Special Chapter

Magsimula sa umpisa
                                    

"What's this?" nakangiting tanong niya rito sabay abot niyon. Drawing iyon na hindi niya maintindihan kung ano. Pero makulay. "Wow! You made this? Good boy."

Tumayo siya at binuhat si Isaiah. Mamaya talaga pagkauwi ni Johann ay isasampal niya rito ang mga libro nito.

"Nanay? Bookshor kam? Bookshor?"

"Yes, pumpkin. We'll go to the bookstore. But you need to take a bath first." She wrinkled her nose. "Isaiah is smelly."

Her little boy smiled and hugged her neck. "Yigo...na? Yigo?"

"Opo. Maliligo na tayo."

Kinuha niya ang tuwalya nila at pinaliguan niya na ang anak kasabay niya. Pagkatapos niyon ay inayusan niya na ito. Nang matapos ay naglaro na lang si Isaiah sa ibabaw ng kama habang nag-aayos naman siya.

It was already their daily routine. Sila ng anak niya. Since, hindi na siya kumuha ng yaya para sa anak ay palagi niya na itong kasama kapag pupunta siya ng bookstore araw-araw. And the people there loves Isaiah.

Isaiah loves the people at the bookstore as well. For a one-year old, Isaiah is very friendly. Malaking playground nito ang bookstore. Tumatakbo-takbo ito madalas at nagpapahabol sa kanya. Kapag nawala sa paningin niya, mahahanap niya na lang na may kinakausap nang iba kahit hindi pa maintindihan ang pagsasalita.

Madaldal ang anak niya! May pinagmanahan ba naman?

"Nanay?" tawag nito sa kanya habang pinapagulong-gulong ang feeding bottle nito sa kama. "Sa'n tatay? 'unta tayow niya? 'Unta tayo..."

"Tatay's at work. Di 'ba? Let's wait til the afternoon. Susunduin niya tayo sa bookstore, right?" Sinuklay-suklay niya ang basing buhok at saka binuksan ang blower.

Habang nagbo-blower ay nakikisabay sa ingay niyon sa Isaiah. May sinasabi-sabi ito. Kunwari naiintindihan niya kahit hindi. Natatawa na lang si Sapphire dahil kapag lalakasan niya ang blower, lalakasan din ni Isaiah ang boses nito.

Nang matapos niyang ayusin ang buhok, inayos niya na ang bag niya at ang baby bag nito.

"Are you bored, pumpkin? Sandali na lang 'to..." aniya habang nilalagay ang gatas nito sa bag.

Gumugulong-gulong na si Isaiah sa ibabaw ng kama habang may kinakanta. Sariling lyrics, siyempre.

Nangingiti na lang siya habang pinapakinggan ito. Kapag nanay ka pala talaga, lahat ng maliliit na bagay na ginagawa ng anak mo, nakaka-proud.

Marami siyang inaayos na gamit nito dahil mamasyal sila mamayang hapon pagkagaling ni Johann sa trabaho. Maganda ang panahon sa labas kaya plano nilang dalhin sa park si Isaiah.

Nang matapos na siyang mag-ayos ay kinarga niya na si Isaiah at umalis na sila papunta sa bookstore. She did not bring her car and rode a cab instead.

Pagdating nila sa bookstore ay sinalubong agad siya ng mga accommodating niyang empleyado. Pinagkaguluhan na naman ng mga ito si Isaiah at kung kani-kanino na napapasa ang anak niya.

She trusts every employee in her bookstore. Ultimo delivery man at driver. Alam niyang safe ang anak niya basta binabantayan ng mga ito. Kaya naman buong araw ay nakapagtrabaho siya ng matiwasay habang distracted si Isaiah sa paglaro-laro sa buong bookstore kasama ang mga staff.

"Ma'am Sapphire, heto na po pala ang mga pinapa-request niyong hiramin from the National Library," ani ng sekretarya niya sabay abot ng ilang hardbound thesis na sadyang pinakuha niya.

"Thank you, Cassy," aniya at saka inutusan ulit ito. "Please check my son outside. Pakidala naman dito. It's his nap time already."

"Yes, Ma'am."

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon