Chapter 1

33.2K 623 15
                                    

Kringgggg....

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa phone call. Kinuha ko ito at sinagot yung tawag.

"Hello"

[Lady you need to come here. Urgent meeting]sabi ni Miss Lin.

"Okay papunta na ako Miss"

[Ikaw na lang ang inaasahan ko] sabi niya at binaba ang tawag.

Tumayo na ako para maligo.... Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako, nagsuot ako ng skirt, shirt, at KEDS shoes.

-

Pagkarating ko sa office sumalubong saakin yung mukha ni Miss na nakangiti.

"Anong pong meron?" I asked.

"Well I have a special mission to you" sabi niya. WHAT? MISSION?

"What mission?"Curious kong tanong.

"You'll be transferring to another school" she said. Hala! May kasalanan ba ako?

"Why? May nagawa po ba akong mali?" Tanong ko.

"Wala... Wala kang ginawang masama... Alam kong ikaw lang ang makakagawa ng misyon na ito sana tanggapin mo... BTW Kailangan nating malaman kung anong klaseng paaralan ang Phantom University, sa sobrang strict nila ay hindi natin malaman-laman kung ano ang meron sa loob ng paaralan na iyon"pagkasabi niya bigla akong kinalabutan.

"Bakit po sa Phantom University?"

"We need an information about sa school nila at kailangan nating malaman kung sino ang pumatay kay Leonard"Seryosong sabi niya.

"Teka... Wala na po bang ibang makakagawa nito?" Tanong ko. Pwede naman iba na lang gumawa. Kaya bakit ako pa?

"Please sana um-oo ka..." Sabi ni Miss at hinawakan yung kamay ko "Alam kong kayang-kaya mong pumasok doon and you have to pretend to be a nerd inside of that university... Ikaw na lang ang inaasahan ko Ms. Park so please"

Sobra bang importante to? Napabuntong hininga ako at tumingin sakanya.

"Pumapayag na po ako" Sabi ko.

"Good aayusin ko na ung mga papers mo dahil bukas na bukas din ang lipat mo dun. Here's your makeover for your nerdy style, your uniform and your books. And your name inside the Phantom University will be Chloe Madrigal. GoodLuck Young Lady" Nakangiting sabi niya saakin. Kinuha ko ito at lumabas na ng office niya.

Phantom University it sounds creepy right? Ano na lang mangyayari saakin sa loob ng paaralan na yun?

-

Ito na ang nakakatakot na araw. Nandito na ako sa Phantom University nakakatakot yung tingin na pinupukol nila. Napayuko na lang ako nang tumama ako sa matigas na bagay kaya inangat ko ung ulo ko. Hindi pala matigas na bagay sa chest niya ako nabunggo. Napatingin ako sa lalaki at 0_0. Ang gwapo.

"Get out of my way!" Maawtoridad na sigaw niya na ikinagulat ko. Akala ko pa naman mabait siya. Psh. "Bingi ka ba?" Nakakatakot niyang sabi. Sino ba siya sa school na to? Gangster ba siya para mangganyan ng tao?

"Sorry" nakayuko kong sabi at tumabi.

"Psh tatabi rin pala" masungit niyang sabi. Hmmpp sungit >.< tapos bigla niya akong nilapitan at sinilip niya ung mukha ko kasi nakayuko ako. Napaatras na lang ako.

Pretending to be a Nerd (COMPLETED-EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon