"Steph.." He intertwined his fingers with mine. Kasalukuyan kaming nakahiga sa kama nya. "Date tayo?"

"Date?" Tanong ko.

"Yeah, like what we used to do?" Takang tanong nya.

"Wag na, dito na lang." Malambing kong sabi. Mahirap na, baka makita pa ako ni Kris. Hindi naman sa natatakot ako sa kanya, natatakot lang akong malaman ni Max.

"Bakit?" He pouts. Siniksik nya ang sarili nya sa leeg ko at inamoy ako.

"Kasi.. wala. Hindi ka ba masaya kung ganito lang tayo?" Kasi ako ganito lang ang hinihiling ko, parating ganito, basta kasama ka..

So selfish..

"Hmm. I just thought na baka matagalan ulit bago tayo magkita? Sobrang busy mo ba ngayon?" Tanong nya habang nilalapit ang mukha nya saakin. Siksik sya ng siksik.

Napabungisngis ako at inalayo ko sya ng kaunti pero ayaw nya talagang lumayo. Naramdaman ko ang pagngisi nya sa leeg ko.

"Ha? Hindi naman.. alam mo naman yung step mom ko diba?" I lied. Ang sakit lang magsinungaling sakanya. Max.. kung kaya ko lang sabihin..

Mas lalo nyang siniksik ang mukha nya sa leeg ko. "You smell like a strawberry." He murmured.

Naramdaman ko ang maliliit nyang halik sa leeg ko pataas sa panga ko.

Hinawakan nya ang tiyan ko, unti-unting pumasok ang kamay nya sa damit ko, pero hanggang sa puson ko lang sya humahawak.

He bit my ear lobe and whispered. "I love you." Sa tuwing sinasabi nya ang salitang iyon, ramdam kong totoo. Alam kong mahal nya ako.

Naramdaman ko ang malambot nyang labi na lumapat sa labi ko. How I love to be kissed by him. He always kisses me gently.. full of passion. Unlike kay Kris, wild at alam mong may kasunod na.

Oh Jesus! Bakit nga ba si Kris na naman ang naiisip ko? Bakit ang demonyong iyon pa? Nagulat ako ng bigla na lang sumagi ang imahe nya sa utak ko, nakangiti sya ng nakakatakot at nakakatakot ang mga mata nya! Bigla kong naitulak si Max.

Kumunot ang noo nya at umupo. Medyo iniwas nya ang tingin nya at umupo ng maayos, medyo nakatalikod saakin. "I'm sorry.. am I going too far?"

"No.. no, that's not what I was going to do, Max.." Umupo narin ako sa pagkakahiga. Alam ko kasing nasasaktan sya sa pagtulak ko.

Sht! Why did I push him? Malamang kung ano ang maiisip nya. Darn!

"I won't force you to have sex with me, Stephanie. I won't do something to you unless you tell me to do so. I respect you. You know that." He said while looking down. Hindi ko makita ang mukha nya, tanging likod lang nya ang nakaharap sakin.

"Max.."

"Hindi din naman kita pinilit dati, I respect your decision when you said no to me." Humarap sya sakin. "I can wait Steph. Hindi naman kita pinipilit na ibigay saakin ang sarili mo ngayon. Pagkatapos na kasal, or when you are ready, we can do it. We will do it at the right time.. right?"

Otomatikong napatalikod ako sa kanya. Bigla na lang kasing tutulo ang luha ko. Ibibigay ang sarili? Max.. Naibigay ko na sa iba. Matatanggap mo pa ba ako? Nagsimula nang pumatak ang luha ko. Sht! Hindi dapat ako makita ni Max. Alam kong magtataka na naman sya at mahihirapan lalo dahil hindi ko naman masasagot ang tanong nya.

Naramdaman ko ang yakap nya mula sa likod. "Honey.. don't be mad at me, I'm not trying to do it, I'm just kissing you.."

Tinanggal ko ang pagkakayakap nya saakin. Gusto na kasi kumawala ng hikbi sa bibig ko at ayokong marinig nya yun.

"Max.. I'm leaving." I said.

"Steph.. please," Malambing na sabi nya. Max. Hind ka dapat nanghihingi ng tawad. Wala kang kasalanan. Ako, ako ang may kasalanan nito. Napakaselfish ko. Hindi ko masabi sayo..

"Max. Stop okay? Stop being dramatic. Just please, let me go." Pilit kong tinanggal ang kamay nya.

"No. I'm not letting you go." Makulit na sabi nya at binigyan ng mabilis na halik ang leeg ko.

"Max! I'm not joking okay?! Get off!" Naramdaman kong lumuwag ang pagkakayakap nya saakin. Nagulat siguro sya nang sigawan ko sya.

Nang mawala na ang pagkakayakap nya saakin ay tumayo na ako.

"Im leaving.. at hindi ko alam kung kailan pa ulit tayo magkikita. Or maybe, hindi na." Mahina kong sabi at walang lingon-lingon na iniwan sya.

Max Jonathan Francisco, Im.. Sorry.

3rd Person's POV

Nakatingin lang si Max sa papalabas na nobya. Hindi nya alam kung bakit ganoon na lang kung magkikilos sa kanya ang dalaga.

Humiga sya at napabuntong hininga. Ngayon na nga lang sila nagkita, nawalan pa ng saysay.

Bakit ba kasi hindi nya makontrol ang sarili nya pagdating kay Steph? Nasuntok nya ng malakas ang kama.

Mariin nyang naipikit ang mata, tila may nagbabadyang tumulo mula dito.

Ilang araw na silang hindi nagkakasama ng nobya, hindi tulad noon, halos araw araw na sila magkasama o kung hindi man, magkausap naman sila sa phone, pero ngayon, kahit sa phone, hindi nya na ito makausap.

'May problema si Steph..' Bigla na lang sumagi sa isipan nya. 'Pero bakit ayaw nyang sabihin saakin kung ano iyon?'

Mabilis na nakalabas si Steph sa unit ni Max at sa condo.

Habang naglalakad, palaging sumasagi sa isipan nya ang itsura ng binata. Kung gaano ito nasasaktan.

Kaylangan nya nang umuwi. Naisip nya.

Habang naghihintay ng masasakyan, nahagip nya sa paningin nya ang taong sinisisi nya sa lahat ng nangyayari.

Papunta ito kung saan nasan sya.

"Look who's here." Tumawa ng walang poise ang babaeng kinaiinisan nya.

Tinignan nya ito mula ulo hanggang paa, maayos ang damit nito, mukhang nagastos na nito ang perang pinangbenta sakanya.

"Tessa, masaya ka ba?" Mapait na tanong nya.

"Haha! Ano sa tingin mo?" Naiinis sya kung paano ito magsalita.

Napatingin sya sa kasama nito. si Anna, ang anak ng step mother nya.

"Well sana, gastusin mo ng mabuti yang perang yan. And please lang, para naman hindi ako manghinayang sa perang nakuha mo, pakiretoke ang baba ng anak mo, pati na yang ilong mo." Mataray na sabi ni Stephanie sa kanila.

"What did she just say?! Mommy! Do something about it!!" Matinis na sigaw ni Anna.

"Aba't ang kapal ng mukha ng babaeng ito! Pasalamat ka at lumandi ang ina mo kaya nandito ka sa mundo! Punyeta!" Sigaw ni Tessa sa kanya.

Biglang nagtangis ang bagang ni Steph ng marinig iyon.

Dali-dali syang humarap kay Tessa at nakahanda na ang kamay nya para sana sampalin ito.. pero hindi nya nagawa.

Binaba nya ang kamay nya. Natitigan nyang muli si Tessa. Hawig nito ang ina nya. Alam nya iyon matagal na, kaya siguro sya minahal ng ama nya ay dahil na rin sa kamukha nito ang yumaong ina nya. Pero magkalayong-magkalayo ang mga ugali nila.

Hindi nya kayang saktan si Tessa. Bukod sa naaalala nya ang ina nya dito, kahit papaano ay ginagalang nya parin ito, Iyon ang hiling ng ama nya bago ito mamatay.

"Wag na wag mong sasabihang malandi ang nanay ko." Matigas na sabi nya. "Sino ba ang lumandi? Hindi ba ikaw? Tapos ano? Inalagaan mo ba si papa noong nagkaroon sya ng cancer? Hindi. Dahil gusto mo lang ang pera nya. Pagtapos ano?! Inubos mo sa sugal at lalaki... you whore. Sino ngayon ang malandi sa inyo ni mama?"

Tumakbo na palayo ang dalaga pagkatapos nyang sabihin ang hinanakit. Naiwang tulala at gulat ang mag-ina.

Nakaupo lang ang dalaga sa isang bench. Nasa park sya at nagpapahangin. Ayaw nya munang umuwi sa bahay ni Kris. Alam nyang galit ito, at baka kung ano na naman ang ipagawa sa kanya.

'What a life.' Nasabi nya sa sarili.

Stephanie, The Devil's SlaveWhere stories live. Discover now