Nakatitig lang ako sa malapad nyang likod, nakasuot sya ng white sando at naka plaid shorts.

Niyakap ko sya, niyakap ko ang likod nya. I used to do this before, kapag nagtatampo s'ya. Tinatalikudan n'ya kasi ako at dumadapa sa kama at kunwaring gusto n'yang matulog, pero nagtatampo lang. Kabisado ko na s'ya. Kilalang kilala ko na s'ya.

Dati ang akala ko ayos na ang lahat. Para kaming nasa isang perpektong istorya na nababasa ko lang sa mga libro. Hindi s'ya tumingin sa kahit na sinong babae noong naging kami. Akala ko talaga kami na hanggang huli.. pero hindi pala.

Ayoko na. Hindi ko s'ya deserve. Someone deserves him, someone... who will never be me.

Masaya kami ni Max, ako ang unang babae na minahal nya, pero bago ako may mga naging babae na din sya. Yun nga lang, mga nakaraan lang n'ya yung mga yon, at naging masaya kami noong magkita kami. Max.. Ang tanging lalaking mahal ko at ang kaisa-isahang lalaking mamahalin ko.

Hindi ako nagsalita. Ang gusto ko lang ngayon ay yakapin sya. Gusto kong lubusin.

Nang ilang minuto na ang nakalipas, humarap sya saakin at hinawakan ang pisngi ko.

"Bakit ang tahimik mo?" Tanong n'ya. Siguro nagtataka sya dahil imbis na lambingin ko sya, nanahimik lang ako.

Tinitigan ko s'ya mula sa kulay itim n'yang mata na parang hinahatak ako. Pababa sa matangos n'yang ilong at pulang-pulang manipis na labi. Para s'yang isang perpektong lalaki, kung tutuusin may pagkakahawig sila ni Kris. Ano nga ba? Hindi naman sa mata, hindi rin sa labi? Saan nga ba? Sa bukas ng mukha? Sa aura?

"Kausapin mo 'ko.." Tahimik na sabi n'ya.

Tinignan ko lang ulit s'ya.

"Mahal kita." Gusto kong sabihin ang lahat sa kan'ya.. pero hindi ko kaya. Hindi pa ngayon. Hindi pa pwede.

Niyakap n'ya ako at sumubsob sa kandungan ko. Nakadapa parin s'ya at ako naman ay nakaupo. Napangiti ako. para s'yang bata. Sana kami na lang.. kami na lang hanggang huli.

Maya-maya lang ay umalis na din s'ya sa pwesto n'ya at umupo. Umupo s'ya sa tabi ko. Tinitigan n'ya lang ako.

"May problema ka..." Hindi iyon patanong. Sinabi nya iyon.

Ngumiti lang ako. "Paano mo naman nasabi?"

Marahan n'ya akong hinatak papunta sa bisig n'ya. Niyakap n'ya ako, ang hilig n'yang yumakap. Nakasubsob tuloy ako sa dibdib n'ya.

"Stephanie, gusto kong sabihin mo sakin kung anong problema mo." Malambing na sabi nya.

"Mahal kita." 'Yun ang problema ko. Sobra kitang Mahal... na hindi ko pa kayang umamin, at hindi ko pa kayang pandirihan mo ako at iwan. Sobrang selfish kong tao.

"Steph." Nilayo n'ya na ako at nakita ko syang malapit na magpout.

Hinila ko s'ya sa kamay. "Ipagluto moko!" Maotoridad na utos ko sa kan'ya at humalakhak.

"Tss." Tumawa sya. "Yes boss!" pagkatapos nun ay pinat nya ang ulo ko.

Umupo lang ako at pinanuod syang magluto. Magaling kaya s'ya magluto!

"Anong niluluto mo?" Tanong ko sa kanya.

"Hmm.. carbonara." Tipid na sagot n'ya at humarap sakin at ngumiti.

"Ow-kie." Masayang sabi ko. Gusto kong kalimutan si Kris ngayong araw.

Kanina pa sya nagte-text saakin. Minsan tumatawag pa pero hindi ko pinapansin. Pinapauwi lang naman n'ya ako. Anong Gusto nya? Sa bahay na lang ako palagi?!

Nang matapos magluto si Max ay kumain na kami. Masaya kaming kumain. Hindi nya binabanggit ang kung ano-ano kagaya lang ng bakit hindi na ako madalas na nakakapagtext? Bakit hindi na sya nakakabisita sa bahay, at kung ano-ano. Mabuti na nga lang at ganun, siguro naiintindihan nyang ayoko munang magkwento sa kanya.

Stephanie, The Devil's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon