ang sagot mo po ay NO?” Makulit talaga tong inaanak ko.

After AllUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum