Wizard's Tale 3: Chapter 15

Start from the beginning
                                    

"Alam ko, Vander." Siguro grabe lang talaga 'yung silakbo ng damdamin ko kaya nagri-reflect din ito sa enerhiyang nailalabas ko. Dark Sorcery is really a curse.

"Nagkakaganyan ka dahil nagseselos ka na magkasama sina Yana at Prince Rouel."

"Bakit ipinaalala mo na naman!" I'm controlling myself not to think about it. But still I end up thinking about it. Nararamdam ko uli ang matinding selos at galit.

"Master! Kalma lang! Lumalabas na naman 'yung itim na apoy oh!"

"Just keep quiet, Vander. Let me think!"

"Alam mong hindi ko kayang manahimik, Master! Magkakabati rin kayo. 'Wag ka nang malungkot!"

"I don't know. She's really mad at me." Nanlulumo kong tinanggap ang katotohanan. "Hindi ko alam kung paano ako magsisimula ngayon pang sinasabi niyang hindi niya ako naaalala."

"Aysows Master Brylle! Maraming paraan! Tutulungan kita! Tandaan mo, 227 years old na ako!" Oo nga pala. Two years ang nadagdag sa edad ni Vander. Pero anong kinalaman ng edad niya? "Mas gumaling na ako sa pagpaplano! Nasa 227% percent chance ang success rate!"

"Vander, I just need a 100%. 'Wag mo na akong utuin sa 227% mo."

"Okay, sinabi ko lang 'yun para maniwala ka saakin." Dahil sa sinabi niya, paano pa ako maniniwala? "Pero, seryoso na! Naalala mo 'yung plano namin para makita 'yung smiley birthmark mo sa likod? Ako ang tumulong kay Yana noon para alamin kung ikaw nga ba 'yan!"

Natawa ako bigla nang maalala ko 'yung mga pinaggagawa ni Yana para lang makita ang likod ko. Kulang na nga lang, hubaran niya ako ng diretso nun.

"Basta Master, paaaminin natin si Yana na naalala ka niya. Tapos masosolo mo siya. Tapos magkakabati na kayo. Tapos magiging kayo na uli!" I can see fire in Vander's eyes. He's excited about this. And so am I.

Ayos na sana ang lahat... may sumulpot lang na asungot.

"Hey! Mukhang exciting 'yang balak niyo! Sali ako ah!"

"Sylfer? Kanina ka pa dyan?"

"Kadadaan ko lang. Eh narinig ko 'yung mga pinagsasabi ni Bulinggit at mukhang masaya!"

"Chismoso ka talaga, Sylfer! Chismoso! Chismoso!"

"Eh kung sabihin ko kayang may binabalak kayo kay Princess Love?" Patakbo na sana si Sylfer pero hinablot ko agad ang kwelyo niya.

"Subukan mo lang! Hindi pa nga kami nakakapagplano, sisirain mo na agad!"

Ngumisi lang ang mokong. Dakilang pang-gulo talaga siya. "Ano na ba kasing plano natin kay Princess Love?"

"Unang plano, tigilan mo na pagtawag sa kanya ng ganyan."

"Hindi pwede! Kung siya nga nasanay, dapat ganun ka rin!" Kapag hindi talaga ako nakapag-pigil, baka makapaglabas ako uli ng Shadow Fire para tustahin na 'tong Sylfer na 'to. "And you don't have to be threatened by me anyway! Ako kaya ang nagbantay sa Prinsesa para sayo."

I glared at him. "Dapat ba akong maniwala?"

"Wag na 'wag na 'wag kang maniwala, Master Brylle. Almost 600 times na kaya siya nag-propose ng kasal kay Yana!"

"Almost 600 times?" Lalo kong hinigpitan ang paghawak sa kwelyo ni Sylfer.

"I was just trying my luck! Obviously, hindi pa rin naman niya ako sinasagot!" Pagbibiro ni Sylfer. Pero maya-maya pa, naging seryoso ang mukha. "Hindi niya ako sinagot dahil ikaw pa rin ang hinihintay niya."

Sa pagkakataong iyon, bumitaw na ako sa kwelyo ni Sylfer. Ramdam ko naman na hindi niya ako basta inuuto lang. "Alam ko na para talaga kayo sa isa't isa," sabi niya saka umakbay sa akin. "Kaya makakaasa ka, tutulungan kita kay Princess Love. Mabuhay ang mga true love!"


* * *


(Alyanna POV)


Kababalik pa lang ng malay ko at bilin sa akin ay magpahinga na muna ako. Pero dahil sigurado naman ako sa sarili ko na okay na ako, nagpumilit ako na lumabas na ng kwarto. Isa pa, hindi naman ako mag-isa dahil nakasunod sa akin si Rouel.

"Sabihin mo lang kapag sumama uli ang pakiramdam mo, ibabalik kita agad sa kwarto mo."

Kung ituring naman niya ako, parang ang hina ko pa rin. "I'm fine. 'Wag ka na ngang mag-alala."

"What happened to you at Atreria? May ginawa ba sayo si Night Hollowick? Did he do anything else to you?"

"Paano mo nalaman na... na may kakaiba ngang ginawa si Night?"

Napayakap sa akin si Rouel. Sobrang higpit, hindi na ako halos makakilos.

"During our fight, he threatened me that he'll come after you." Mas bakas na ang takot sa boses ni Rouel. I'd be lying if I say I didn't appreciate his sweetness. Na-appreciate ko talaga kung paano niya ako alagaan. "I'm sorry I wasn't there."

"Don't feel sorry." Humawak na lang ako sa kanya para mapakalma siya. "Hindi rin naman natuloy ni Night 'yung masama niyang plano. I'm here now and still alive."

"Yeah, I know. Hindi ko lang talaga mapigilan na hindi mag-alala."

Ilang segundo pa ang lumipas, hindi pa rin bumibitaw sa pagkakayakap sa akin si Rouel. "So I guess hindi ka na nagtatampo saakin?" tanong ko sa kanya.

"Tampo? Bakit ako magtatampo?"

"Nakalimutan mo na? The last conversation we had didn't end well." Iyon ang time na nag-confess siya ng feelings niya, pero tinurn-down ko.

"Alright... how come you remember that conversation and you don't remember Brylle Zaffiro?"

Napanganga ako at hindi ko na alam ang sasabihin ko.

Hindi ko naalala si Brylle... o mas tamang sabihin na nagkukunwari lang akong hindi ko siya naalala. Sabihin na nating nagtatampo pa rin ako sa lalaking 'yun. At ako na ang masama. Ako na ang inconsiderate. Ako na ang manloloko. Pero napasubo na ako eh! Hindi ko naalala si Brylle... 'yun ang kailangan nilang paniwalaan.

"I... I don't know! I remember everything except for him! Peksman!"

"Really?" Rouel gave me a taunting look.

"Bakit ba? Sino ba kasi yang Brylle Zaffiro na 'yan?"

Napailing na lamang siya. Alam kong alam na niya pero, "Well... Brylle Zaffiro is just no one. You're better off without him in your memories." Saka siya tumingin sa akin, naghihintay ng reaksyon ko sa sinabi niya.

"O—kay..." Infairness! Sinasakyan niya ang kalokohan ko.

At bago pa magbago isip niya, mabuti pang mag-change of topic na lang ako. "Siya nga pala, nagpadala na ba ng mensahe sa ibang leaders ng Lux na wala rito? Kailangan ko talagang makausap ang lahat."

"Yeah, they'll be here in no time."

"Good!" Kailangang malaman ng buong angkan ang parating na digmaan na pinaplano ng mga kalaban. Kailangan na naming maghanda.




Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Where stories live. Discover now